Mga dagdag kaalaman mula kay Teacher Lou. Tungkol ito sa mga sistema at proseso ng
eskuwelahan, kasama na rin ang brief expectations setting session (meron pa sa pasukan, sinagot niya lang muna ang mga tanong ko).
1. Children are grouped by their condition to ensure proper care and attention. Napanood mo ba ang
FAME? Ganun ko nai-imagine ang set-up. Ang bawat klase ay binubuo base sa specialty ng special needs ng mga bata. May sections for children with autism, down syndrome at intellectual disability (duon sasali si TLO).
2. Hindi basta bastang nilalagay ni Teacher Lou ang mga bata in sections. Inoobserbahan niya muna ng isang linggo bago mag-conclude kung sino ang gustong kasama ng bawat estudyante at kung ano ang tamang mix. Madalas daw kasing mag-walk out ang mga batang ito pag ayaw sa mga nagaganap o mga kasama. Nirerespeto ni Teacher ang choice at preference ng mga estudyante. I love her for that. Very humanist and progressive.
3. Ang mga magulang ng estudyante ay nagiging support group at community. Highly encouraged ang mingling ng estudyate AT parents. May mga binanggit na siyang pangalan ng mga magulang na feeling niya ay makakasundo ko. Dahil raw pare-pareho ang condition ng mga bata sa isang klase, malaking tulong sa parents na malaman kung ano ang mga nangyayari sa buhay ng bata at pamilya isa't isa. Bet ko yan.
4. It takes a minimum of 3 years bago maka-graduate ang mga bata sa SPED. Ibig sabihin, puwede na silang sumali sa regular school. May assessment na ginagawa taun-taon para makita kung handa na ba ang bata. May mga gradudates na sila na nasa regular school na ngayon.
5. Pending Teacher Lou's assessment pa ito pero mukhang Grade 1 na si TLO pagpasok niya sa June 13. Napatili yata ako rito. Sabi ko, Teacher, Grade 1? Hindi pa po siya nakakabasa. Pinakalma naman ako ni Teacher. To simplify, ang grade level ng SPED kids ay three levels lower ng sa regular kids. For example, ang Grade 6 na SPED student ay may faculties ng isang Grade 3 student.
6. Base sa malawak na karanasan ng mga teachers sa Makati SPED Center, ang batang may ID (Intellectual Disability) ay:
- natututong magsalita
- natututong mag-alaga ng sarili
- likas na malambing at hindi marunong mag-sinungaling
- likas na performer
- matinik sa pagbabasa ng tao (hindi raw sila madaling lokohin)
- hindi nakakabasa (pero libre ang umasa)
Ang bawat dagdag kaalaman sa kondisyon ni TLO ay either nakakadurog o nakakabuo ng pag-asa. Iniyakan ko ang posibilidad na hindi makakabasa si TLO. Ang mommy at daddy mahilig magbasa tapos siya hindi makakabasa? Kanino ako puwedeng makipag-away para diyan sa law of nature na yan? Pero hindi ko ito susukuan. Sa lahat ng nilatag na mga posibilidad kay TLO all these years, ito yata ang hindi ko kayang isuko at tanggapin. Idadasal ko ito ng non-stop.
====
Gen. Pio del Pilar Elementary School (SPED Center)
Nemesio I. Yabut Elementary School
Address: Escuela Street, Guadalupe Nuevo, Makati City
Phone Number: (02)882 2058
For more public and private SPED school options, please click here.