Nuffnang

Wednesday, November 04, 2015

Misery Loves Geekery

Gamit ang teknolohiya, naipakita in 3D data kung paanong ang naririnig ay natututunang sabihin ng isang bata. Ang "gaa-gaa" ay naging "water" matapos ang isa't kalahating taon, may replay in 40 seconds. Nakita rin kung saan mga lugar at anong mga galaw naikalat ang salitang "water." Napakahusay. I cannot even words the words. Basta parang sa The Matrix ko lang unang nakita ang ganito. Panoorin si Deb Roy sa embedded video, ngayon din.

Now. Can someone explain to me kung saan nakuha ng anak namin ang kanyang one and only favorite word na "KAKAK?" Wala naman kaming family member na gansa o itik na paos. Nag-Google ako, try lang. Medyo kinilabutan din ako sa findings. Nauso ang KAKAK ni Potling nung bago pa lang na pinapanganak si Sopling, ang kanyang baby brother - when she became a KAKAK (older sister). Could it be, that we are raising an Indonesian kid? O xenoglassy? Puwede ba yan iresearch ng MIT? Humor me?
http://www.wordsense.eu/kakak/




Tuesday, November 03, 2015

Popoy and Basya - A Case Study

Manonood daw kami ng team mates ko nito very very soon. Yan ay kung walang maga-aya sa aking iba. Gusto ko ang kuwento nila Popoy at Basya kasi totoong totoo. Kaya nga case study yung pamagat ng post. Ngek. Panira lang talaga yung sound track (sorry fans of PP). Sana ito na lang ang sound track. Baka manood ako ng limang beses.

Tayong Dalawa
Rey Valera

Kapwa lumuluha kapwa nasasaktan
Bakit tinitikis parin ang isat isa
Lagi na lamang bang ganito ang buhay natin
Di na matitiis paghihirap ng dibdib
Sanay nadarama mo rin ang paghihirap ko
At sanay pakinggan ang pakiusap ko sayo
Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo
Pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko
Maaari bang sanay patawarin mo ako
Pagkat tayong dalawa ay sa isat isa

Di na matitiis paghihirap ng dibdib
Sanay nadarama mo rin ang paghihirap ko
At sanay pakinggan ang pakiusap ko sayo

Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo
Pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko
Maaari bang sanay patawarin mo ako

Pagkat tayong dalawa ay sa isat isa


Hit It, Whitney!


I feel the need to run to someone. Hindi na healthy itong ilang buwan na akong tumatawid ako ng Reposo tapos gusto ko tumigil sa gitna para dun pumalahaw ng iyak. Marami naman sigurong gusto makinig, sigurado naman ako ron. Kaya lang mataas ang requirements ko sa paga-abutan ko ng puso ko. Dapat equipped with the skills below. Kasi kung kulang, eh wala tutungangaan ko lang yan o kaya mapapagod lang ako. Ayaw. And please don't tell me to pray, because I do. I really do. Kaya lang paminsan-minsan tao rin ang kailangan ko. Nahahawakan, naaamoy, nakikita. Ay wait, I'm blogging. Nagsusulat naman ako. Writing heals, mapapangiwi lang siguro ang makakabasa. Who needs people when you have words? Maybe you will if the people came with words that heal. Ayan nawala na ako sa requirements. Ito na.
  1. Active Listening (includes paraphrasing and checking for understanding) skills
  2. Demonstrate empathy and sincerity
  3. Facilitation Skills
  4. Un-Problem Solving and Decision Making - hindi ko yan kailangan these days
I wanna run to you. But if I run to you, tell me... Will you stay or will you run away?

In Memoriam

Hindi ko masyadong masakyan yung eksenang costumes kapag halloween. Aaminin ko na masaya yung may excuse para maglabas ng krungkrung, may mga gusto akong irampa na imahe kala niyo ba (ex. Jollibee, Sponge Bob, taong grasa, madre, gold fish, koi, fighting fish, Mulan, yung bida sa Brave, cheerleader, cellphone, laptop, cotton buds, stapler, lapis, kaldero, kawali, kaserola, takore, Ewoks, prinsesa, doktor, nurse, ipis, daga, jejemon, Sailor Moon, Pikachu and friends, Madonna from the 80s. Madonna from the 90s, Liz Lemon ng 30 Rock, etc.). Kaya lang may kurot sa puso yung nakikitang palayo tayo nang palayo sa kung ano tayo bilang isang nasyon. Hindi naman nagco-costume ang mga lola at lolo natin nung araw e. Anyways, wala namang magagawa. Let it go na lang. By the way, OA sa dami ng Elsa costumes na nagkalat sa mga mall at kahit saang lupalop ng Pilipinas for sure. Hindi ba nila alalm na mas madali at mas masayang gayahin yung Elsa ni Ate Guy sa Himala? Just saying.

Kung hindi man ako in sa pagco-costume at pamimigay ng candy kapag araw ng patay, bawing bawi naman ako sa tradisyon na pagsisindi ng kandila. Severe ang pagsunod ko sa tradisyon na ito. Seryoso. Kinakausap ko lahat ng namayapang kamag-anak at kaibigan bago magsindi ng kandila. Dati nagsisimula ako sa pag-aalay ng dasal para sa kapayapaan nila pero mula noong magkaroon ako ng asawa at mga anak, ang unang sinasabi ko agad sa kanila ay huwag muna akong sunduin. At huwag din yung mga mahal ko. Tapos saka ko na tinatanong ko kung kumusta sila. Siguro totoong nalalagay nga sila sa tahimik at payapa kasi kahit sinusubukan ko lang sila kontakin, napapayapa rin ang kalooban ko kahit may lungkot at pagka-miss (lalo na lately na mga kaedaran ko na ang nauuna). Special mention this year si Mama Cris. Paano darating na si Madonna next year, kinamatayan na niya ang paghihintay. Peace, Mama Cris!

Dahil wala kaming gate, garden o kahit anong espasyo sa labas ng pinto na puwedeng paglagyan ng kandila, kung saan-saan ko nilalagay ang aking pakulo. Nung matutulog na kami, sa lababo na lang para safe.

Nasaan ka man, kahit ano pa ang itsura mo nung weekend, sana hindi mo SILA nakalimutan kahit hindi nag-declare ng holiday ang gubyerno. Sabagay pang trick or treat din naman ang katatakutan na gastos nung summit nila. Lalo pa at alam mo na sa buwis mo yun kinuha.





























Ay one more thing. Kapitbahay ng aming global village ang sementeryo. Ito ang view mula sa elevator lobby. Palubog pa lang ang araw nito kaya medyo maliwanag pa. Kasing liwanag ng benta ng mga pabrika ng kandila. Pasesnya na at medyo malabo.