Nuffnang

Pages - Menu

Thursday, August 30, 2012

Bye Facebook

On Friday, I will officially deactivate my Facebook account. I've been receiving "knowing looks" and pregnant questions about this decision. Naks, parang artista lang. So here's my official statement.

Lima lang ang dahilan kung bakit ako nagi-internet. Una, para sa trabaho. Pangalawa, para mag-research. Pangatlo, para mag-blog. Pang-apat, para mag-email. Pang-lima, para mag-Facebook. Gusto kong bawasan ang dependency ko sa  internet at dahil hindi naman pwedeng bitiwan ang unang apat, doon muna ako sa posible. Dahil gusto ko. Yun lang.

Ayoko na mag-Facebook kasi nagkakasala ako (bahala na kayong mag-isip kung kanino) sa tuwing papasok ako sa parallel universe, na kung tawagin ay Facebook wall at network, ng kung sinu-sino. 


"ENVY - Like greed and lust, Envy (Latin, invidia) is characterized by an insatiable desire. Envy is similar to jealousy in that they both feel discontent towards someones traits, status, abilities, or rewards. The difference is the envious also desire that entity and covet it." - Wikipedia

Gusto ko mang isipin at pagsikapan na maging mature, tinatablan pa rin ako ng sakit na walang gamot. Inggit.  Naiinggit ako sa mga wedding/engagement pictures at videos. Naiinggit ako sa mga nilalanggam na shout out ng mga lalake para sa kanilang mga karelasyon. Naiinggit ako sa mga babaeng hindi kailangang magtrabaho at kayang mag-full time nanay. Naiinggit ako sa mga babaeng sexy. Naiinggit ako sa mga maganda ang buhok. Naiinggit ako sa mga nage-exercise. Naiinggit ako sa mga nakakapag-bake. Naiinggit ako sa mga pictures ng masayang family reunion. Naiinggit ako sa mga buntis. Naiinggit ako sa mga buntis na may baby shower. Naiinggit ako sa mag nagma-masters at Ph.D. Naiinggit ako sa mga nagtratrabaho sa NGO's or mass media. Sinusulat ko lang ito, napapagod na ako. FYI.

Wala naman akong sinisisi kundi ako. Kaya ako rin ang may hawak ng solusyon. Ang root cause, makuntento. Eh hindi ko pa kaya yan. Kaya lalayo na lang muna ako sa mga salita, imahe at video na nakakapangit sa akin.

Ayoko na mag-Facebook kasi halimaw siyang kumain ng oras.


"SLOTH - Sloth has also been defined as a failure to do things that one should do. By this definition, evil exists when good men fail to act." Wikipedia


Aaminin ko, maraming masasayang bagay, mga walang kuwenta at may kuwentang bagay, na nakikita sa Facebook. Ang oras na ginagamit ko sa Facebook ay gusto kong ilipat sa pagbabasa ng libro, pagluluto, pakikipaglaro sa anak ko, pakikipag-usap sa asawa ko (at sa mga halaman), pagyo-yoga, at kung anu-ano pa.

Ayoko na mag-Facebook kasi natutukso akong mag emotional leakage for cathartic reasons.

Mas gusto kong nagsusulat kaysa nagsasalita. Dahil diyan, pag meron akong dinaramdam, malakas ang tukso na mag-shout out. Dahil ka-network ko ang mga kasama ko sa trabaho, mga di masyadong ka-close, mga dating kaklase na hindi na nakikita, mga kamag-anak... hindi puwedeng bara-bara ang ekspresyon. Hanggat hindi nalilinaw ang batas tungkol sa freedom of expression sa Facebook wall, hanggat pinagtatalunan pa kung may karapatan ang employers na parusahan ang mga nagsusulat ng hindi maganda tungkol sa trabaho/ka-trabaho, hanggat sinasabi ng professionalism na huwag maging negative in public, ayokong sumugal. Opresyon much? Ayoko rin 'non. Sabi, pwede namang ayusin ang account settings para pili ang makakabasa ng sinusulat. Ayoko nga. Uubos na naman yan ng oras.

Meron ding maliliit na dahilan:

  • Nabubuwisit ako sa mga games and applications request. 
  • Tumataas ang presyon ko sa "like" culture. Kahit ano na lang, nila-like.
  • Gusto kong hiritan ang mga salbahe na nagkukunwaring mabait.
  • Gusto kong i-out ang mga baklang nanggagamit ng babae para hindi mahuli.  
  • Gusto kong awayin ang mga kabit.
  • Gusto kong pagalitan ang mga salbaheng boyfriend/girlfriend. 
  • Gusto kong laitin ang mga ayaw mag-trabaho pero sa Facebook na nakatira. May panggastos sa internet, walang pambili ng pagkain.
  • Gusto kong "ilibing nga buhay ang mga pa-sosyal"
  • Gusto kong bulyawan ang mga pasimple (pero sa akin obvious) na kumakarir sa asawa ko
  • Natatakot ako sa mga picture ni Jesus na dapat ko raw i-share kung naniniwala ako sa kanya
  • Naniniwala ako sa kanya, pero gusto ko ring maging cool paminsan-minsan. Sana hindi ako pinupwersa mag-shout out ng bible verses. Mahal ko siya, pero akin na lang iyon.
  • Yes, I hate Timeline too.

Marami pa. At hindi ko kinukundena ang mga may tibay ng loob na sumabay sa agos ng Facebook. Sadyang hindi lang ito para sa akin.

My FB page... Paalam.




6 comments :

  1. Oh my! Mamimiss ka namin sa Facebook. Natutuwa ako sa mga insights mo MFR! I will see you sa 29th floor or pwede rin sa 27th or pwede sa 28th? Or sa RCBC Plaza lobby.

    ReplyDelete
  2. good decision. kaya lang expect mo na withdrawal symptoms. :D

    ReplyDelete
  3. Hello MFM MP. See you, see you. Sana mag-blog ka na rin. Lalo ang gaganda ng mga kuha mong pekatyurs! Bagay ang tumblr, go!

    ReplyDelete
  4. Hello JB ! Wala pa namang withdrawal symptoms. Hindi ko pa hinahanap. Salamat sa pagbisita.

    ReplyDelete
  5. Natutuwa at natatawa ako sa mga isinulat mo...and some of them eh nakakarelate ako...1St time Ko mabasa itong blog mo. Galing mo tlga! Keep it up girl��

    Ingat lagi. Hope to see you...
    God bless

    ReplyDelete
  6. I'm also on Google+ if you want to read anything about music, arts, fitness, and lifehacks. ;-)

    ReplyDelete

Yum-ment!