Saturday, May 28, 2016
Don't Play With Knives?
Grade 4 si Kuch noong matigil sa pag-aaral. Kagaya ng marami pa nating mga kababayan sa kanayunan, lumuwas si Kuch ng Maynila para makipag-sapalaran bago pa man siya naging binata. Kuch ang code name ko sa kanya kasi mukhang may kakaiba siyang hilig sa kutsilyo. Sa unang birada pa lang ng kuwento ni Kuch, "mapapatay ko dapat yun kung hindi lang mapurol ang kutsilyong nadampot ko."
Kagaya rin ng marami pa nating kababayan, masipag at maabilidad sa Kuch. Natuto siyang mag-butingting at naging electrician. Salamat sa Recto University, nakapag-Saudi si Kuch. Nagkaroon siya ng instant diploma at natanggap sa isang mass hiring ng mga construction workers.
Sa trabaho sa Saudi, nakabukod ang mga trabahador ayon sa bayang pinagmulan. Bawal ang mangapitbahay kung hindi kayo pareho ng nationality. Ang kaso, sabi ni Kuch, ang mga kasamahan niyang Ilokano ay napakahilig mag-uwi ng mga Pakistani sa barracks nila. Galante raw kasi sa inuman ang lahing ito kaya masarap maging bisita. Sa isang inuman session e nag-pass si Kuch. Nag-straight daw kasi siya ng trabaho ng tatlong araw kaya patang pata ang buo niyang katawan.
Habang nagkakasiyahan ang lahat, mahimbing ang tulog ni Kuch. Kaya naman gulat na gulat siya nang magising na may malaking Pakistani na nakadagan sa kanya at pilit na nilililis ang suot niyang shorts. Alam niyo na ang ibig sabihin? Sige, kung hindi pa - gustong gahasain ng malaking lalakeng Pakistani si Kuch. Nanlaban siya nang nanlaban pero sadyang malakas ang Pakistani. Sa huli, nadampot niya ang nag-iisa niyang tinidor sa ilalim ng kama. Nasaksak ni Kuch ang Pakistani nang paulit-ulit. Hindi man natuluyan, nakulong pa rin si Kuch. Inabot ng tatlong taon bago siya nakalaya. Matagal raw kasing magpadala ng abugado ang gubyerno natin.
Habang nakakulong sa Saudi, ang mag-ina ni Kutch ay pinalayas ng nanay niya. Hindi na raw kasi siya nakakapagpadala ng pera kaya kahit may tatlo silang anak na maliliit pa, tapos na rin ang pakikipanirahan ng kanyang pamilya. Sa lugar kung saan pinulot ang mag-iina, uso ang droga. Nalulong sa droga si misis at nakasumpong ng forever sa isang batikang drug pusher at user.
Kamakailan lang ay kumalat sa Facebook ang video ng isang batang nakatali sa puno habang ginugulpi ng nanay at tatay-tatayan. Ang batang iyon ay ang sampung taon na panganay na anak ni Kuch. Nakabalik na siya sa Maynila noong mangyari ito. Humingi siya ng tulong kay Tulfo.
Lunes susugod ang kampo ni Tulfo sa Pangasinan kung saan naron ang mga anak ni Kuch na lahat pala ay minamaltrato ng durugistang power couple. Hindi na kinaya ng pusong ama ni Kuch. Sinugod na niya agad ang bahay para makuha ang mga bata. Parang eksena sa pelikula ni FPJ ang nangyari. May apat na drug addict na sumugod sa kanya, initak pa siya sa ulo ng isa. Buti na lang nga, mahusay siya sa kutsilyo. Napuruhan niya rin ang lahat ng nagtangkang sumugod. Ginigilitan niya raw ng leeg yung isa, kaso mapurol (na naman!) ang kutsilyo.
Dahil nasa lugar siya ng mga adik, nakulong si Kuch at hinayaan ng mga pulis na duguan sa loob ng kulungan. Buti dumating ang mga tao ni Tulfo at pinagalitan lahat ng salbaheng pulis. Kung di raw kay Tulfo, baka patay na siya.
Sa ngayon ay masaya na kahit paano si Kutch. Nasa kanya na ang mga anak niya. Binilhan nga raw niya ng laptop kasi napakahilig magsipaglaro sa PC-han at mag-Facebook. Pero inaalala niya pa rin kung paano malilimutan ng mga anak niya ang kahayupang inabot sa nanay nila at sa kanyang live in partner. Sana raw mapatay ni Duterte.
Kahit puyat at malamig ang taxi ni Kuch, di ako nakatulog sa sharing na ginawa niya. Sana lahat ng maisakay niya ay magtiyagang makinig. Kailangan niya 'yun para gumaling.
Ang kultura ng karahasan. Sino ba talaga ang may kasalanan?
Friday, May 27, 2016
Balahura
Labels:
Feeling Putograpo
,
Musings
,
Putograpo
,
Shutterbug
Thursday, May 26, 2016
Cakes & Pastries by Hazel
I learned about Hazel's artworks from Phleymz. When Phleymz's Yana-banana turned 2, Hazel made a cake that matched the colorful, beautiful and adorable toddler-self of the birthday girl.
RAINBOW CAKE
Grabbed from the Facebook page of Cakes & Pastries by Hazel
Who will not fall in love with such artistry? We definitely wanted something like it for TLO's 7th birthday too (theme to be revealed in a bit). While working with Hazel for the design of TLO's cake, I told Kleyr, my sister-from-another-mother, about the Cake Lady's magic. She was also preparing for Gabby's 7th birthday then and she shrieked and giggled when she saw the Darth Vader cake that Hazel made for one of her clients. Gabby is a Star Wars fan so imagine his shrieks and giggles when he saw his Star Wars cake.
STAR WARS CAKE
Photos grabbed from the Facebook page of Cakes & Pastries by Hazel
And now this... was for our little girl's 7th birthday. TLO and her brother and cousins are Minion addicts. We ordered a cake and a LOT of cupcakes. The cake and cupcake stand is a labor of love (family DIY, with the patient and encouraging guidance of Hazel). The Minion cake looked too real, I did not find the heart to do the slicing ceremony. Only the Lola had the courage to slice the Minion.
And last Friday, a former boss, mentor and Woman idol of mine traveled all the way from sunny California to celebrate her birthday with friends and fans. :D She loves Hello Kitty and travelling. So she wanted a cake with Hello Kitty on a plane and a luggage. I shared the birthday girl's wishes with Hazel and she made this awesome cake and 25 equally fatally cute cupcakes.
Thank you for bringing color, love and joy in the dining table and in the hearts of everyone present in these events, Ms. Hazel. Sa uulit-ulitin!
Cakes & Pastries by Hazel
https://web.facebook.com/Cakes-Pastries-by-Hazel-853581584652101/?fref=photo
Contact Number: 0915 908 2383

Photo by B'ley of Manila Eat Up. Sorry for the terrible resolution of your photo, B'ley, I just grabbed this from Ati's FB post. |
Thank you for bringing color, love and joy in the dining table and in the hearts of everyone present in these events, Ms. Hazel. Sa uulit-ulitin!
Cakes & Pastries by Hazel
https://web.facebook.com/Cakes-Pastries-by-Hazel-853581584652101/?fref=photo
Contact Number: 0915 908 2383
Tuesday, May 24, 2016
Agimat Sa Public Speaking
Sabi, kapag nenenerbiyos ka, humawak ka raw ng paper clip. Sabi naman ng iba, puwede rin ang perdible. Basta kahit anong metal na bagay (huwag metal na tao, baka mamura ka). May science kung bakit ito epektib pero medyo nakaka-nosebleed. Kaya mula sa simpleng brain ko na lang ito ipapaliwanag.
Ang bawat isa sa atin ay dumadaloy na energy. Kapag kinakabahan tayo, kinakalamay ang energy natin. Parang buhawi. Fear is such a great force, aabot ang nerbyos sa manginginig ang kamay, ang boses, ang tuhod at lahat ng puwedeng manginig. Ang metal ay heat conductor. Dadaloy sa paper clip o perdible ang ragasa ng iyong nervous energy. At lalabas na may disiplina at direksyon - gaya ng kuryente na lumalabas sa power outlet. I am not kidding, at siyempre hindi ko original concept yan huh. Nabasa ko lang.
Kagabi ay meron akong major presentation sa telepono. Bukod sa likas akong nerbyosa, hindi rin nakatulong ang aking thyroid issues. Niyayanig ang pagkatao ko ng pinaghalong kaba at tremors. Dumampot ako ng paper clip, ayaw tumigil ng nginig. Dumampot ako ng metal na ballpen, ayaw pa rin. And then I saw these.... and goodness gracious, patok! Naramdaman kong literal na bumagal ang tibok ng puso ko, nawala ang hingal, nawala ang nginig sa dulo ng bawat sentence na lumalabas sa aking bibig.
They say that a paper clip or a safety pin can help get rid of public speaking jitters. Maybe true most of the time but not for people with hyperactive thyroids. There is just so much happening in our bodies that one tiny metal object won't do. So I now have this on my desk.
Martes na. Masaya ka pa ba? Just asking...

At sana naman hindi na mag-escalate pa ang need ko to the point na umabot sa ganito. Wrecking Ball na lang ang uubrang pampakalma.
Martes na. Masaya ka pa ba? Just asking...
Monday, May 23, 2016
Siya Na Ang Diva
Big day ang araw na ito para sa amin. Assessment ni TLO sa Developmental Pediatrician niya. Malalaman (DAPAT) kung may progreso ba siya kumpara sa huli niyang assessment. Ready kaming lahat, nag-leave pa ang tatay niya sa trabaho. Siyempre present din ang baby brother. Pati si Teacher Regine, ang kanyang loving therapist from Teamworks ay kasama rin namin.
Ang kaso, wala sa mood si Ate. Ayun, nagpa-cute lang nang nagpa-cute kay Dra. Reloza. Susmaryosep. Sabi sa akin ni doktora, "mommy, ayaw niya pong mag-work." Sarap pagalitan ni Ineng, nagpaka-Diva talaga. Pero sabi baka raw kasi dahil masama ang pakiramdam. Kinarir nilang magkapatid ang matinding ubo, all together now.
So ayun, repeater kami. Babalik pa kami sa Biyernes. Yan ang update para sa lahat ng nag-aabang. Meron ding tatlong update pero pending discussion pa ito, marubdob na usapan.
1. Puwede na silang umuwi sa amin (ayan, iiyak na ang lola at lolo niyan). Naawa na si Doc. Sobrang sacrifice na raw iyon (AMEN!)
2. Puwede na ulit bumalik si TLO sa school, pero SPED. Yan ang problema kasi nakadalawang SPED schools na kami sa Makati at hindi naman nakatulong pareho kay TLO. Baka may alam kayo, recommendation naman please.
3.Pinapa-increase ang therapy sessions niya from 3 days to 6 days per week. Ahem. Sinong gustong mag-donate? Parang di kaya ng Math pagkasyahin ang lahat, lahat, lahat.
Hay, TLO. Mahal ka namin. Pero please, magsalita ka na, please?

Sunday, May 22, 2016
Balik Aklat Project - 2016 - 1st Update
Late na ako nakapagsimula ngayong taon. Pero gaya nga ng madalas sabihin ng mga madalas mabokya sa pag-ibig, sana ito na 'to. Sana ito na ang taon na hindi na ako matitigil magbasa ng libro. No reviews, for prosperity (hahaha!) lang, sabi nga. Joke lang, posterity, anuba.
01. Pride & Prejudice
https://www.gutenberg.org/
Reading Period:12-April-2016 to 26-April-2016 (08:29 AM)
Image Source: https:// en.m.wikipedia.org/wiki/ Pride_and_Prejudice
02. 'Day Hard, Lakas ng loob, kapal ng mukha.
Practical advice para hindi ka maging bobita sa love at sa life"
By Annabelle Rama, birthday gift sa akin ni Ja-john
Reading Period: 28-April-2016, 9:20-9:55 AM
03. In Sisterhood (Lea at Lualhati)
Ni Ma'am Lualhati Bautista
Birthday gift sa akin ni Josefa
Reading Period: 26-April-2016, 4:00 AM at binabasa pa hanggang ngayon
01. Pride & Prejudice
https://www.gutenberg.org/
Reading Period:12-April-2016 to 26-April-2016 (08:29 AM)
Image Source: https://
02. 'Day Hard, Lakas ng loob, kapal ng mukha.
Practical advice para hindi ka maging bobita sa love at sa life"
By Annabelle Rama, birthday gift sa akin ni Ja-john
Reading Period: 28-April-2016, 9:20-9:55 AM
03. In Sisterhood (Lea at Lualhati)
Ni Ma'am Lualhati Bautista
Birthday gift sa akin ni Josefa
Reading Period: 26-April-2016, 4:00 AM at binabasa pa hanggang ngayon
I Invented This Game
Anim na taon na ako noong nagkaroon ng unang kapatid. Panganay akong anak, apo, pamangkin. Kaya ang mga laro ko, lahat DIY. Do it yourself, by yourself.
The red monobloc chair in this photo was one of my favorite DIY toys. Uupo lang ako rito, aandar andar, kunwari kotse, truck, tangke, eroplano, spaceship. I spent so many hours in this chair. Kapag napagod, sasandig sa unan tapos minsan makakaidlip na.
Noong puwede na kalaruin ang mga kapatid ko, mas naging masaya. Tulak-tulak game, ako ang pusher. Kaya yung upuan, andaming gasgas nun e. Nakakahingal pero ang saya kapag tumitili sa tuwa yung pasahero.
Napaka-espesyal na pakiramdam pala kapag yung laro na inimbento mo, almost 30 years later e katutuwaan din ng mga anak mo. Same house, same chair, same game, same shrieks from the "passengers." Ang nagbago lang, binabalakang at hinihingal na ako sa pagtutulak kaya maraming breaks.
Napakasuwerte ko. Meron ako nito.
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)