Ampayat naman ni Ate dito, nakakainis!
Speaking of payat, may kumakalat na balita na pumapayat na raw ako. Buti naman kung gayon dahil walang katapusan ang aking
Anti-Baboy Campaigns. Beep-beep, preno muna, pasintabi sa mga masaya sa kanilang bouncing baby love handles. Ayus lang yun kung yun ang trip mo. Blog ko naman ito kaya ako ang pinag-uusapan, k?
So back to my neverending schemes to be hot. 2012 noong nagsimula akong mangarap na iluwa ang isa pang ako. South Beach diet sabay yoga ang tema. Repeater ako, at ang isa pang kaibigan na itatago natin sa pangalang AC, sa Phase 1 at Phase 2. Ang hirap ng walang naghahanda ng healthy kambing foods. Di na kami umabot sa Phase 3. Pero in fairness, nabawasan ng kaunti ang timbang. Ayun, ang ending, nabuntis ang lola niyo.
Pagkatapos magluwal ng bata, balik sa #balikalindog program. Nagsimula ako sa ganitong pauso noong November 2014:
- No rice
- No colored/flavored liquid (pwera sa kape na di ko kayang talunin)
- More water
- Daily walks (minimum 30 minutes)
- Tapos, natutunan ko pay kay IM ang tungkol sa MyFitnessPal. Ito ay isang App na parang mahaderang kaibigan na binibilangan ka sa calories.
Ang lahat ng ito ay nagbunga ng tumataginting na bawas 10 ugly pounds. Ayus na. Kailangan ko na lang husayan pa at labanan ang kanin. At siyempre kailangan ng exercise. Ang pagpipilian ay yoga at swimming sana kaso wala akong pera. Siguro dapat ko tiisin ang lumbay na hatid sa akin ng pagtakbo. Hmmm... reunion na ba ito with
Couch To 5K?