Nuffnang

Pages - Menu

Thursday, March 22, 2012

Ang mga kulay ng bahaghari

Regalo sa ating mga babae ang mga bakla. Masaya ang buhay kasama sila. Pero hindi lahat. Take note, hindi lahat. Ito ang ilang bakla persona na naranasan ko na o naranasan ng iba at naikuwento lang sa akin. Huwag haluan ng intellectual arguments at kung anu-anong ISM-s. Hindi ito hate entry.

Baklang Rainbow Brite - masayang kasama si Baklang Rainbow Brite. Wala siyang masyadong angst sa buhay. Everything pink, shiny and bright. Para kang umangkas sa Care Bears pag siya ang kasama mo. Nagdadalagang bakla kadalasan. Sheltered kaya hindi pa gaanong balahura. Kadalasan din, ang Baklang Rainbow Brite ay out sa pamilya. Suportado ni nanay at tatay ang kanyang kabadingan. Inaalalayan ni mommy pag heartbroken sa crush na ni hindi niya sinubukang kausapin kahit minsan.

Baklang Gumapang Na Sa Lusak, At Bumangon - Paborito ko ito. Daming semplang ng mga paborito nating tawaging Inay, Nay, Mother, Mudra... daming semplang, daming bangon. Marami nang natutuhan sa buhay. Nagpaaral na ng maraming batang lalake, nagsustento na ng mga pamilya ng batang ama na minahal nang bonggang. Sa huli, nagiging ninang/ninong pa ng mga anak ng dati nilang true love. Hindi na sila active sa eksenang karnehan (minsan na lang). Lethargic na kung tumambay. Titingin-tingin na lang. Hihirit ng mga classic na hirit. Sila ang gusto kong makasama sa pagtanda.

Baklang Hindi Pahuhuli ng Buhay - Hindi natin dapat sisihin ang Baklang Hindi Pahuhuli ng Buhay. If you're gay, and you're in your early 20's to late 30's (or forever for some), alam mong hindi patok sa Meat Market these days ang loud and proud. Nandiyan pa rin ang takot sa reputasyon ng pamilya, propesyon at kung anu-ano pa kaya gagawin nila ang lahat para di majulie andrews nang buhay. Titira (pronounced two ways, my friend) sa gym para lumaki ang katawan. Papalaki ng katawan, papalaki ng boses, magde-declare na metrosexual, magjo-jowa ng babae (paiba-iba) para may ipakilala kay daddy si ate. Pansin ko lang, madalas silang umastang Baklang First Honor (up next).

Baklang First Honor
- maraming unresolved childhood issues ang Baklang First Honor. Ito ang klase ng bakla na maraming gustong patunayan kaya hindi nagpapatalo. Siya dapat ang magaling sa kanyang niche world. Ang Baklang First Honor sightings ay pwedeng sa:

Informal Kwentuhan - chill lang kayong lahat, pero si bakla out to prove him/herself. Siya dapat ang bangka. Kung comedy bar ang secret Utopia niya, matatalas na tingin ang aabutin ng kung sinumang nagpapatawa. Siya lang dapat ang nakakatawa. Siya ang star of the noche buena feast. Siya dapat ang pinakamaingay. Kung tamang English si bakla, kebs sa subject-verb disagreements. Aasta itong parang di marunong magtagalog.

Corporate World - siya si Meryl Streep sa Hinayumas Wears Prada. Kung makatrato ng kapwa empleyado, parang siya ang may-ari ng kumpanya. Mahilig tumalak na parang maaayos ang problema kapag nakapang-alipusta na siya ng tao. Sa mas wagas na version ng Baklang First Honor sa corporate world, mahilig siyang: sumipsip sa boss, mang-angkin ng trabaho ng iba, manginain mas mababa sa kanya or or or... magkunwaring super straight, which is another persona.

Social Climbing World - di baleng baon sa utang basta pasok sa updated season ng kung anu-anong high-end brands. Hindi pa sapat yun, babarkada sa rich and famous at manlalait ng mga hindi niya katulad.

Fashionista World - see entry above.

Artsy Fartsy World - sisilip ng konti sa About.Com or kung anu-anong self-help site at sasabay ng opinyon, reaksyon, etc. sa mga tunay na may artistic passion.

Wanderlust World - biyahero kuning pero ang habol lang ay ang group picture with the who's who in the world of travel. Madalas ay kunektado sa hard-core athletic world of social climbing.

Other established worlds: showbiz, mass media, academe at kung anu-anong industry lalo na sa BPO/Call Center worlds.


To be continued...

Nerd Love Lasts


Image Source: http://www.inovasolutions.com/call-center-reporting/


















Hubby's not from the BPO industry. Never tried it, never dabbled with any call center stuff. Over the weekend, I couldn't stop talking about call volume patterns. According to the experts, there's an unprecedented call volume trend that started early this year (or maybe late last year)... He takes a long pause and...


Him: How many years of historical data do you use to forecast call volume?
Me: Industry recommends 5 years.
Him: Oh, must be America's pre-recession demand. If you're using 5 years of data, that's from 2007... No longer applies... Even in the manufacturing industry, the pre-recession demand is back.

Had a wow moment there... why does this dude know so much...

Last Monday, one of the Operations Managers confirmed... All the craziness in call volume's indeed due to pre-recession demand. I wanted to see him right away to initiate, for lack of a better term, some unspeakable acts of flirting. Haha!

Ain't he hot?

Goosebumps.

Tuesday, March 20, 2012

Palamig

 Don't you just wish you could do this without getting arrested and/or tagged cuckoo?

Greenbelt 5, 01/15/12 5:29PM


For my shoes

I wish I had something like this.. an organizer hanging from the ceiling. But mine's not going to be as pretty.
 
From The Landmark, 04/17/11 04:48 PM

Monday, March 19, 2012

One afternoon in our secret garden

TLO's wearing her dad's shirt and a scarf... our take on gypsy-apostle :)
 

He loves my flower.

The power of Gyper (Canon G-12)





Look at all the Aloe Vera... I can be the next Aloe Vera magnate.
Really loving my flowers. White Flower never had any single day without blooms.
Look at those little fingers, long!!!
 

All photos taken using a phone camera, 03/14/12 5:30PM-ish

With a little editing for drama (Microsoft Photo Editor 2010)

Paglaki ko gusto ko maging...

Isang umaatikabong emo entry para sa akin.

31 years of wondering and wandering on earth... A few months before The 31st, I got my heart set on letting go. Content Analysis of all my boo-hoo angst indicate frustration and regret over elusive dreams I was lazy, crazy, too scared to pursue. The big bulk of regret baggage needs to go away. And so here's an inventory of the one's (ang dami) that got away... some resolution and hypnotic how-to-deal.


1. Ito ang gusto kong maging career:

~Women's NGO
~Mainstream Media (print and/or broadcasting)
~Literary Arts
~Performance Arts

Pero, pero, pero... first day pa lang as college freshie, alam ko na hindi posible. I need to support the family financially. I need to send three siblings to school. Pera over passion. Kaya nung makatanggap ng offer mula sa call center, go. Bitaw sa lahat. I was, and still, blessed. The call center path led to a very fulfilling career in the training industry.

Maybe, one day, sometime in the future, magagawa ko rin ang lahat ng gusto ko. But for now, I have to stop talking about unfulfilled dreams and not wallow in grief over what I've lost. Or stop thinking about how the sacrifice did not yield any tangible results. I dropped everything to improve the family's financial status. Walang nangyari. And I shall continue to worry about everything money-related by virtue of being the eldest. It will never end until the day I die. Kung mauna siguro ako, pwede. Accept, accept, accept.

2. Gusto ko ang love life marked by two major rituals
~ Rock-my-world wedding proposal
~ Epic, romantic wedding (with a real wedding ring)

Napakahabang kwento but I'd just summarize in two words. My Fault. Everything's my fault. No turning back nor room for revision. My Fault. I need to work my way towards being happy when people get engaged and/or married --- being happy, no traces of envy.

3. Gusto ko ng Shakespearean love affair
Punong puno ng love letters, flowers, surprise for every important event, countless romantic celebrations, cheesy FB shout-outs, senti blog entries.... But I did not fall in love with a Robert Browning. I'm stuck with my best bud Einstein. We're friends. I could not, should not, ask for more.

4. Gusto ko maging best mom na parang Ate Siena/Kuya Bodjie
When I was still dreaming of motherhood, I wanted to write my own children's stories (illustration mine too). I wanted to have a daily routine with my kid... something that beats any playschool's curriculum. I wanted all my energy and creativity to be fully utilized for my little one. Pero ang daming chores! Ang daming trabaho! Ang hirap. I just need to work towards making sure that I don't bring home work.

5. Gusto ko maging yogi, swimmer, martial arts practitioner
Eh kumusta naman ang timbang ko? Kumusta naman ang weekends na dumaraan lang na hindi naghe-hello. Walking is my closest bet. Pwede na. Oo, karugtong ito ng fight against obesity.

6. Gusto kong bumalik sa walang tigil na pagbabasa
Libro, balita. Yung hindi para sa trabahong babasahin. Ito medyo madali, pwede pang karirin.

7. Gusto kong tumigil sa pagyoyosi
 Forever dream. 'nuff said.

And so.. I wish for the strength to:
~ exist with refillable servings of peace
 ~ live with zest despite, and in spite of, bulks of compromise
~ be kind, even when the world is mean

Belated happy birthday to me.

Life is still beautiful. 

Thank you to my team mates for the beautiful
birthday surprise (that I missed).
The candles... surreal!

18 days of blogging drought...

was about:

~ busy days at work
~ waiting for a better disposition
~ waiting for birthday blues to go away

I'm back.