Hindi ako sigurado kung children of the 70's o 80's ang nagpauso ng SMB -
Samahan ng Malalamig ang Balentayms. Napansin ko lang na habang tumatagal, dumarami ang pwedeng ibig sabihin ng
"M" sa SMB. Hindi perfect nor precise ang listahang ito. Pwedeng multiple answers ang applicable sa iyo. Hindi na rin natin isasama sa listahan ang mga biniyayaang
"M" - MASAYA. Sumusobra na sila kung pati rito sila pa ang bida.Kung di ka sang-ayon, gumawa ka ng sariling listahan mo. Or dagdag mo rito.
1. M is for MULAT - Samahan ng MULAT ang Balentayms
Hindi masyadong pinababad sa TV ang mga taong ito noong bata sila. Hindi sila nagpakasasa sa Walt Disney movies. Hindi rin sila binilhan ng maraming fairy tale books. Bata pa sila,
Das Kapital na siguro ang binabasa. Para sa kanila, regular na araw lang ang February 14. Sure sila na inimbento lang ng mga kapitalista ang balentayms para pagkakitaan. Hallmark ang may kasalanan. Saka yung mga gumagawa ng lintek na tsokolate. Ang tunay na
Mulat ay halos hindi napapansin na February 14 na pala. Nagugulat na lang sila na traffic at nagmumura ang pula sa kapiligiran (kung paranoid, baka maisip pa nilang may political uprising). Mag-iisip pa nga sila minsan ng medyo matagal, medyo nakanganga...
bakit ang daming bulaklak sa kalye, araw na ba ng patay? Sa mga extreme cases, pupunta pa yan sa Google at aakalaing may malaking fun run para labanan ang cholesterol.
May variation ang
mulat. May fakers! Ito ang mga maiingay na naglilitanya sa bawat pagkakataong makakuha ng air time
. Mangangaral sa lahat na ang balentayms ay tungkol lang sa pera. Sasabayan ng
pwede namang magmahalan araw-araw. Pero, pero, pero... kapag sinilip mo ang password-protected nilang diary, o kapag nilasing, magkakaalaman. Nangungulila, kinakain ng inggit, pwedeng masama ang ugali. Huwag pag-aksayahan ng panahon na i-out ang mga fakers. Hindi sila pahuhuli ng buhay. Ibalato mo na lang sa fund para sa maligayang kabilang buhay na walang hanggan (kung saan ang lahat ay tutugtog lang ng lira at tatalon-talon sa mga ulap kasama ng CareBears) ang pasensya na uubusin nila sa iyo.
2. M is for MALAMIG/MALUNGKOT - Samahan ng MALAMIG/MALUNGKOT ang Balentayms
O, wag mo na uriratin. Malungkot nga. Kapag pinagkwento mo yan, may mahuhugot ka bang lalake or babae or both para sa kanya? Bayaan natin silang magkuwento tapos pagtalikod, saka ka tumawa. Ang sama mo lang. Pagdasal mo na lang.
Kahit ito ay biro, huwag magbibiro sa malungkot. Mahal ang kabaong. Yun lang, dapat alam mo kung kelan dapat lumayo. Si Charo Santos lang ang kumikita sa trahedya ng iba. Huwag kang ambisyosa.
3. M is for MAPAIT - Samahan ng MAPAIT ang Balentayms
Kapag ilang taon ka nang babad sa #2, malaki ang posibilidad na mapromote sa pagiging
MAPAIT. Delikado ang kondisyon na ito. Nakakahawa. At alam din nating lahat, na walang gamot sa inggit. Bukod pa ron, nakakamatay ang inggit. Kaya kapag nagtipon-tipon ang mga
MAPAIT, magdedeklara ng epidemya ang Department of Health. Ito ang ilang halimbawa ng mga bitter statements na namumutawi sa bibig ng mga nakatambay at usyosong
MAPAIT:
- Sus, maghihiwalay din kayo.
- Sa simula lang yan! Antayin mo lang, tatabangan din kayo.
- Anubayan, ang chaka nung girlfriend! Maganda pa ko dyan!
- Mukha namang kriminal yung jowa nun!
- I'm sure, kabit yan!
- Pagkatapos ng Feb14, magkaaway kayo ulit!
Nakakaubos ng lakas, at katinuan kung minsan, ang mga miyembro ng samahang ito. Umaabot sa puntong masarap silang sampalin. Kung mananampal ka ng bitter, siguraduhing pantay - kaliwa't kanan. Pasasaan ba't magmumukhang may puso sa mukha ang mga yan.
|
Binabalaan kita Natalie. Layuan mo ang asawa ko! |
4. M is for MAKASALANAN - Samahan ng MAKASALANAN ang Balentayms
This is (still) a free country. Tara, manghusga tayo. Sabay sabay nating sabihin sa mga makasalanan:
- Hoy ate! Hindi iyo yan! Kung makapulupot ka parang yung mga ninuno mo. AHAS!!!
- Kuya, may binabagayang annual income ang pagiging babaero. Si Dolphy ka!?!
- Hoy bakla, isauli mo yan sa asawa niya today. Bukas ka na.
|
BITTER. LONELY. HORNY. |
5. M is for MAKATI - Samahan ng MAKAKATI ang Balentayms
Walang pinipiling araw ang kati. Pero nakakaadik ang makiuso. Yung mga makati, pumaparaan para makisabay sa pambansang araw ng dutdutan. Kung papapasukin ka ng taong ito sa utak niya, posibleng makita mo na naglalaro sa mulat fakers, malungkot o mapait si miyemst/sirst. Puwede rin namang wala kang makitang utak - isang malaking pituitary gland lang. Kapag ganun, huwag mo na husgahan. May kapansanan siya guysh.
6. M is for MAKABULUHAN - Samahan ng MAKABULUHAN ang Balentayms
Yes. Totoo raw sila. May blood letting, may baking for a cause, running for a cause, like this Facebook shit for a cause, prayer marathon (may triathlon sometimes) for a cause, prayer rally for love... just because! Saluduhan natin sila at paliguan ng masigabong palakpakan. Pustahan, pula ang panty ng karamihan! Kapag nag-attendance, bilangin ang kamay na tataas kapag sinabing - taas ang kamay ng narito para humanap ng karelasyon!
Again, totoo raw sila. Stereotypes lang naman yan, k? Mahirap ng malektyuran ng beatitudes at baka ako ay mag-attitude.
Kung alin ka man sa mga ito, sana ay masaya ka ngayon. Walang basagan ng trip, pero wala ring hatakan sa burak. Kung ayaw mong maging masaya dahil cool na these days ang malungkot, aba, pangatawanan mo yan. Basta babatiin ko pa rin kayo.
Kung naniniwala ka sa Balentayms, maligayang araw ng mga puso!
Kung di ka naniniwala ka sa Balentayms, maligayang araw!
Kung ayaw mo pareho, masahol ka pa sa saging. Buti pa yung saging may puso.
Pak!