This dad entered the Pinoy Big Brother house with his kid. The mom got free access to the home-studio too to ensure that the baby's needs are provided for.
If only for the same opportunity to be mine, sumali rin kaya ako sa PBB? Pero dapat dalawang anak ko kasama pati si Sir_Ko. At saka hindi one week lang. Mga isang taon. Me and Sir_Ko will still be working. Work from home the entire time. Bahay lang talaga magbabago. I'm thrilled.
Sure ako hindi ako mananalo. Hindi naman ako sociable na tao, hindi rin sasali sa mga emo moments hangga't maaari. Ako siguro ang magiging pinaka-KJ na housemate sa isang dekadang history ng PBB. Pero ang sigurado, ako ang pinakamasaya.
Paano ba sumali? Ayoko pumila sa audition e. At kung matanggap just by them reading this blog... paano ko kaya mapapapayag ang employer ko. Heeenggg. Bomalabs. Maririnig at makikita ng world ang mga highly confidential na hawak naming data.
Saturday, August 15, 2015
Ang Maging Housemate
The Other Yaya Is Angry Too... Must be the baby's "CREV"
Kung wala kang oras magbasa ng links, si Glea yung yaya na nag-aburido dahil ang gusto niyang day off ay Lunes, hindi Sabado at Linggo. Nagsabi siya na hindi uubra sa kanya ang ganun kaya nagrequest sa agency na papalitan siya. Ang sabi ng agency, ok lang yun basta antayin niya ang kapalit niya. Ang sabi ni Glea, hurry up guysh kasi may trabaho na raw siyang naghihintay. Kinabukasan, nakipag Face To Face sa nanay ko si Glea at Grace. Nauwi sa nagsipag-resign sila hora mismo.
Dahil sa nangyari, nagdesisyon ang ASONICS Employment Services na i-blacklist si Glea. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sinasadya o hindi, ang nagrehistro sa isip ni Glea e kami raw ang nagpa-blacklist sa kanya. At yan ang kwento sa mga makulay na text messages na ito.
Ayaw ni Glea nung naganap na photo op bago siya umalis ng agency.
Dahil bagong gising ako ay malumanay kong sinagot ang mga text ni Glea. Bukod pa sa medyo kailangan ko pa ng Google translate para sa mga text niya.
Pero hindi ko napigilang pumatol sa CREV. Alam niyo ba yung CREV? Nagpuputok ang butsi ni Glea kasi sinabi raw na sira ang CREV pero hindi naman pala.
Medyo kinabahan ako ng slight sa tono ng pagbabanta ng Glea. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin. There is always a first time talaga ano? At dapat yata bumili na kami ng bagong "crev" dahil mukhang importante yun sa yaya ng makabagong panahon.
Friday, August 14, 2015
Usapan Ng Mga Anak Ko (Kathang Isip Na Horror)
P: Ewan ko. Basta pareho kami ni Dadda. Ayoko na mag-expect. Gayahin mo na lang kami. Saka bakit ka ba curious eh si grandma lang naman saka si tita ang gusto mo kumakarga sa iyo?
S: Wala lang. Sabi kasi ni mommy huwag ko isipin na kasalanan ko kapag umaalis ang yaya. Eh bakit ba kasi hindi na lang si mommy ang maging yaya natin? Gusto ko siya mag-hug e.
P: Kasi mahal ang mga ointment mo pati pedia derma mo.
S: Hala. Ikaw kaya. Mas mahal ang therapy sessions mo. Bakit kasi hindi ka pa umamin na marunong ka naman magsalita.
P: Mas mahal ang gatas at ang diaper mo. Ayaw mo pa kumain mukha ka tuloy api.
S: Ikaw din naman nagda-diaper pa a! Gusto mo umiyak ako ngayon din para magkagulo sila?
P: Salbahe ka! Anyways kahit hindi tayo magastos magtatrabaho pa rin si mommy at dadda kasi nagbabayad sila ng house natin saka pambili ng food.
S: E di huwag na tayo kumain at share na lang tayo sa milk ko.
P: Hay naku. Ang dami mong hindi alam.
S: Bakit si tita hindi naman nagwo-work. Siya nag-aalaga sa cousins natin. Hindi kaya ayaw sa atin ni mommy?
Pareho silang dudungaw sa bintana... panonoorin ang ulan.
S: Si mommy nagturo sa akin ng rain rain go away. Tapos open palms para mabasa.
P: Sa akin din naman. Siya rin nagturo nun.
S: Bakit si Dadda hindi naman iniiwan sa yaya?
P: Kasi matagal na siyang potty trained. Saka marunong na si Dadda magprepare ng pagkain. Hindi niya kailangan ng bantay.
S: Pero kailangan niya rin ng hug ni mommy. Buti pa siya lagi sila magkasama. Tayo iniiwan lang.
P: Ayan na si grandma umiyak ka na daliii! Sasapakin kita ha? Galingan mo!
Thursday, August 13, 2015
14th Employment Anniversary
14 years ago today was my first day at work. Real work. Meron naman akong mga trabaho bago iyon pero wala pang nananakaw sa akin ang mga top honcho-Pontio Pilato ng gubyerno, BIR, SSS, PAG-IBIG at PHILHEALTH noong mga panahon na iyon. Suwerte naman ako at sadyang mabait, nakakadalawang employer pa lang ako:
Company A - 9 years and 10 months
Company B - 4 years, 2 months and counting
Ito naman ang mga naging trabaho ko. Hindi ko na ilalagay ang tenure per role saka official titles. Baka naman sabihin niyo naga-apply ako. Masarap lang balikan:
1. Call Center Agent, Technical Account
2. Call Center Agent, Entertainment Account
3. Call Center Agent, Travel Account
4. Subject Matter Expert (Line Supervisor)
5. Operations Supervisor, Financial Account
6. Process Trainer, Financial Account
7. Process Trainer, Travel Account
8. Training Manager
9. Training Manager and Employee Engagement Manager
10. Leadership Development Trainer
11. Curriculum/eLearning/Instructional Designer
12. Senior Training Manager
13. Strategic Marketing Analyst
14. Global Compensation Shared Services Analyst
Well, what do you know? Nagulat din ako dun ha. 14 jobs in 14 years! Hindi ako hopper 'no. Talaga lang mabilis ang galaw sa mundong pinanggalingan ko (ang joke dati, 7 years in a traditional company = 1 year in a BPO sa sobrang bilis ng mga pangyayari). At saka rin kasi nung kabataan ko, lagi akong may plano pagdating sa career. Yung#1-#5, random moves inspired by financial needs and the help of so many people around me. Pero yung #6-#12, bukod sa kumikitang kabuhayan (lagi namang kasama yun!) ay para sa binubuo kong foundation ng big dream na maging mahusay na Workplace Learning & Performance Consultant (na nagagawa ko naman paminsan-minsan, salamat kay JellicleBlog.Com).
And then mommyhood and wifehood happened. Tigil putukan, sabi nga sa news. Ceasefire muna. Ang kailangan ko na kasi ngayon ay kumikitang kabuhayan na mabait sa aking personal na buhay. Yung maraming natitira sa akin na oras at lakas para makipagbuno sa mga mas malalaking alalahanin sa labas ng opisina.
Sa totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging #15. Ang mga kasabayan ko sa karera na iniwan ko (pansamantala?), big time na. May mga Directors, AVP at VP na nga e. Aaminin ko, may maliit na kurot sa puso kung minsan kapag nakakabalita ako ng kanilang promotions. Pero bumabalik ako sa dahilan ng ceasefire at kumakalma naman ako. Lalo na kapag yakap ko ang mga anak ko at ang aking asawa.
I have so many things to be thankful for. Yung mga mababait at magigiting na boss at mentors, mga kaibigang nakilala na hanggang ngayon ay kasama, mga bagay na nabili at mabibili pa, mga karunungang puti at itim na nahuhugot tuwing kailangan, mga karanasan na hindi matatawaran.
Happy anniversary to me! 20 years old ako noong unang nagtrabaho, ibig sabihin I'm 35% done sa 40 years na tinakdang working years para sa Filipina my age. Kung ang retirement age ay hindi magbabago, 26 years to go na lang iyon... shet. Dalangin ko ay lakas katawan, talas ng pag-iisip at tibay ng dibdib para bunuin ang kahit anong pagsubok at tax deductions pa na darating.
Wednesday, August 12, 2015
Sausage Saves The Day
Tuesday, August 11, 2015
Hugot: Nang Pumatol Ako Sa Yayang Aburido
Sumaklolo ang nanay ko. Nagsabi na huwag mong kausapin ng ganyan ang bata kasi...<ilagay ang konteksto na si Pot ay anim na taon pero delayed ng 3 taon ang kilos at isip. So bale ang sinasabihan ni Grace na dapat ay marunong na maligo mag-isa ay batang 3 taon. Alam niya iyon, pinag-usapan na namin sa interview niya.>
"Yung bata ang kausap ko!" Singhal ni Grace kay Mama.
Mama: "Ay huwag namang ganyan, mag-respeto ka naman sa matanda sa iyo. Ako pa rin ang may-ari ng bahay kahit anak ko ang amo mo."
Grace: Kaya walang nagtatatagal sa inyo na yaya eh! Ganyan kayo! Yang bata kaya hindi yan naaayos binebaby niyo!
Face To Face na ito! Nagsanib lakas si Grace at Glea. May mga lumabas na reklamo, sinubukang sagutin ng nanay at kapatid ko. Sa huli ay nagdesisyon ang dalawa na aalis sila, like now na. Kahit may 6-month contract sila sa agency ay wala silang pakilalam. Walang makakapigil sa amin sabi pa siguro. In true pabebe girls fashion. Si Grace ay maraming text sa akin. Hindi ko pinapansin noong una. Ayoko sanang pumatol. Pero tao lang ako at may ilang taon na ring nagtitimpi sa mga salbaheng yaya. Sige na, pagbibigyan ko na itong walang katorya-toryang sabong na ito. Sana may oras kang tapusin. Masaya ito kung hindi ikaw ang kaaway.
Konting background lang muna. Sa tuwing magi-interview kami ng yaya ay may mga importante kaming sinasabi bukod pa sa basic information tungkol sa suweldo at basic expectations. Kasama ang dalawang ito:
- Ang aalagaan mo ay may kundisyon na ang tawag ay Global Developmental Delay (GDD). Six years old na siya pero ang isip at kilos niya ay pang-tatlong taon. Ibig sabihin hindi pa siya marunong maligo, kumain, magbihis mag-isa. Basta kung ano ang alam at ginagawa ng tatlong taon, ganun siya. Ite-train ka namin at ng pamilya namin kung paano siya alagaan. Kahit masakit kailangang sabihin ito. May mga umaayaw sa special needs child.
- Hindi kami mayaman. Simple lang ang bahay namin sa Tatalon. Maliit na bahay. Wala kang sariling kuwarto. May isang common bedroom. Sa kama natutulog si Mama, ang kapatid ko at ang mga bata. Kayo ng isang yaya ay sa isang kutson sa sahig. Yes, kailangan ding sabihin kasi maraming maaangas na yaya na nakapagtrabaho na sa mayayamang pamilya. May mga umaayaw kapag walang sariling kuwarto.
"wala po ako sinabi maliit..sabi ko po wala kmi room at madami nakikialam sa trabaho..tlaga nmn pong squatter ang area..di nmn po ako intresado kng ilang metro bahay nyo..labas n po ako dun.."
Ako ulit --- "Hindi mo rin yata alam ang ibig sabihin ng squatter? Tumitira sa lupa na hindi pagmamay-ari kaya sinasabi ko sa iyo na may titulo ang bahay namin kaya hindi kami squatter. Wala kayong room? Magdemand ka niyan kung sa sarili mong bahay ay may room ka. Sabi mo nga wala kang ipon. Naghahanap ka pa ng sarili mong room?"
dhil po sa lahat ng napasukan ku may maids quarter..ewan ku sa inyo ma'am..khit panu nmn po may naitabi akong maliit na halaga..may lupa nmn po kami sa probinsya at may bahay..khit po katulong lng trabaho nmin di nmn ako patay gutom..
Ako ulit --- "O sino nagsabi patay gutom ka? Sinabi ko sa phone interview na wala kang kuwarto bakit biglang issue na yun? So nagsinungaling ka lang nung sinabi mong ok lang yun? Wala kaming tinatago sa naga-apply dahil patas kami. Nagkakaproblema lang kapag pumapayag para mahire tapos may mga issue pala na gaya mo. Sabi mo sa akin na wala kang ipon sa pago-office clerk mo kaya ka bumalik sa pagyayaya. So hindi rin totoo yun? Mahirap mabuhay sa kasinungalingan."
3. Na Siya Ang Himala Na Gagamot Sa GDD Ng Anak Ko
Monday, August 10, 2015
The YummyliciousLady Forever Wish List
"Wish Ko Lang Showcase"
Mabibili ng maraming maraming salapi pero wish ko lang na may magbigay dahil medyo todo naman itong listahan na ito. No indecent proposals please. Hindi ako willing magpakita o magpatikim ng kahit anong parte ng katawan ko para sa mga ito. Pero may mga talent portion ako na puwedeng gawin para sa iyo. Pag-usapan natin ang terms.
"13th Month Showcase"
Mabibili kung may budget o may binasag na dambuhalang alkansiya para sa akin.
"Mabibili Sa Suking Tindahan Showcase"
Mabibili kahit now na. Mura lang kung mahal mo naman ako.
Glea The Yaya Hopper
Meron din kaming yaya orientation. Mahirap umasa sa common sense. We cannot leave anything to chance kumbaga. Hindi namin inakala noon na maiisip ng isang yaya na ok lang na tumambay ng hanggang 3AM sa piling ng iba pang mga yaya sa labas ng bahay. O na dapat palitan ang baong tubig ng alaga niya sa school. O na dapat ay bumula ang sabon at shampoo para masabing nasabon niya ang bata. O na dapat parte ng paghuhugas ng puwet ng batang dumumi ang pagsasabon. Mga ganung shet.
Nagulat kami nang uminit ang ulo at nagiba ang mukha ni Glea pagdating sa rest day. Ang kadalasang day off ng yaya galing sa agency ay 12 hours every two weeks. Kami ang bigay namin ay 27 hours every two weeks. Aalis ng Sabado ng 9AM at uuwi ng Linggo ng 12PM. Ang gusto raw ni Glea ay Lunes ang kanyang day off kasi may fina-follow up siya. May inaasikaso raw kasi na kung anuman na hindi na namin pinakialaman.
Hindi sa amin puwede ang Monday na day off. Kasi, hello? Empleyado kami pareho. Office jobs. May pasok ng Lunes. Kaya ang sabi namin ay paano ba yan? Hindi raw talaga puwede. For replacement na lang daw siya. Ok lang naman sana. At least nalaman namin nang maaga. Pero mas maigi sana kung sa phone interview pa lang sinabi na niya diba? Ang tapang nga niyang nagtanong tungkol sa Kasambahay Law pero yung day off requirement niya, itinago.
Papalitan naman siya ng Asonics Employment Services. Within this week daw. Sa amin daw muna si Glea hanggang dumating ang replacement yaya. Lumabas ang katotohanan. Sabi kasi ni Glea, inaantay daw kasi siya ng dati niyang amo. "Mas kampante po kasi ako ron." Sana raw bago mag August 24 ay sana may kapalit na siya kasi kung lumagpas sa August 24, hindi na siya kukunin. Aba e ang galing din naman pala talaga nitong si ate. Ginawa kaming hobby, pampalipas oras habang naghihintay ng trabaho.
Hindi malinaw sa ganitong sitwasyon kung may alam ang agency sa secrets of yaya sisterhood. Kasi kahit may 6-month service contract, may bayad pa rin naman ang bawat replacement. So ang gandang kumikitang kabuhayan pa rin sa kanila. Benefit of the "daw." Paniwalaan na lang natin na hindi alam ng agency na walang forever sa yaya na dineploy nila.
Nakakaaliw at nakakabaliw ang mga trivia ni Glea sa dati niyang amo. Asawa raw ng adik na top honcho sa ABS CBN. Lagi raw sabog, minsan humaharap sa kanila na hubo't hubad. Gusto raw ng magdamag na kuwentuhan, parang si Kuya Germs. Walang tulugan. Ang sabi pa ni Glea, tinuturuan ng amo niyang babae ang mga anak nito na saktan silang mga yaya kasi walang penalty sa dati niyang agency kapag bata ang nanakit sa kasambahay. Dati nga raw, yung bata e nag-init ng kutsilyo sa apoy ng kandila at yung kutsilyo e idinikit sa braso ng kasama niyang yaya. Very good daw, sabi ng nanay. Ito ang babalikan niyang amo. Adik pero mayaman. May sarili raw silang kuwarto at iba ang pagkain nila sa pagkain ng mga amo.
Ang sabi ko kay Glea, sana sinabi niya agad ang mga plano niya sa buhay noong kausap pa lang namin siya. Lalo yung may iba naman pala siyang inaantay na employer. Napakalaking abala kasi ng ginawa niya. Ang sagot eh "eh wala na po tayong magagawa riyan, ang importante e iyong ngayon."
Sana ay ikaunlad ng buhay mo yang ganyang ugali mo, Glea. Para mas marami ka pang ibili ng astringent para sa nabubura mong mukha.
Sunday, August 09, 2015
The One Where I Lost Her
Grocery day. We usually try to take just one kid at a time but I felt like we're ready to have both fatal charming storms with us today (nakakamatay ang likot ng mga ito). Plus mommy guilt. The cantankerous bitch won't zip it. She really wants a complete family tree on grocery days.
The kids love the free cart ride. Their favorite spot is the live fish area. For their entertainment, I'd usually pick stuffed animals and toys. Then off the cart the toys go when it's time to pay.
Their gleeful hedonistic hearts, however, cannot handle the wait time at the checkout counters. So I'd typically take whoever is with us to the toys' area while the Hubby waits in line. Today I had two kids with me, one glued to my hips. Sop was trying some kids' motorbikes while Pot was finding balls to fit in that cute hoop in the corner. Then it happened. Pot just magically disappeared.
I searched all her favorite spots. Crayons and coloring books. Toys and more toys. Appliances area, TVs. I could not find her. Thoughts of kidnapping, pedophilia and white slavery started creeping in. Will I see her in Makati as a filthy beggar with a missing leg? I noticed that my heart stopped beating. I wondered how I am still alive.
After almost 10 minutes of searching and asking grocery staff, one lady confirmed that she saw Pot a few minutes ago. She said that I should probably check the "arcade" area outside. God bless her. Pot was indeed there.
I found her in this spot, with a semi worried look in her face but with eyes still mesmerized by this flashy "Fantasy World" whatever. I would have probably relocated to this world if we lost her for real.
Pot is a special needs child. She is six years old, nonverbal and with the faculties and behaviors of a three year old. How will she find her way home? I am going to make an ID for her this week. And she will need to wear it everytime we're out. And I will never get tired of praying for the kindness of strangers.
I can like pretty
Wala lang sa mukha at katawan pero meron din akong kapasidad na mahumaling sa cute. Gusto ko itong gawing t-shirt, knapsack at customized Chucks. Saka hardbound notebook na rin. Ahihiii..
Designed in my favorite camera and photo editor app, CYMERA.