Nuffnang

Pages - Menu

Saturday, November 21, 2015

Stormed

Katatapos lang ng isang thyroid storm episode. Ilang buwan na rin naman akong clinically diagnosed for hyperthyroidism kaya hindi na ito bago. Manghihina ka. Makakatulog, mapapahiga nang walang kalaban-laban  --- dito ko naitindihan yung sinasabi ng mas matatanda na "para kang nauupos na kandila." Mabilis ang tibok ng puso, halos umaalog ang buong katawan. Mahirap huminga. Yung episode kanina lang, nagsimula sa hindi makahinga bago ang panghihina. Medyo wild ito, wala akong mahugot na hangin.

Katatapos lang din ng bulyawan at public humiliation session dito sa bahay. Ako raw ang may kasalanan kaya ako nagkakaganito kasi kung kelan dapat natutulog ang tao ay gising ako. Saka yung oras ng pahinga, ang inaatupag ko ay kape at yosi at tambay mag-isa. Problema raw akong nanay. At ayan, hindi makaluto ng pananghalian kasi puyat!

Minsan nakakapagod na ipaalala sa lahat na labinlimang taon na akong GY (graveyard schedule). Ang tulog ko ay kapag pasikat na ang araw. Noong medyo bata pa ako, kaya ko pa mag-hunyango ng body clock. Ibato ako sa umaga, ok, gabi ang tulog. Hindi ko na kaya iyan mula pa noong una akong nanganak pero sinusubukan. Tatlong araw na akong naghahanda/nagluluto ng almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Unang araw ko pa lang sumablay at mukhang hindi valid reason ang thyroid storm.

Minsan gusto ko rin itanong sa mga nagrereklamo kung kahit minsan sinamahan ba nila ako sa mga gabi o bukang liwayway buhay na buhay ako? Wala kasi akong maalala. Tulog sila kapag gising ako. Gising ako kapag tulog sila. Puwede bang iwan na lang sa ganyan at huwag na tayong maghanapan? Napapagod na ako magpaliwanag. Pagod na pagod na pagod na ako.

When will these storms ever end?

What APEC 2015 Meant To Me


Listening to frustrating stories of family, friends and colleagues stuck in monster traffic. Someone I know spent 9 hours on the road to get to work. Hindi na ito makatao. Makatae ito. Ang kapal lang nung nagsabing quits quits lang sa lahat ng nahirapan kasi siya nagkaron naman ng sunburn. Quits yan kung nasunog ka habang sinusubukan mong ipost yang kaputahan na shout out na yan.

Wondering if APEC member countries have the right to decline hosting the event. We are a poor country. Nakuha pa nating maging proud sa magarbong dinner, fireworks display, designer furniture. Very Pinoy. Ipinangungutang ang handa sa piyesta.

Worrying about terrorist attacks. Ang hilig kaya nilang magpapansin kapag may mga ganitong big events. Minsan, ayoko nang palabasin ng bahay ang asawa ko. Kahit gaano ka kabuti, kung tarantado ang mundo, anong laban mo?

Questioning the necessity of having a summit. Hindi ba puwedeng i-Webex, Skype or Google Hangouts na lang yang tradisyon na yan? Walang isasarang kalsada, walang designer outfit para sa mga bisita, walang gastos sa dinner, accommodations at kung anu-ano pa.

Waiting to see if the summit was worth everyone's trouble, time, money and effort. 

And last but definitely not the least, thankful. Because the holidays gave me this. Naiuwi namin ang mga bata. After so many months of being weekend parents, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa ilalim ng iisang bubong. Ay concrete ceiling pala. At para sa isang manggagawang walang naaasahan sa gubyerno kundi monthly holdap, sapat na ito.

Hanggang sa susunod na legal holidays na sana ay long weekend. Mabuhay!


Tuesday, November 17, 2015

Street Porn?

Naglalakad kami papunta sa Ayala noong muntik akong matalisod sa isang matigas at matulis na bagay.


Binalikan namin at inusyoso. Susmaryosep! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng gumawa nito. Ayoko na yatang alamin.




Monday, November 16, 2015

MS PowerPoint Magic

Designs for an inspiring dad. Puwede ko itong negosyohin kaya lang hindi naman puwedeng sa MS PowerPoint lang gawin lahat.