No more rice!
Thursday, February 21, 2013
February 20: Kanin, puksain!
Matrabaho, magastos at masakit sa puso ang paghihiwalay na ito. Pero kailangan nang simulan para sa isang masayang pagdiriwang sa darating na May 03, 2014.
Tuesday, February 19, 2013
Leadership by example
Si big boss ay gumawa ng dress code para sa lahat. Sinulat niya itong maigi sa email. Detalyado, plantsado, hanggang sa kung ano ang pwedeng isuot sa paa. Syempre, bawal daw ang tsinelas.
Kinaumagahan matapos niyang ipadala ang memo, may meeting para sa lahat ng empleyado. Dito niya iniyabang ang imbento niyang dress code. Habang siya ay nakatsinelas!
Meet Carlabasa. Marami pang kwento tungkol sa kanya kung lagi lang sana kaming nagkikita ni Pam (di tunay na pangalan).
Monday, February 18, 2013
Moving out
Eight months ago, I said that I needed space and more soil for these lovelies. Wala lang akong pictures ngayon pero si White Angel, kasingtangkad ko na. Iyun namang aloe vera in a plant box, mas marami na ang halaman kaysa sa lupa. Hindi na sila kasya, kinailangan nang ilipat sa roof deck. In the wild ang drama.
Masakit pala ang paghihiwalay kahit sa halaman. Isang hagdan lang naman ang pagitan namin mula ngayon pero iba pa rin ang sila ang una kong nakikita sa umaga/gabi.
Paano pa kaya kapag ang anak ang nagpapaalam nang umalis sa bahay?
Sorry sa mga nanay at tatay. Kaming mga bagets, parang halaman ding kailangang mamuhay in the wild.

Sunday, February 17, 2013
13 Years Ago
Two tipsy young adults on a swing, under the full moon and skies of Antipolo. She dared him to sing a song. He did. Earlier this morning, the same song played on the radio. He was doing the laundry while she prepared aloe vera gel for his hair fall problem. A little girl, with his eyes and her clumsy feet, roamed the room, looking for stuff to throw outside their window.
They may stop playing our song in a few more years. Keber. The sky remembers. Besides, I'll love you even after the moon falls off from the sky.
They may stop playing our song in a few more years. Keber. The sky remembers. Besides, I'll love you even after the moon falls off from the sky.
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)