Eeengggg!!! Viral sore eyes. Labas na ang hatol. Isolation for two weeks. Buti na lang puwede akong mag-work from home kasi kung hindi, kayang kaya kong itaas ang sore eyes alert level ng Pilipinas sa todo much. Epidemya. Babaha ng muta at iritableng mga tao sa kalakhang Maynila.
Nadale ang pamangkin ko ng virus sa eskwela. Tapos pasa-pasa na kami. Pass the message at ang key words ay... magmumukha kang bilasang isda na drug addict.
So yes, no physical, personal, social contact for two weeks. Kulong ako sa bahay. Ang saya sana nito kaso namimiss ko na si Sir_Ko (siyempre yung mga bata forever miss ko pero with or without red eyes e ganun naman talaga ang sumpa). Sa maniwala kayo at sa hindi ay para kaming nag-divorce. Hiwalay kami ng kuwarto kasi ang dami niyang deadline ngayon sa trabaho, bawal siya mahawa. I don't know how long I can last. Kahit naman 3-4 hours lang kami magkatabi matulog kapag weekday e namimiss ko talaga ang amoy niya. Baka chance na namin ito mag-roleplay. Naka-blindfold ako at sinasaktan niya ako kasi inubos ko ang lahat ng pagkain sa ref. At lagi akong naka-blindfold para hindi ko makita ang iba pang pagkain. Ibebenta ko siguro sa kanya ang concept.
Public warning. Uso raw. Kapag viral gaya ng sa akin, may kasama pang ubo at sipon.
Public warning din ulit. Ang mahal magpagawa ng medical certificate. Hindi raw covered ng Intellicare ang paggawa ng dokumentong ito. 200 pesoses! Dapat ipalaminate ko ito. Siguro mahal din kasi ang doctor na tumingin sa akin ay celebrity. Si L. Ching! Ok, doc. I will apply the meds but remember. Amin ang Spratlys. Huwag kang ano. Eeengggg!!!
Tuesday, August 18, 2015
Patay Kang Biik Ka!
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!