Nuffnang

Pages - Menu

Friday, October 09, 2015

Umasal ng naaayon sa lugar

Masama ang paninigarilyo. Walang duda. Pero kung ayaw po nating mausukan, huwag po tayong tumambay sa SMOKING area. At huwag na huwag nating titingnan nang masama at kukunutan ng noo ang mga nananahimik na nagsusunog ng baga dahil para naman sa kanila ang smoking area diba?



Tuesday, October 06, 2015

Email Me Maybe

Hindi ko alam kung bakit naimbento ang email. Aralin ko pag meron akong panahon. Pero sa trabaho, alam ko kung bakit may email. Kasi hindi tayo sindikato. Hindi rin tayo palengke. At lalong hindi lang tayo magkapitbahay.

Kailangang nasusulat ang lahat ng galaw at desisyon. Yung mga meeting at usapan sa personal o telepono, nilalagay din nga ang summary sa email para maging official ang mga bagay. Walang ganun sa sindikato para walang ebidensiya. Sa panahong wala pang email, I think nilalagay yun sa papel. At sa panahong wala pang papel, wala pang kumpanya. Ang smart ko lang, naisip ko pa yun.

Napakaraming tips at guidelines sa nararapat na paraan ng pakikitungo gamit ang email medium. Nakakatuwa at nakakatawa kapag may sumasablay. Nakakatakot kapag may nagwawala sa email. Parang nasisiraan ng bait at nakahanap ng bagong laruan ang mga ganyang tao. At nakakabuwisit most of the time.

Sa ilang taong pagtatrabaho at paggamit ng email, may tatlo akong pet peeve.

Una, siyempre yung magaspang ang laman at tono. In summary, tarantado. Yung mga Bullshit Artist sa corporate environment, ito ang nagpapasikat sa kanila. Lalo kung walang pumapatol. Ang variation nito yung mga taong ang husay sa email pero hindi naman nagtatrabaho sa totoong buhay - management by email ang tawag ko rito at may variation na rin ito na management by Facebook. Kay huhusay mag-post ng happy happy-joy-joy-I-love-my-job-and-my-employees pero nganga sa trabaho.

Pangalawa, yung hindi nagbabasa ng email tapos hindi makakasagot (at ikaw pa rin ang may kasalanan) o kaya uubusin ang oras mo kakapaliwanag at kakaisip ng maayos na paraan para sabihing, scroll down naman diyan. Yung una, uso yan sa mga matataas na tao. Kaya kailangan magpa-meeting lagi kasi hindi nagbabasa. May boss ako dati na lagi akong pinapaalalahanan na pagkasend ng email ay puntahan ko ang mga tao na kailangang sumagot kasi hindi sila nagbabasa ng email. Dahil gago rin ako at bata pa noon, binibiro ko siya lagi. Sabi ko, kung ganun pala baka dapat wala na lang silang email account. Sayang lang ang pera na ginagastos ng kumpanya sa maintenance at storage allocation ng mailbox nila.

Pangatlo, yung mga taong ayaw mag-email. Tinatrato ka na parang corrupt government employee, dadaanin sa under the table. Napansin ko na may mga ganitong tao rin dahil gusto nila bulyawan ka muna sa totoong buhay para walang ebidensya tapos kapag nag-orgasm na sila sa kanilang (evil) need to feel powerful ay saka ilalagay sa email ang gusto nilang mangyari. Hinahayaan lang mapagod ang ganitong mga tao, titigil din naman sila at mamamatay balang araw kaya hayaan na lang. Lahat tayo mamamatay balang araw kaya hayaan niyo lang din ako mag-post sa blog ko. At saka may mga ayaw din pala mag-email kasi lagi silang nagtatae. Dapat lahat now na, now na, now naaaa! Ayaw nila sa email queue ang request nila. Kung puwede lang kumandong sa iyo, kakandong talaga sila para unahin mo ang kailangan nila kasi sila ang mundo.

Sa tingin ko, hindi ko naman ito magiging mga pet peeve kung pinanganak ako at nagtrabaho na wala pang email. Nasanay lang talaga siguro ako. Pero salamat pa rin dahil nandito ako ngayon. Mababaliw siguro ako kapag lahat ng kailangang gawin e ilalapit sa iyo, live no satellite. Imagine, 1980s in Makati. Susmaryosep. Kaya siguro puwede pa magyosi noon sa mga opisina. Burat na burat lang ang mga tao sa walang humpay na chika.