Nuffnang

Thursday, September 03, 2015

Nasa dulo ng dila ko... at niya rin


Noong minsang hindi namin lahat maalala kung anong tawag sa trabahong iyon ay napa-Google ako. Ayan, para hindi na namin ulit malimutan. Ever.







































Image is from http://www.urbandictionary.com
More definitions here.
Also a movie.

Wednesday, September 02, 2015

May Kinuha Sa Akin

Ikaw na hulmahan ng aking pagsinta
Payat, misteryoso, pilyo ang mata
Ikaw na sukatan ng hindi mapayapang harot
Simpatikong hindi sinasadya, makisig na makisig
Kahit walang medyas na suot
Isnabero sa personal, madalas ay hukot
Kaysarap tingnan kapag noo'y nakakunot

Ano itong nababalitang kukunin mo na siya
Binigyan mo raw ng singsing, kumikinang sa kamera
Dinadaluyong ako ng lumbay at galit
Hindi ikaw, hindi ikaw, hindi dapat ikaw
Ang sa pangarap ko ay gigipit.
Kukunin ka na niya, gaya ng iba.

Hindi ko inakala.

Luluhod ka pala, magaalay ng bato sa maputi at makinis na daliri, ano ang kasunod magma-martsa kayo?

Hindi ko inakala.
Hindi talaga.
Nababasag pala.
Ang hulma.
Ng aking pagsinta.