Nuffnang

Thursday, July 02, 2015

Feelingera Ako, Join Kayo?

Day 1 na walang FB account. Nagkaroon ako ng panahon na sumilip sa mga dormant email accounts. Aba e may isa pa pala akong FB profile mula sa panahong gusto kong magtago. Dineactivate ko na rin ok?!? Pero bago iyon ay nakasilip pa ako dun sa isang notification alert. May post si jowa sa Fezbook. At sabi niya ay buti na lang daw sa Facebook lang ang unang araw, hindi sa totoong buhay. Ang haba haba haba ng buhok ko. Huwag kang malikot at baka maapakan mo. Walang kikilos ng masama.

Kasama sa post ang YouTube video ng  kanta ng Sugarfree. Napakahusay talaga nitong asawa ko at alam niya pa ang mga kanta pagkatapos ng taong 2001. Mahal niya ako ano?

Unang Araw

Sadya ba talagang ganyan
Palakad-lakad ka't nakatungo
Sa'n patungo?
Ngayong wala ka na
Kailangang masanay na muling nag-iisa
Sa'n ka na kaya?
'Wag mo akong sisihin
Kung minsan ikay hanapin/kung minsan akong iyakin

Ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na

Nasanay lang sigurong nand'yan ka
'Di ko inakalang pwede kang mawala
'Yan na nga
Nababato, nalulungkot
Luha'y napapawi ng singhot
At talukbong ng kumot


No comments :

Post a Comment

Yum-ment!