Nuffnang

Pages - Menu

Friday, August 31, 2012

Writing Project: USOK


Gusto kong isulat ang mga kuwentuhan naming magkakaibigan. Lagi kong sinisimulan pero hindi ko natatapos.... ito pa lang ang meron ako.

USOK
Part 1

“Mga bakla, napansin niyo ba? Ang lungkot ng buhay ni Dora The Explorer.”

Marami akong tanong. Marami akong napapansin. Sabi ng iba, meron daw akong inquiring mind and wild imagination. Sabi ng mga kaibigan ko, sadya lang akong gago.

“Ano na naman yan tangina ka!”

Nanliliit ang singkit na mata ni Masikip nung sinabi niya yan. Suwerte ako sa kaibigan. Kahit ang lakas nilang magpaulan ng mura at panlalait, matiyaga naman silang makinig.

“Seryoso ako. Napansin niyo ba? Pabaya ang magulang ni Dora. Kung saan saan siya nakakarating pero walang sumusundo o sumisitsit man lang sa kanya para umuwi.” 

“Ay bakla may point ka dyan.” Segunda ni Dory. Utu-uto si Dory. Mapagpatol sa kahit ano. Siya si Dory kasi kahit sarili niyang statements, hindi niya masundan. Palagi siyang nawawala. Parang iyong kaibigan ni Nemo.

Sabi pa ni Dory, sa Child Psychology, karamihan sa mga batang kulang sa atensyon ay may attachment sa isang bagay – kumot, laruan, libro. Si Dora raw, ang “security blanket” niya ay ang kanyang bag. Kahit saan magpunta si Dora, may dalang knapsack.

“Taray! Ang talino ni Bakla!” Dahan dahang pumalakpak sai Madonna (parang kontrabida na nagsasabing magaling-magaling-magaling).

Dahil sa pambubuska ni Madonna, nawala na naman sa sarili si Dory. Natigilan at hindi na alam kung ano ang sinasabi. Dinuro-duro ni Dory si Madonna sa noo habang halos lumuwa ang nanlalaking mata.

“Ikaw putangina kang matanda ka!!!”

Oo, konti na lang 40 years old na si Madonna. Siya ang pinakamatanda sa amin pero siya ang may pinakasariwang  jowa… 18 years old. Kaya niyo yan? Anway, kapag ganito na ang takbo ng usapan – nauuwi na sa hampasan - ibig sabihin chance ko na. Kapag dumarami ang mura at lumalakas ang boses ng mga bakla, ibig sabihin puwede pa kong umabuso. At dahil Noranian ang dalawang bakla, dahan-dahan kong ikinwento ang aking pito-pito film concept. Alisto ako kasi kung di nila gusto ang marinig, puwede akong makatikim ng bulyaw. Mahirap na.

Gusto kong may gumawa ng pito-pito film na si Ate Guy ang gaganap na Dora. Siya si Dora Aunor. Kahit saan magpunta si Dora, gustong icheck ng mga parak ang bag niya. Minsan immigration at customs. Minsan FBI. Kung saan-saang panig ng mundo makakarating si Dora  sa pelikulang ito. Pero wala siyang ibang linya kundi “walang droga ritwooooh.” 

Iniintay ko ang sampal ni Dory pero walang dumating. Magandang senyales. Nagsimula siyang tumawa. Kita ang cerebellum ni Bakla sa bandang likod ng uvula. Satisfied.

Ay gusto ko yan! Gusto ko yan! Tapos yung si Boots, yung unggoy ni Dora, kay Ate Guy, orangutan! Mas malaki pa sa kanya yung orangutan at kabuntot niya kahit saan siya pumunta!

Umaarteng malikot na orangutan na si Madonna. Ramdam na ramdam ang excitement. Si Masikip, tahimik lang na humahagikhik sa isang sulok. Halinhinan ang tawa at iling ni Masikip.

“Mga putangina kayo! Hahahahaha!”

Halos isang oras naming pinaglaruan ang konsepto ni Dora Aunor.

Tapos na ang lunch break. Huling buga, isang mahabang hithit ng yosi tapos trabaho ulit. Waiting for the next break to come.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!