Nuffnang

Pages - Menu

Monday, August 24, 2015

No Offense But....

Noong nakaraang linggo ay naranasan kong magtrabaho ng apat na magkakasunod na araw na mag-isa. Sa bahay. Mag-isa. Tumatayo ako para lang pumunta sa banyo, kumuha ng tubig, kumuha ng pagkain, magbalik ng pinagkainan sa kusina, mag-unat. Isang break time lang ako buong shift. Marami akong nagawa. Masaya ako. Payapa. Productive (ano iyan sa tagalog?). Hindi ko kainailangang magsuot ng bra, slacks, blouse at sapatos. Hindi ako nagsusuklay. Hindi ako naglalagay ng hair gel. Pero ha, naliligo naman ako sa simula o dulo ng araw kasi mainit, kung malamig puwede sigurong three days na bohemian scent sa akin. Again. Masaya ako. Payapa. Productive (ano ulit iyan sa tagalog? Kapaki-pakinabang?).

This is not a criticism against anyone or anything. This is just who I truly am, if given the chance. I don't crave companionship. Nami-miss ko si Sir_Ko, ilang kaibigan, ilang kamag-anak. Pero hindi lahat. Don't get me wrong. Kaya ko yung super happy hormones demands ng socialization in the workplace. Kayang kayang kaya ko iyon. I am proud na lahat ng professional interactions ko ay professional (redundant no?), mutually fruitful at sincere (uso kaya ang tupperware parties kahit saan, mga kaplastikan na umaatikabo). Hindi ko ugaling magpa-sweet pero lumalabas iyon kapag kailangan. Saka bayad, siyempre. Saka I think, sweet naman talaga ako. Just like ham.

Iyun lang naman. Napapangiti lang ako kapag naalala ko ang sweet encounter with solitude in the "workplace." Sana puwedeng ganun kahit wala akong sakit.

1 comment :

  1. Buti ate may ganyan po sa company nyo. Sana dito din samen haha #asa. I am an introvert since my younger days. Mas masaya ako na kami-kami lang ng dalawang boylet ko sa bahay. The very reason why I wanted to pursue being self-employed haha. Saka kahit san ka magpunta na company, kupal everywhere. Kaya yun. Hahaha.

    ReplyDelete

Yum-ment!