Ang paborito kong Christmas Party since 2014 ay ang aming napaka-espesyal na "Baranggayan" version. Hindi ko na maalala kung paanong yung pangalan ng Viber Group namin ay naging "Baranggayan" pero sigurado ako na may kinalaman yun sa pagka-war freak ng mga tao sa grupo. Grabe ang murahan at awayan sa chat group namin, sure kami na madalas naming mapaiyak si Mama Mary.
Noong unang dalawang taon, pang-tradisyunal na Pinoy noche buena ang mga handa namin. Pero ngayong taon, may mga cravings ang mga dominant force sa grupo. Dominant force being the beklas. Yes, mga bakla. Sa relasyon namin na maraming taon na rin naman ang pinagdaanan, ito ang solidong batas: laging bakla ang nasusunod. So sabi ng dalawa...
E ano pa bang magagawa kundi ibigay ang hilig. Umabot pa kami sa talipapa ng Carmona para maghagilap ng tinapang tamban at galunggong. Nagtanong din pala kami kung saan may tindang mga kuwitis na pang-fireworks display kasi may pinagdiriwang kaming career milestone ng isa sa amin (secret pa muna kung ano yan). Kaso, negative. Nalungkot ako ng slight.
|
Image Source: http://carmonagov.net/mhome/images/CarmonaPubllicMarket.jpg |
So, nung mairaos ang tinapa, ayus na ang lahat. Ito ang kinalabasan ng aming Christmas spread.
Nagkataon, ang ulam nila Luz Klarita nung araw na iyon ay munggo. So pak na pak sa eksena, pasok na pasok sa banga, kaldero, plangganita, planggana at lahat ng sisidlan. Ito ang Christmas spread kasama ang munggo.
Swak na swak ang description ni Dory sa aming handa. Sabi niya nga sa Facebook:
In the spirit of Christmas this month, and the Lenten Season in April, please see the fulfillment of our collective cravings below:
- Christmas Ham (fried and unfried; mayaman slices)- Ginisang Munggo- Elusive Tinapang Tamban and Galunggong- Itlog na pula with Kamatis and Sibuyas - Quezo de Bola- Kanin (siempre) - Ice Cream (not in the picture)- ...'s Cream-Cheese-Yoghurt-Garlic Dip - ...'s Blueberry Cheese Cake (not yet in the picture, too) - Coke#ChristmasYearThree #PeopleSupport #PeopleCulture
Nung unang taon naming mag-Christmas Party, si Gabby, ang napaka-kyut na inggleserong little boy ni Luz Klarita ang nag-lead ng prayer before meal. Nuong ikalawang taon, si Dory naman. Siya kasi ang pambansang mandarasal ng grupo. Pero note na hindi ibig sabihin nun ay mabait siya (biro lang, Dory!). This year, si Pussy ang leader. Maganda naman ang pagdarasal niya. Very sincere at mula talaga sa puso. Nalito lang kaming lahat pagkatapos kung talaga bang tapos na kami magdasal. Kasi biglang tanong siya ng "Ganun ba magdasal?"
Marami pa akong kuwento sa mga naganap. Kaso hindi ko naman ito full-time job, saka na lang ang iba pang detalye. Ang punto lang naman ng lahat ng gusto kong sabihin ay iisa. Masayang, masayang, masaya ako kapag kasama ko sila. Sana kahit 85 years old na kami, meron pa ring Baranggayan Christmas Party.