Nuffnang

Pages - Menu

Saturday, August 29, 2015

Puwede ba tayong magkita?

Puwede ba tayong magkita?
Kahit saan, basta hindi tayo magkasama na pupunta.
Hinahanap ko kasi ang kulo ng dugo.
Kapag nakikita kong papalapit ka na,
Talaga namang ang puso ko
Dumadagundong ang tibok.
Kung alam mo lang ang aking mga sikreto, tatawanan mo ako sigurado.

Mga tatlong minuto bago ang tagpuan,
Panay na ang kagat ko sa aking labi
Para magmukhang kissable ang aking lips.
Mga limang minuto bago ko dumating
Saka ko pa lang pinakakawalan ang aking nakapusod na buhok
Para maganda ang alon at hulma
Sakto sa iyong pagdating.

Puwede ba tayong magkita?
At hindi natin babanggitin ang kahit anong tungkol sa buhay mag-asawa?
Mga bayarin, mga lulutuin,
Mga bata, mga bakuna, ubo at sipon at
lagnat na pabalik-balik.
Hindi rin sasabihing magastos na tayo masyado sa bawat order ng pagkain.

Puwede ba tayong magkunwari
Na tayo'y hindi sa iisang bahay uuwi?
Nanakawan mo ako ng halik,
Pipilitin kong hindi gumanti.
Sisimplehan mo ako ng akbay at hawak sa baywang (kunwari rin maliit pa yan)
Pipigilan ko ang aking paghinga, aastang hindi ko napansin na tayo'y magkalingkis na pala, at magdarasal na sana huwag kang bumitiw.

Puwede ba?
Kahit isang araw lang at isang gabi.
Nakakapagod ang ngayon
Kahit minsan lang, kahit paminsan-minsan lang
Mamasyal tayo sa dati.
Doon sa panahong ang lahat ay walang kasiguraduhan.
Parang ngayon din, pero ikaw at ako lang.


Friday, August 28, 2015

Rare Finds at Lazada.com.ph

I'm a big fan of Lazada. Dito ko nga pinabili kay Sir_Ko ang aking slanket. Ang saya saya mag-window shopping sa site, lalo na sa app nila. Medyo nga lang creepy ang mga kaganapan pagkatapos tumambay sa kanilang website. Kahit saan ako magpunta, lumalabas na ads yung mga sinilip ko. Expected naman yun bilang ganun talaga ang buhay online. Pero nakakatakot pa rin sometimes. Anyways, sa kakakalikot ko ng mga puwedeng mabili sa Lazada, nakakakita ako ng mga produkto na talaga namang hindi ko inaasahan na ibebenta sa deal site.

Gaya nito. At least kung kailanganin ko, alam ko na kung saan bibili ng organic and inorganic chemistry models.

Buy Now! Haha!

At ito pa. Narating niyo na ba ang bituka ng Lazada kung saan nakatago ang Pleasure items? Unfortunately? Fortunately? Bahala na kayo mag-isip, pero yes. The answer is yes. At least din alam ko na kung saan ako bibili kung kailanganin... ng friends ko. :D

Image Source



Thursday, August 27, 2015

Upsell and Cross Sell Like Hell... As In Hell


Nung call center agent pa ako, nanginginig ako kapag may mga pakulo na upsell at cross sell ang kliyente. Ibig sabihin, damay kami. Yung upsell, susubukan mong itaas ang gagastusin ng customer base sa kung ano ang alam mong kailangan nila. Usong uso ito sa mga fastfood chain. Yung bibili ka lang ng Happy Meal, dadagdagan pa ang kasalanan mo by offering bigger fries or drinks. Yung cross sell naman, bibilisan mo ang isip ng kung ano pa ang puwedeng ialok base sa bibilhin na. Kunwari, kung bumili na ng goldfish na buhay, alukan mo na rin ng aquarium o kaya fish food. Kasi kakailanganin din naman niya yun e. Natataranta ako sa ganito kasi nga mahiyain ako (naks!).

Lately ay nawawala na ang nerbiyos na ito. Kasi may tindahan ang nanay at tatay ko. Nakakapag-practice ako nang libre at walang nakaambang panganib. Kapag may bumibili ng yosi, naga-alok ako ng candy para sa pisong sukli. Madalas kinakagat, minsan nga nagugulat pa ako. Ang pinapares ng iba sa yosi ay chichiria! Puwede pala iyon.

Ang tindahan namin ay nasa Tatalon, Quezon City. Maraming adik dito. As in, maraming maraming marami. Hindi na nahihiya ang mga tao. Alam mo kung sino sila. Lalong alam nila kung sino sila. Minsan sa kanila ko gusto subukang mag-upsell at cross sell. Kung hindi lang ako natatakot sa batas ng Diyos at sa batas ng tao. Trip lang, Gusto ko subukan pero siyempre hindi ko naman gagawin.

Ito ang mga gusto kong i-upsell or cross sell like hell kapag may bumili ng beer:

Kuya, yosi?
Kuya, pulutan?
Kuya, foil?
Kuya, lighter na bungi?
... (ay explain ko lang, yung nguso ng lighter, binubungi yun para madaling sumayad sa foil ang apoy)
Kuya, dental plan?
... (nauubos talaga ang ngipin nila kahit ilong naman ang ginagamit pangsinghot, ewan ko ba)
Kuya, funeral plan?
... (para sa iyong madilim na wakas)
Kuya, educational plan para sa mga anak mo?
...(para sa mga mayayaman ng pusher)
Kuya, mamya pag sabog ka na, mag-american accent training tayo dali!
Kuya, gawa tayo ng blog. Pagkakitaan natin yang amats mo. Magkuwento ka lang pag tapos ng session niyo, ako na magrerecord at magsusulat.

O, mga parak. Hindi ako pusher o user. Imagination lang ito.


Wednesday, August 26, 2015

Away In A Manger


For nomadic families like ours. May Christmas find us with better options. And faith to lead us all towards (better) life-changing decisions.



Belen @ Salcedo Park, Makati
12.23.2013 07:02 PM


Tuesday, August 25, 2015

Desktop Wallpaper as Work/Life Mood Ring


(Same introduction from 2011) These are all products of carefully considered search results from Google Images. Minor edits and designs are mine.

06.10.15 - Now
So many things are happening. Trying to find balance through and by the grace of every day.



02.26.15 - 06.09.15
Tough times at work.


01.28.15 - 02.25.15
From when I couldn't seem to find my element.


12.29.14 - 01.27.15
Trying to find indigenous joy in new beginnings..


12.03.14 - 12.28.14
The scary moon of The daily/nightly grind can be swallowed by the bright lights of the yuletide season.


10.31.14 - 12.27.14
Spooky existence may seem harmless with the right amount of capitalist distractions.

10.07.14 - 10.30.14
I wish I can bring the kids to work and put them in an adorable basket on top of my desk.

09.27.14 - 10.06.14
Feeling blue and extremely unstable. Three months after returning to work from maternity leave.














03.24.14 - 09.26.14
Less than a month before giving birth. I thought this penguin looked like the little one, based on his first pic (3D ultrasound).


Monday, August 24, 2015

No Offense But....

Noong nakaraang linggo ay naranasan kong magtrabaho ng apat na magkakasunod na araw na mag-isa. Sa bahay. Mag-isa. Tumatayo ako para lang pumunta sa banyo, kumuha ng tubig, kumuha ng pagkain, magbalik ng pinagkainan sa kusina, mag-unat. Isang break time lang ako buong shift. Marami akong nagawa. Masaya ako. Payapa. Productive (ano iyan sa tagalog?). Hindi ko kainailangang magsuot ng bra, slacks, blouse at sapatos. Hindi ako nagsusuklay. Hindi ako naglalagay ng hair gel. Pero ha, naliligo naman ako sa simula o dulo ng araw kasi mainit, kung malamig puwede sigurong three days na bohemian scent sa akin. Again. Masaya ako. Payapa. Productive (ano ulit iyan sa tagalog? Kapaki-pakinabang?).

This is not a criticism against anyone or anything. This is just who I truly am, if given the chance. I don't crave companionship. Nami-miss ko si Sir_Ko, ilang kaibigan, ilang kamag-anak. Pero hindi lahat. Don't get me wrong. Kaya ko yung super happy hormones demands ng socialization in the workplace. Kayang kayang kaya ko iyon. I am proud na lahat ng professional interactions ko ay professional (redundant no?), mutually fruitful at sincere (uso kaya ang tupperware parties kahit saan, mga kaplastikan na umaatikabo). Hindi ko ugaling magpa-sweet pero lumalabas iyon kapag kailangan. Saka bayad, siyempre. Saka I think, sweet naman talaga ako. Just like ham.

Iyun lang naman. Napapangiti lang ako kapag naalala ko ang sweet encounter with solitude in the "workplace." Sana puwedeng ganun kahit wala akong sakit.

Sunday, August 23, 2015

Injury Time Out

Dahil may sore eyes ako, ay dalawang linggo raw akong nakakahawa sabi ng duktor. Sampung araw iyon sa trabaho. Ayaw ko mag-sick leave kasi:

1. Sayang ang leave credits. Ang leave credits na hindi nagamit ay nagiging cash sa dulo ng taon. Eh sayang naman na maubos iyon dahil ---
2. Kaya ko pa namang magtrabaho. Makati ang mata ko at may matindi akong sipon at ubo pero maliit na bagay iyan kung nakaupo lang naman ako at nag-iisip at nakaharap sa laptop. At walang nahahawa.
3.  May ilang mga bagay sa buhay na gusto ko all or nothing. Kapag sick leave, dahil kinakain ang leave credits ko na dapat ay pera para sa gastusin, gusto ko leave talaga. Flawless na leave. At hindi yan posible sa dami ng deadlines na nakalinya sa trabaho.

Pero mababait ang mga bosses. Matapos ang halos isang linggo na nag-work from home ako, kailangan daw talaga akong magpahinga (hala nakakahiya sa mga sasalo ng trabaho ko!). Kaya ba ng puso, isip at kaluluwa ko na magpahinga? Hindi solid ang #3. I get that. Tapos May dalawa akong bagets na puwede kong makasama at alagaan kahit pasundot-sundot lang (may malaki akong support group). May sore eyes din sila. Sabay sabay na lang kaming magpapagaling.

So to answer the question, kaya ko magpahinga sa trabaho pero hindi sa pagiging nanay. Walang pahinga 'ron. Alam yan ng lahat ng nanay. Kasama ko sila ngayon, Isang linggo (5 working days, saka Sabado at Linggo). Si Sir_Ko naman ang kasama ko sa Lunes na heroes day holiday. Kasama ko ang aking super hero. Good deal na rin.

Salamat sa sore eyes, at sa medical profession, at sa family ko, at sa employer, at bosses, at work team mates, at sa gubyerno na nagpauso ng mga long weekend holiday para hindi maisip ng working class na magrebolusyon sa tuwing may time. Konting ganansya para sa ninanakaw na buwis sa atin kada sahod. Napansin mo ba na ang tax na kinakaltas sa iyo ay halos 1/3 or 1/4 ng dapat mong kinita kada kukubra ka ng suweldo? 

Image Source