Masamang balita mga kapuso. Bilang na ang araw ng ating bente pesos na kape sa 711.
Ito na ang bagong eksenadora sa bagong renovate na suking tindahan malapit sa amin. City Blends PRIMA. Ang sabi nung ate kahera, may halo raw itong kapeng barako. Parang hindi naman. Parang barnis yata ang hinalo. Sobrang pait. Pero walang dadaig sa mapait kong panghihinayang. Kumusta naman yung pumangit ang lasa pero dumoble ang presyo?
Huwag tayong papayag guysh, ibagsak ang 711 PRIMAdonna coffee!
Saturday, June 25, 2016
Friday, June 24, 2016
SAGHENGGGHHH!
Thursday, June 23, 2016
Hello Haters! Or Hater?
Hindi ko akalain na sa lagay na ito na 12 lang ang nagbabasa ng blog ko, hindi pa rin ako makakaligtas sa mga haters and bashers. Apparently, it did not sit well with some people that I started a fundraising activity for TLO. They didn't like it that I posted the details of her condition, along with the state of our finances. Hindi na raw ako nahiya.
Parang gustong lumaki ng ulo ko sa yabang. Wow, may haters ako! Siguro si reader #13 yan, stalker na gandang ganda sa akin. FYI.
Fuck Your Insights, I guess.
Parang gustong lumaki ng ulo ko sa yabang. Wow, may haters ako! Siguro si reader #13 yan, stalker na gandang ganda sa akin. FYI.
Fuck Your Insights, I guess.
*intentionally, inaccurate posting date
Wednesday, June 22, 2016
Weekly Menu: June 26-July 2, 2016
Labels:
Domestic Blah
,
Mommy Tales
,
WeeklyMenu
Tuesday, June 21, 2016
Are We There Yet?
There are days when it feels like only Alanis will understand.
I love how she sounds tired in these songs.
I can only imagine that she must be exhausted from all the screaming and loathing.
I wish could be brilliant while loathing and screaming too.
But to be honest, I just really want to scream until I am too weak for my feet.
And truly deserving to be free from everything dark and wounding.
I love how she sounds tired in these songs.
I can only imagine that she must be exhausted from all the screaming and loathing.
I wish could be brilliant while loathing and screaming too.
But to be honest, I just really want to scream until I am too weak for my feet.
And truly deserving to be free from everything dark and wounding.
Monday, June 20, 2016
36 Things You Probably Didn't Know About Sherwin (Part 2)
My husband is a very private person. He has uncompromising standards when it comes to the details of his life that he is willing to share. He maintains a VIP security access list for all his stories. Because it is his birthday, I want to make him feel uncomfortable in the same way that surprise birthday cakes and blowing candles in public make both of us squirm in places where the extroverts' sun don't shine. Of course, this is only second to the fact that I think he is the most exquisite human being alive, he should be featured in Reddit's AMA. I sure do hope that Reddit reference prevents him from disowning me tomorrow.
Disclaimers: this is a mix of funny, yucky and cheesy trivia. He may or may not disagree with everything in the list. Also, I have given birth twice (CS Delivery) so where my memory fails me, feel free to register your disdain. Most important of all - if you are also a private person who feels that this is an inappropriate birthday gift, or if you are someone who makes remarks like "cheesy-ness overload" then stop reading and move on with your life.
36 Things You Probably Didn't Know About Sherwin (Part 2)
Part 1 is here
#16. Ang paborito niyang Pokemon ay si Pikachu. Naiyak nung namatay si Pikachu sa isang Pokemon battle (buti nabuhay ulit).
Disclaimers: this is a mix of funny, yucky and cheesy trivia. He may or may not disagree with everything in the list. Also, I have given birth twice (CS Delivery) so where my memory fails me, feel free to register your disdain. Most important of all - if you are also a private person who feels that this is an inappropriate birthday gift, or if you are someone who makes remarks like "cheesy-ness overload" then stop reading and move on with your life.
36 Things You Probably Didn't Know About Sherwin (Part 2)
Part 1 is here
#16. Ang paborito niyang Pokemon ay si Pikachu. Naiyak nung namatay si Pikachu sa isang Pokemon battle (buti nabuhay ulit).
#17. Ang mga interests ni Sherwin: time travel, developments sa
science and technology, world news, politics, economics, stocks, financial
management, and recently, yung Sapakan Sa Ace Hardware.
#18. Mega crushes: Natalie Portman, Scarlett Johansonn, Miranda Kerr,
Angelina Jolie. Ang ganda ko lang na napasama ako diyan sa listahan na yan.
#19. I really think na crush niya rin si Baron Geisler.
#20. Bago pa kami grumadweyt nung college marami na siyang
article na na-publish sa Philippine Collegian (official student publication ng
UP Diliman) at sa Today (police beat).
#21. Very willing tumulong si Sherwin sa pagluluto pero medyo nape-pressure
akong maging scientific ang approach pag siya ang nakaharap sa kusina. Handa ka
ng bawang. Ilang piraso? Mga kalahating ulo. Anong hiwa? Minced, thinly sliced?
Ang sibuyas paano hihiwain? Yung kamatis? Cubes? Strips? Gaano karaming asin at
paminta ang ilalagay? Ilang tablespoon ng toyo at suka? Ganyang level. Minsang
nasa US ako, tumawag siya talaga para lang tanungin kung paano mag-tortang
giniling.
#22. Gusto niya mag-travel. Sabi niya, kung hindi raw kami
nagkatuluyan at wala siyang asawa, yun ang aatupagin niya sa buhay. Paborito
niya ang “Lonely Planet” kasi nakakasilip siya sa mundo ng mga biyahe nang
biyahe. So much, na ang second name na binigay niya kay Potling ay “Ianna,”
after Ian Wright na host nung show.
#23. Meron kaming one international or two domestic trips per
year na goal. Nakapag- Baguio, Boracay, Puerto Princesa na kami noon pero on
hold muna ito habang maliit pa si Sopling at wala pa kaming perang pambiyahe.
#24. Biking ang gustong sport ni Sherwin. Nung binata pa siya,
karay-karay siya ng tito niya sa pagba-bike sa Antipolo. Gusto niyang bumalik
sa pagbibisekleta, bumili ng folding bike (nilibre na rin ako ng little red
bike). Ang dream niya ay mag-bike papasok sa trabaho. Ginawa niya once, e
walang kondisyon man lang, ayun nanginig ang tuhod for two days. Bwahaha!
#25. Hindi siya napapagod na kumustahin mga twice or four times a
year kung peminista na ba ako ulit. Go figure.
#26. Hemingway ang istilo ni Sherwin sa pagkukuwento. Kumpleto
ang detalye, kasama ang background ng mga characters, ingay, amoy, kulay ng
paligid. Nagiging challenge ito para sa kanya at sa mga nakikinig lalo kapag
sinusubukan niyang mag-joke. Una, natatawa siya agad sa sarili niyang kalokohan,
halos kapusin sa hininga sa kakatawa. Pangalawa, ang haba ng pasakalye. Nung minsan,
may Erap joke siya habang naghihiwa ng sibuyas si Mother Domeng. Tumigil si
Mother sa ginagawa. Sa sobrang tagal ng build up, napahirit na ng “May itatagal
pa ba ito?”
#27. He is the most supportive husband in the universe. Mapamaliit
o higanteng desisyon, sakay na sakay niya. Gusto ko mag-digital design, binili
ako ng tablet na pang-drawing. Nag-install ng Adobe Suite sa laptop sa bahay. Binili
ako ng Speedo Goggles at swimming cap nung nire-revive ko ang swimming routine
ko. Binili ako ng ticket para sa concert ni Madonna. Birthday niya pero nalito
ako nung Sabado kung ako ba ang may birthday. Dinala ako sa Rak of Aegis. Siya
rin ang unang nakakarinig at sumusuporta sa aking mga career decisions.
#28. He is my mother’s equal pagdating sa sarcastic and witty
ways para pagalitan ako. Ayaw niya akong katabi pag amoy yosi ako. Sabi ko,
naligo naman ako at nag-toothbbrush a. “Bakit natu-toothbrush mo ba ang baga
mo?!?”
#29. Dati nagco-commute siya mula Caloocan hanggang Makati. Ang
hinihiyaw daw ng isip niya sa gulo at dami ng tao ay: sana mag-civil war na!!!
#30. Masugid siyang contributor/editor sa Wikipedia. At paborito
niyang tambayan ang Reddit.
#31. He is my personal editor and proofreader. Bilang hindi na
ako talagang nagsusulat, nakakalimutan ko na ang mga batas diyan. Kaya kapag
hindi ako sigurado sa tunog ng isang sentence, lagi kong ginagamit ang aking
editorial lifeline – siya.
#32. Ay, magaling siyang tumakbo. Hindi hinihingal, chicken na
chicken sa kanya. Hindi nga lang kami puwedeng mag-sabay. Sa haba ng legs niya,
mga 3 steps ko, isang step niya lang yun.
#33. Speaking of takbo, our first near death experience together
e nung may adik na humabol sa amin after our coverage ng libing ni Ka Popoy
Lagman. Pinaulanan kami ng bato ng adik na yun at nung di makuntento, talagang
nagkaroon ng chase scene.
#34. And our second near death experience ay sa isang bangka mula
sa White Beach papuntang Batangas pier. Higante ang mga alon, akala talaga
namin tataob kami. Sa isang private beach na lang kami binaba at nag-commute pa
para makapunta sa sakayan ng bus.
#35. May utang pa ako sa kanyang Toblerone, all flavors, from
year 2000. Naglalaro kami ng “pendong, kotseng kuba” at lagi siyang panalo.
Wala akong balak bayaran yan.
#36. Nawawala yan sa katinuan kapag may nakitang ipis. Tama ang
nanay niya, parang baka kung umatungal.
Sunday, June 19, 2016
Weekly Menu: June 19-25, 2016
May mga natirang karne at sahog mula sa birthday week ni Sir_Ko. Yung ulam ng Lunes at Martes, mga immigrants from last week ang ingredients.Yes, late post ito.
Masaya ang linggong ito kasi nakaimbento ako ng ulam. Ito yun nakalagay sa Miyerkules, People Republic of Chicken Wings. Saka ko na lang ibibigay ang recipe kapag ready ka na.
Masaya ang linggong ito kasi nakaimbento ako ng ulam. Ito yun nakalagay sa Miyerkules, People Republic of Chicken Wings. Saka ko na lang ibibigay ang recipe kapag ready ka na.
Labels:
Domestic Blah
,
Mommy Tales
,
WeeklyMenu
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)