Worked from 8AM Friday until 12:45AM Saturday. I feel so dirty. This isn't a daily thing. Just one of those special needs type of day. I cannot wait to see the kids.
Anyhoo... I admire people who are able to read in public, like this. You know, just telling the world to shut the fuck up as you swim in words and thoughts. For me, reading is like making love. I cannot handle the idea of being watched while I'm doing it. I shrink when I think about the possibility of other people seeing my face when I get lost and found in a string of words. My exhibitionist tendencies come out when I write (obvious ba?). But maybe I should give it another try. Or maybe I should just let me be. Did you just feel my brain ooze out of my ears? I did. Broth of a post this is.
Saturday, July 04, 2015
It' been a loooong day.
Friday, July 03, 2015
The 90's Just Called
They said you are ageless! Paparazzi shots of this lady's outfit. Ah, the dream wardrobe of my teenage years. I still dig it.
Thursday, July 02, 2015
Feelingera Ako, Join Kayo?
Day 1 na walang FB account. Nagkaroon ako ng panahon na sumilip sa mga dormant email accounts. Aba e may isa pa pala akong FB profile mula sa panahong gusto kong magtago. Dineactivate ko na rin ok?!? Pero bago iyon ay nakasilip pa ako dun sa isang notification alert. May post si jowa sa Fezbook. At sabi niya ay buti na lang daw sa Facebook lang ang unang araw, hindi sa totoong buhay. Ang haba haba haba ng buhok ko. Huwag kang malikot at baka maapakan mo. Walang kikilos ng masama.
Kasama sa post ang YouTube video ng kanta ng Sugarfree. Napakahusay talaga nitong asawa ko at alam niya pa ang mga kanta pagkatapos ng taong 2001. Mahal niya ako ano?
Unang Araw
Sadya ba talagang ganyan
Palakad-lakad ka't nakatungo
Sa'n patungo?
Ngayong wala ka na
Kailangang masanay na muling nag-iisa
Sa'n ka na kaya?
'Wag mo akong sisihin
Kung minsan ikay hanapin/kung minsan akong iyakin
Ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na
Nasanay lang sigurong nand'yan ka
'Di ko inakalang pwede kang mawala
'Yan na nga
Nababato, nalulungkot
Luha'y napapawi ng singhot
At talukbong ng kumot
Wednesday, July 01, 2015
Sinupin Natin
Malabo ba? Sa akin ay hindi naman. Wala na sila sa cellphone ko. Kakaibang pakiramdam. Para akong nabubutan ng malaking tutuli.
Breaking Up With FB
Effective Wednesday, 01-July-2015, 12AM MNL Time. Same goes for my inactive Instagram and Twitter accounts.
Please don't text/message/call to sell: Weight loss products, Miracle drugs or whatevers, personal loan offers, whitening products (hate!), anything that will make me buy... but HEIGHT/Leg-length enhancers, lemme see. LEMME SEE!
I love cheesiness and corniness. Nursing a broken heart? Wondering if you'd rather exist without elbows vs without knees? Tired of people? Tired of being tired of people? Need someone to trash talk you for inspiration? I'm here. I'm interested.
Mobile/Viber/Skype/Google Hangout: <leave a comment if you want it>
Tapos, hahanapin mo pa ang tamang pagkakataon at lugar. 12AM, July 1. Andun sa malinggit na "Security Settings" options. Halos ayaw magpakita sa iyo. Ang isa pang kakatuwa, wala silang isyu na mag-install ka sa cellphone mo pero kapag ayaw mo na, dapat sa web version ka (gaya rin ng Twitter at Instagram).
Hindi pa yan diyan matatapos. May pangba-blackmail na magaganap. Hindi mo ba mami-miss ang ___. In this case, ibabalandra sa iyo mga profile ng kaibigan mo. Tapos may pagmamakaawang pagtatanong, bakit? Bakit ayaw mo na? Swak na swak lang talaga sa ganitong pagkakataon ang - "it's not you, it's me." Dahil iyon naman ang totoo.
Tapos, akala mo tapos na. Hindi pa. Sisinupin mo pa ang lahat ng alaala. Ilalagay sa isang kahon ang lahat ng abubot at depende sa kung gaano mo trip ang mag-drama, susunugin mo pa ang lahat ng gamit na natira. Buti na lang, apps lang sa telepono ang aasikasuhin ko.
Hindi na tayo pareho ng pananaw sa mundo, Facebook. Hahanapin ko pa ang aking sarili. At aalamin kong mabuti kung sa mahahanap kong mga bagong depinisyon ay may puwang pa para sa iyo. Kasi sa totoo lang, parang wala na. Wala na talaga.