Nuffnang

Pages - Menu

Friday, December 18, 2015

Ilocos Manang Joy Empanada

Parang informal settlers na ang tiangge sa open area ng building namin. Hindi pa lumalabas ang 13th month pay, naka-halloween costume pa lang ang mga tao, nagkalat na ang mga paninda. At hindi sila umaalis hanggat hindi ka gumagapang sa kahirapan. Maraming nakakatakam na paninda - nakakain o hindi - pero itong puwestong ito ang talagang hindi nawawalan ng tao. Laging may pila, parang government office.

Ang pangalan nila ay Ilocos Manang Joy Empanada pero parang wala naman akong nakita o narinig na Ilocano sa mga tindero at tindera nila. Ayus lang iyon. No problem. Ito ang mga sahog ng empanada. Longganisang Vigan, repolyo and friends at saka itlog. Ibabalot sa kulay orange na harina na nasa gawing kaliwa (na puwede rin sigurong gamitin sa kwek-kwek) tapos idadarang sa dagat-dagatang kumukulong mantika. 












































































May iba't-ibang uri ng empanada silang tinitinda. Sinubukan ko yung simple lang kasi pritong empanada virgin ako. Ayoko muna ng kumplikado. Sa lahat ng pagpipilian, ang pinakamura ay yung tinatawag na "Special Empanada." Mura pero special. Parang ako lang iyon kaya siguro napabili ako.







































Siyempre pa, Pilipino ako. Ang tinapay ay meryenda lang. Dapat may kanin kung pananghalian. At naisip na nila iyon siyempre pa kaya may kanin meals din. Bagnet o kaya Vigan longganisa. Pinili ko ang longganisa kasi nakikita niyo ba yung bagnet sa likod?

Ito yun sa malapit. Malakas itong maka-broken heart. Natakot ako.



Nagustuhan ko ang Vigan logganisa. Malinamnam, sakto lang ang bahid ng bawang. Iyung pritong empanada naman ay hindi pa para sa akin sa ngayon. Hindi ko pa siya naiintindihan. Nalilito ako kung ano ba ang gusto kong mangyari sa sinusubo ko. But then again, lagi naman akong nalilito so posibleng hindi nila kasalanan yun. 

Wednesday, December 16, 2015

[mixedsocialmedia007] Ang mga hinahamon! Dumating na ang Christmas Baskets namin. Sana ang inyo rin. Mas gusto ko ang Christmas Basket kaysa Christmas Party. Dati nung parte ng trabaho ko ang maging punong abala sa company events, nagpa-survey kami. Tinanong namin kung ano ang gusto ng mga tao - party na bongga, kainan sa opisina o Christmas Basket? Nanalo ang Christmas Basket pero nanalo ang mga party people na decision makers sa huli kaya nauwi pa rin ang social research sa isang bonggang party. The people have spoken but who cares right? Imagine kung anong laman ng Christmas Basket kung yung perang nilagay sa party parteh e nilagay na lang dun. But then again may mga taong mamamatay sa lungkot pag walang party. Inuunawa ko na lang sila. Buti na lang sa trabaho ko ngayon, may party na, meron pang basket.

Kinausap ko si Mama Mary

Ako: Nanay ka rin po. Ilakad mo naman ako sa bagets mo. Pakisabi pagalingin na mga anak ko.

Siya: Hello!?! Si Our Lady Of Sorrow ako. Namatayan ako ng anak. Ihihilera mo ba ang small time problems mo sa pinagdadaanan ko?

Ako: Imortal naman ang iyo, nabuhay ulit. Isa lang ang buhay ng mga anak ko. At habambuhay nilang dadalhin ang mga factory defects nila.

Nagtitigan kami. Wala na akong ibang nasabi pa kundi... Please?

Hindi siya kumukurap. May ibig sabihin ba iyon?

Tuesday, December 15, 2015

[mixedsocialmedia006] Kung ako ang pinaglalampaso ng isang open field sa gitna ng bagyo, iiyak ako. Go, kuya. Isulong ang laban ng mga manggagawang walang magawa kapag nautusan.


[mixedsocialmedia005] Kailangang maibigay ko na ang regalong pamasko sa mga karamay ko sa trabaho. Anim sila. Ang ganda ng mga concept ko nung Enero, pero mananatiling concept na lang yan kasi crunch time na. Naisip ko na Purefoods Tender Juicy Hotdog ang iregalo sa kanila. Dahil walang may ayaw sa hotdog sa team namin. Pero sabi ng asawa ko, at naniniwala naman ako, medyo jologs. Sabi pa niya, hindi ikaw ang may-ari ng kumpanya para magregalo ng processed meats! Oo nga naman. Pang-Christmas Basket yun. Back to the drawing board.

[mixedsocialmedia004] Napansin niyo ba na lahat ng pinagagawa na hindihalata ay mahal? Gaya ng make up na kunwari parang walang make up.Lampas dalawang dekada na mula noong inayusan ako sa parlor. Nasalilang ako sa sagala. Nung Sabado, inayusan ako ni Orly. Mac productslahat ng gamit niya saka yung mga brush may 4K daw yung isa. Pero masnaniniwala ako na maganda ako rito dahil maganda talaga ako ever.Echoz. Choke only. Maganda ako rito kasi mahal niya ako. End of sharing.

[mixedsocialmedia003] May bago akong nilalaro. Tinotodo ko ang volume ng Out of My League (acoustic version, Stephen Speaks) habang naglalakad at naka-earphones. Nagkukunwari akong bridal march ko ang lakad mula kanto ng Ayala hanggang Reposo. Ngumingiti-ngiti ako sa paligid, kunwari nagsasabi ako sa mga kaibigan at mahal sa buhay na "thank you guysh, ito na iyon!" May moral lesson ang role playing sessions na ito. Hindi nadedehydrate ang tao sa pag-iyak. At saka kanina, dahil sumabay ang malakas na buhos ng ulan, nakaisip ako ng bagong wedding concept. Pasadya ng ulan for a more dramatic effect.

[mixedsocialmedia002] Naniniwala ako sa kasabihan na your circle of concern should fall within your circle of influence. Kung masyado kang concerned pero wala ka namang power, lakihan mo yung circle of influence mo. Google niyo na lang kung paano. Therefore, hindi dapat winiwish ng mga babae na ang partner nila ay kasing sweet ni Chito. Dapat maging kasing-perfect tayo ni Neri. Simulan natin sa dapat ganun kahaba ang legs natin at ganun tayo ka-flawless saka natin gayahin yung mabubuting katangian. Tingnan natin kung di tayo manahimik na lang.

[mixedsocialmedia001] Parang blog post pero hindi masyado