Nuffnang

Pages - Menu

Friday, April 12, 2013

Malinamnam

Noong nagsimula akong mangarap na makalipat sa bagong trabaho, inarbor ko ito sa bunso kong kapatid. Sabi ko may gusto akong puntahan at kailangan kong mag-aral para makapunta ron. Aba, nagdilang anghel. Nandito na ako. At kakaririn kong tapusin itong textbook, pati mga exercises.Ang sarap, sarap, sarap mag-aral.

Thursday, April 11, 2013

Ang Mga Turo Ni Mama at Papa

Inspired by my sister's FB post, this meme.
Warning: Possible offensive content

1. TRUST
Basta sinabi ko, yun na yun.

2. HUMILITY
Huwag kang mayabang. May mga bagay na hindi mo dapat sinasabi tungkol sa iyo. Antayin mong sila ang magsabi na matalino ka o magaling ka.
Commentary: Sana itinuro ito ng lahat ng magulang sa anak nila. Ang laki tuloy ng claims department sa mundo. Self-proclaimed writer, photographer, artist, etc. 

3. RELATIONSHIP
Kapag tinanong ka kung loyal ba sa iyo ang asawa mo, ang dapat na sagot ay "sa pagkakaalam ko, oo." Marami kang hindi alam.

4. HOW TO GET A GUY TO LIKE YOU
Anak, hindi ka maganda pero malakas ang charisma mo at maganda ang mata mo. Minsan, magpa-easy to get ka. Madali lang yun. Pag nagkasalubong na kayo ng tingin, huwag ka ng bibitaw ng titig. Ayus na yon. Tingnan mo yung mga kapitbahay nating teenager na kepapangit, ang daming lalake. Ang dudungis pa nun ah. Ikaw naman lagi kang naliligo.

5. NEVER ROMANTICIZE
Ako: Papa, kapag lagi kang inaayang kumain o magkape ng lalake, diba may gusto siya sa iyo?
Papa: Ay hindi ganun. Lagi lang yung gutom o kaya antukin.

6. MARRIAGE
Anong live in, live in? Gago ka ba? Ano ka, magpapalaway lang?

7. NO RULES AT WORDPLAY
~ Kawawa naman si Aling Something, sunod sunod ang trahedya nila. Yang pamilyang yan, kinantot ng malas ngayong taon.
~ Fetus ka pa lang, ang dami mo ng tanong.
~ (Nung malamang may ka-MU na ako) Bakit, nangangati ka na!?! Gusto mo ipatawag ko lahat ng lalake dito sa area natin at papilahin ko sayo para kamutin ka?!?

8. ESPIONAGE
~ Maingay ka raw sa klase kanina. Nababarkada ka na. May source ako, binibigyan ko lang ng meryenda para sabihin lahat ng ginagawa mo sa school.
~ (Hawak ang gutay gutay na scratch paper ko after ng quiz bee). Careless ka! Lumilipad na naman ang isip mo! Kala mo di ko malalaman at pinunit-punit mo pa ang scratch mo! Simpleng addition lang ang nagpatalo sa iyo!

8. REBELLION WITH A CAUSE (GREAT PREP FOR EMPLOYEES)
~ Hanggat dito ka nakatira at kami ang nagpapakain sa iyo, susunod ka sa mga patakaran dito. Kung kaya mo na sarili mo, o e di sumige ka. Hindi ka na namin pakikialaman.

9. HONESTY
~ Habang nakaluhod ako sa asin at humihingi ng sorry dahil itinapon ko ang abobong sitaw at nahuli ako --- Huwag ka sa akin mag-sorry. Ayan ang altar, diyan ka humingi ng tawad. Sinungaling! Sa Diyos ka nagkakasala pag nagsisinungaling ka!

10. WHINING (RESULTS ORIENTATION)
~ Bakit ka sumbong nang sumbong? Inaaway ka? Banatan mo! Bigyan mo ng isa. Kaysa ganyang dito ka nagmamaktol.

11. CELEBRATING DIVERSITY
~ Bobo ka ba? Sabihin mo lang kung bobo ka. Kasi kung bobo ka, hindi na kita papagalitan. Maiintindihan ko na bobo ka, kaya ka ganyan.
~ Retarded ka ba? Sabihin mo lang kung retarded ka. Kasi kung retarded ka, hindi na kita papagalitan. Maiintindihan ko na retarded ka, kaya ka ganyan.

12. RESPONSIBILITY
~ Kapag nakalimutan mo ulit itapon ang basura, pupunta ako sa eskwela niyo at iaabot ko ang basura sa iyo.
Kapag nakalimutan mo ulit itapon ang basura, ilalagay ko iyan sa loob ng bag mo.
~ Ayaw mong iligpit ang kalat mo? Itatapon ko na para wala ka nang ililigpit habambuhay [sabay liparan ang mga laruan palabas ng bahay].

13. BOOKS BEFORE ANYTHING (GREAT PREP FOR GY SHIFT)
~ 25 pages per night, per book, for all textbooks --- rule from Grades 1-6. May quiz pagkatapos.
Ako: Eh pano yun, nauuna na ako sa lesson? Mauubusan na ako ng babahasin bago pa mag-second grading?
Mama: Eh di maganda, alam na alam mo na bago niyo pa pag-aralan.

To be continued...

Balik Aklat Project #02: Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon

Patok na patok sa mga bagets si Bob Ong. Nung minsan, sa office, may nagtanong sa akin kung ako raw ba si Bob Ong - pareho raw kaming sumulat. Aba, sumirko ang puso ko pero may kirot. Sayang, hindi nakilala ng lahat ang nagpauso ng writing style na kinasikat ni Bob... Si Sir Jun Cruz Reyes. Hindi si Bob Ong ang peg ko. Si Sir Jun. Forever yan.

Highschool ako noong una kong nabasa ang "Utos ng Hari." Para sa bagets na naghahanap ng boses at kakampi sa mga tanong na walang gustong sumagot, malalim ang impluensya ni Sir Jun. Noong nalaman kong professor siya sa UP, araw-araw akong nagsi-sit in sa klase niya kahit tapos na ako sa Humanidades. Cult following ang drama.

Manunulat, pintor, iskultor, hard core bookworm. Hindi mahilig mag-ayos (akala nung mga kaklase ko, noong unang araw siyang pumasok - janitor na tumatambay sa classroom). Walang ere. Walang kinikilalang batas sa proseso ng paglikha.

Sa halos isang semestre na ako'y salimpusa sa klase niya, sa ilang libro na hiniram ko (walang pera guysh) o iniregalo sa akin (nakuha sa pagmamakaawa), mga kwento, pagninilay-nilay at pangaral niya ang aking utopia.

Kaya nung makita ko ito sa Powerbooks, hindi ko na binitiwan (uy, may pambili na!). Matanda na ako para kumapit sa pangarap na makasama siya sa mga writing workshop o bumuntot-buntot sa kanya kahit saan siya magsuot. Pero lagi pa rin akong burara. Alam na niya ang ibig sabihin non. At balang araw, kahit di ko pa alam kung paano, magagawan ko ng paraan na ikarangal niyang ako ay isang fan (mapapangiwi siya rito).


Wednesday, April 10, 2013

Ang biik na nagigipit, sa dingding kumakapit


Kahapon, sinubukan kong ganito ang posisyon habang nagbabasa.




















Halos isang oras akong feeling balingkinitan.Tapos, nakatulog akong naka-lotus patiwarik (last image). Wala namang gumising sa akin, gujab ang mag-ama. At ngayon, panay ang kulo ng aking tiyan. Sana ay detox effect lang ito. Nakakahiyang ma-ospital na ganitong mga eksperimento ang dahilan.

Away Kasambahay

Image source is here






















Si Ate Pretty, ang aming reliable yaya na adik sa pagpapaganda at pagpapaputi, ay may kaaway na kasambahay. Nagsimula ang iringan nila sa isang Avon blouse na ayaw bayaran ni Taba (tawag niya sa kaaway). Dahil si Ate Pretty ang nagsilbing guarantor sa Avon lady, siya ang sinisingil sa blouse na ayaw bayaran ni Taba (tingin ko eh dahil hindi kasya). Sa huli, sinauli ni Taba ang blouse na binayaran na ni Ate Pretty. Mula noon ay nagkaroon na ng lamat ang kanilang friendship.

Kaninang umaga, naglabas ng sama ng loob si Ate Pretty during breakfast. Umabot na pala sa puntong nagsabunutan sila sa laundry area. Hindi ko na masundan ang kwento dahil panay na ang mura ng isip ko (tangina, bakit ko to dapat malaman!?!). Ito ang ilang nakakangilong highlight ng sabunutan:

Anonymous Kasambahay: Magbati na kayo ni Taba (sabay dating ni Taba)
Taba: O bakit, ano na namang mga pinagsasabi niyan ni Ate Pretty?!?
Ate Pretty: Bakit, sinasabi ko lang naman yung sinabi mo dun sa isang katulong na kahit lumuhod ako sa iyo, di mo ako papatawarin ah!
Taba: Sino na namang may sabi niyan?
Ate Pretty: Kahit mamatay ako, di ako luluhod sayo. Bakit Diyos ka ba?
Bell. Simula na ng sabunutan.

Nung mahimasmasan na ako, ang inabot ko na parte ng kwento ay ito --- may relasyon daw si Taba at si Milan. Si Milan ay ang patpating kuya maintenance na noong una pa man ay may hinala na akong type ni Ate Pretty. Ang siste, may asawa si Milan. At kapag si Taba ay tinutudyo nila Ate Pretty, gumagawa ito ng kwento na si Ate Pretty daw ang may gusto kay kuya (I knew it!).

Natapos ang kwento with a very mataray statement from Ate Pretty. like amo, like katulong

Ang amo raw kasi ni Taba ay isang kabit.

Nakakangilo ang buhay sometimes.

Kung kelang matanda na ako...

saka ako na-bully ng anak ng kapitbahay. Nananahimik akong nagba-blog nang bigla akong tinugis para halikan. Hindi lang isang beses. Paulit-ulit... ulit... I feel so dirty. Not Y Tu Mama Tambien dirty, mas malala. Limang taon pa lang ang little boy na ito. Dyoskolord.

I kept saying, no, no, nooooo!!! But he didn't stop. He won't stop. I felt his wet lips against my cheeks. And he tried to hug me too. Nakakadiri lang!!!


Fourth Birthday Na!

Dahil kulang kami sa people skills at wasak ang aming schedules, hindi pa rin natuloy this year ang matagal na naming balak na kiddy party para kay TLO (The Little One). May awa ang Diyos, matutupad rin ito soon... huwag lang sanang masyadong pasaway ang tadhana at baka sa debut na mangyari ang bonggang normal people celebration.

Ang first two birthdays ni TLO, sa bahay ang ganap with immediate nuclear family (nuclear!). Ang 3rd birthday, sa Crowne Plaza Ortigas - ikaw naman kasi anak, mahal na araw kang lumabas. Nagkulong lang kami sa kuwarto, naligo sa pool at sa aircon. Itong fourth birthday ay isang tumataginting na consumerist-inspired birthday bash... dadaaannnnn... sa mall!

First stop, sa favorite place ni TLO. Powerbooks! Chance na rin itong bumili ng pangatlong Cat In The Hat at Green Eggs and Ham (and more!). Ang lakas manira ng libro ni TLO. 



Second stop, Shakey's para sa paborito niyang soup at mojos! Ito siya, (im) patiently waiting for food to be served.




















Third stop, sabak sa kanyang unang sine experience. Nakakatuwa naman at natapos namin nang walang iyakang nagaganap. Nakataas pa ang paa ni ate the whole time, at home na at home sa sinehan.


Memorable photo. After nito, nilapitan kami at pinagalitan ng guard. Bawal daw
ang camera sa loob ng sinehan. Malay ba namin, di kami palanood ng sine. Tse!

















































Last mall stop. Gelato yum! 

















Kinabukasan, hindi papayag si Dadda na walang cake. Maasahan naman ang Red Ribbon sa mga biglaang bili, kaya lang maasahan din silang makalimot ilagay ang special candle na number 4. Tuloy, recycled ang kandila. Galing sa birthday cake ko - anyways, pareho namang para kay TLO ang wish so ok na rin siguro.














Happy birthday Potling! Sana magsalita ka na, please? Kahit magmura ka agad, keri lang.

Monday, April 08, 2013

April Aspirations

So I have a new job! This wonderful new beginning entitles me to dream new dreams and break away from nasty habits. Appetizers!

Back to South Beach diet today
Back to reading non-work related books
Back in the mat maybe before the month ends
No more yosi breaks (pre and post too)

Thank you to all who prayed for me and sent good vibes my way... will need more of these!

Yihaaa!!!