O eto, mas maliwanag. Pati putik sa paa ko kita mo na dapat. Kalahati ng paa ko guysh. Ang laki talaga.
Eto siya, up close and personal.
Makuwento ko lang... Kung matanda ka na, or may matandang matiyagang nagkuwento sa iyo... siguro alam mo yung Susong Imelda. Kinarir daw yun ng breeding noong 1970's para panlaban sa mga peste. Sa halip na gumamit ng kemikal na pesticide, natural way daw.
Halos ganito rin kalaki ang mga susong Imelda pero yung mga iyon, bilog. Tsaka pula ang itlog, ang gandang tingnan kasi halos parang mukhang nakatikom na lotus flower (pula or pink) pag galing sa malayo. May alaga kaming ganun dati sa maliit na fishpond ng tatay ko, pagkain ng mga alaga naming itik na unti-unti ring naubos dahil ninakaw at pinulutan ng mga kapitbahay.
Hindi ako nag-iimbento. Totoo ang Susong Imelda, basahin niyo rito. Ang naging problema lang, sa kalaunan, hindi na nag-alaga ng itik ang mga tao kaya wala ng kumain sa Susong Imelda. Tuloy, sa halip na sila ang panlaban sa peste, sila na rin ang naging peste (parang mga tamad na government employees).
Pero sa kabila ng lahat, sa tingin ko, epektibo ngang panlaban sa peste ang susong Imelda. Kasi eventually, na-people power din naman ang rehimen.