Nuffnang

Friday, August 31, 2012

Writing Project: USOK


Gusto kong isulat ang mga kuwentuhan naming magkakaibigan. Lagi kong sinisimulan pero hindi ko natatapos.... ito pa lang ang meron ako.

USOK
Part 1

“Mga bakla, napansin niyo ba? Ang lungkot ng buhay ni Dora The Explorer.”

Marami akong tanong. Marami akong napapansin. Sabi ng iba, meron daw akong inquiring mind and wild imagination. Sabi ng mga kaibigan ko, sadya lang akong gago.

“Ano na naman yan tangina ka!”

Nanliliit ang singkit na mata ni Masikip nung sinabi niya yan. Suwerte ako sa kaibigan. Kahit ang lakas nilang magpaulan ng mura at panlalait, matiyaga naman silang makinig.

“Seryoso ako. Napansin niyo ba? Pabaya ang magulang ni Dora. Kung saan saan siya nakakarating pero walang sumusundo o sumisitsit man lang sa kanya para umuwi.” 

“Ay bakla may point ka dyan.” Segunda ni Dory. Utu-uto si Dory. Mapagpatol sa kahit ano. Siya si Dory kasi kahit sarili niyang statements, hindi niya masundan. Palagi siyang nawawala. Parang iyong kaibigan ni Nemo.

Sabi pa ni Dory, sa Child Psychology, karamihan sa mga batang kulang sa atensyon ay may attachment sa isang bagay – kumot, laruan, libro. Si Dora raw, ang “security blanket” niya ay ang kanyang bag. Kahit saan magpunta si Dora, may dalang knapsack.

“Taray! Ang talino ni Bakla!” Dahan dahang pumalakpak sai Madonna (parang kontrabida na nagsasabing magaling-magaling-magaling).

Dahil sa pambubuska ni Madonna, nawala na naman sa sarili si Dory. Natigilan at hindi na alam kung ano ang sinasabi. Dinuro-duro ni Dory si Madonna sa noo habang halos lumuwa ang nanlalaking mata.

“Ikaw putangina kang matanda ka!!!”

Oo, konti na lang 40 years old na si Madonna. Siya ang pinakamatanda sa amin pero siya ang may pinakasariwang  jowa… 18 years old. Kaya niyo yan? Anway, kapag ganito na ang takbo ng usapan – nauuwi na sa hampasan - ibig sabihin chance ko na. Kapag dumarami ang mura at lumalakas ang boses ng mga bakla, ibig sabihin puwede pa kong umabuso. At dahil Noranian ang dalawang bakla, dahan-dahan kong ikinwento ang aking pito-pito film concept. Alisto ako kasi kung di nila gusto ang marinig, puwede akong makatikim ng bulyaw. Mahirap na.

Gusto kong may gumawa ng pito-pito film na si Ate Guy ang gaganap na Dora. Siya si Dora Aunor. Kahit saan magpunta si Dora, gustong icheck ng mga parak ang bag niya. Minsan immigration at customs. Minsan FBI. Kung saan-saang panig ng mundo makakarating si Dora  sa pelikulang ito. Pero wala siyang ibang linya kundi “walang droga ritwooooh.” 

Iniintay ko ang sampal ni Dory pero walang dumating. Magandang senyales. Nagsimula siyang tumawa. Kita ang cerebellum ni Bakla sa bandang likod ng uvula. Satisfied.

Ay gusto ko yan! Gusto ko yan! Tapos yung si Boots, yung unggoy ni Dora, kay Ate Guy, orangutan! Mas malaki pa sa kanya yung orangutan at kabuntot niya kahit saan siya pumunta!

Umaarteng malikot na orangutan na si Madonna. Ramdam na ramdam ang excitement. Si Masikip, tahimik lang na humahagikhik sa isang sulok. Halinhinan ang tawa at iling ni Masikip.

“Mga putangina kayo! Hahahahaha!”

Halos isang oras naming pinaglaruan ang konsepto ni Dora Aunor.

Tapos na ang lunch break. Huling buga, isang mahabang hithit ng yosi tapos trabaho ulit. Waiting for the next break to come.

Thursday, August 30, 2012

When someone leaves

It's never easy losing people unless they practically begged for you to fire their sorry ass. In 10 years (and counting) of handling teams, every direct report's resignation is a big heartache sprinkled with well wishes and hopes that your paths will cross again.

Destiny sends people your way. There's always a reason behind each interaction. You may never know why, they say. However, when people are sent my way through work, I always look at it as a cosmic assignment. You see potential, you see greatness, you see beauty, you see kindness. How can you help nurture these gifts in 9-hour shifts?

You see potential, you see greatness, you see beauty, you see kindness. And then they leave (or I leave)... And I become a distant loyal follower (cheerleader!) of their lives. No complaints, only gratitude.

To K, with whom I "walked" the same trails in life and love, although in different times... You will be missed.

Blessed by Book Gods

I've been wanting to get a copy of this book for the past six years... ok fine, been waiting for anyone to give it to me as a gift too. Last night, I saw it on display in Books for Less (3/F RCBC Plaza). It glistened in the dark! This morning, I got it! I got it! I got! I'm the happiest wife today - for only PhP298.

I love the core concepts presented in this book. I love it so much, that I feel that it should be a required couple reading - before that one big step towards being a couple. Again, COUPLE READING. It should be read by both parties who wish to pursue a long-term fulfilling relationship.



"The 5 Love Languages® has helped countless couples identify practical and powerful ways to express love, simply by using the appropriate love language. Many husbands and wives who had spent years struggling through marriages they thought were loveless discovered one or both spouses had long been showing love through messages that weren’t getting through. By recognizing their different love languages, they witnessed the rebirth of the love they thought had been gone for good."

~read more about the book here


Bye Facebook

On Friday, I will officially deactivate my Facebook account. I've been receiving "knowing looks" and pregnant questions about this decision. Naks, parang artista lang. So here's my official statement.

Lima lang ang dahilan kung bakit ako nagi-internet. Una, para sa trabaho. Pangalawa, para mag-research. Pangatlo, para mag-blog. Pang-apat, para mag-email. Pang-lima, para mag-Facebook. Gusto kong bawasan ang dependency ko sa  internet at dahil hindi naman pwedeng bitiwan ang unang apat, doon muna ako sa posible. Dahil gusto ko. Yun lang.

Ayoko na mag-Facebook kasi nagkakasala ako (bahala na kayong mag-isip kung kanino) sa tuwing papasok ako sa parallel universe, na kung tawagin ay Facebook wall at network, ng kung sinu-sino. 


"ENVY - Like greed and lust, Envy (Latin, invidia) is characterized by an insatiable desire. Envy is similar to jealousy in that they both feel discontent towards someones traits, status, abilities, or rewards. The difference is the envious also desire that entity and covet it." - Wikipedia

Gusto ko mang isipin at pagsikapan na maging mature, tinatablan pa rin ako ng sakit na walang gamot. Inggit.  Naiinggit ako sa mga wedding/engagement pictures at videos. Naiinggit ako sa mga nilalanggam na shout out ng mga lalake para sa kanilang mga karelasyon. Naiinggit ako sa mga babaeng hindi kailangang magtrabaho at kayang mag-full time nanay. Naiinggit ako sa mga babaeng sexy. Naiinggit ako sa mga maganda ang buhok. Naiinggit ako sa mga nage-exercise. Naiinggit ako sa mga nakakapag-bake. Naiinggit ako sa mga pictures ng masayang family reunion. Naiinggit ako sa mga buntis. Naiinggit ako sa mga buntis na may baby shower. Naiinggit ako sa mag nagma-masters at Ph.D. Naiinggit ako sa mga nagtratrabaho sa NGO's or mass media. Sinusulat ko lang ito, napapagod na ako. FYI.

Wala naman akong sinisisi kundi ako. Kaya ako rin ang may hawak ng solusyon. Ang root cause, makuntento. Eh hindi ko pa kaya yan. Kaya lalayo na lang muna ako sa mga salita, imahe at video na nakakapangit sa akin.

Ayoko na mag-Facebook kasi halimaw siyang kumain ng oras.


"SLOTH - Sloth has also been defined as a failure to do things that one should do. By this definition, evil exists when good men fail to act." Wikipedia


Aaminin ko, maraming masasayang bagay, mga walang kuwenta at may kuwentang bagay, na nakikita sa Facebook. Ang oras na ginagamit ko sa Facebook ay gusto kong ilipat sa pagbabasa ng libro, pagluluto, pakikipaglaro sa anak ko, pakikipag-usap sa asawa ko (at sa mga halaman), pagyo-yoga, at kung anu-ano pa.

Ayoko na mag-Facebook kasi natutukso akong mag emotional leakage for cathartic reasons.

Mas gusto kong nagsusulat kaysa nagsasalita. Dahil diyan, pag meron akong dinaramdam, malakas ang tukso na mag-shout out. Dahil ka-network ko ang mga kasama ko sa trabaho, mga di masyadong ka-close, mga dating kaklase na hindi na nakikita, mga kamag-anak... hindi puwedeng bara-bara ang ekspresyon. Hanggat hindi nalilinaw ang batas tungkol sa freedom of expression sa Facebook wall, hanggat pinagtatalunan pa kung may karapatan ang employers na parusahan ang mga nagsusulat ng hindi maganda tungkol sa trabaho/ka-trabaho, hanggat sinasabi ng professionalism na huwag maging negative in public, ayokong sumugal. Opresyon much? Ayoko rin 'non. Sabi, pwede namang ayusin ang account settings para pili ang makakabasa ng sinusulat. Ayoko nga. Uubos na naman yan ng oras.

Meron ding maliliit na dahilan:

  • Nabubuwisit ako sa mga games and applications request. 
  • Tumataas ang presyon ko sa "like" culture. Kahit ano na lang, nila-like.
  • Gusto kong hiritan ang mga salbahe na nagkukunwaring mabait.
  • Gusto kong i-out ang mga baklang nanggagamit ng babae para hindi mahuli.  
  • Gusto kong awayin ang mga kabit.
  • Gusto kong pagalitan ang mga salbaheng boyfriend/girlfriend. 
  • Gusto kong laitin ang mga ayaw mag-trabaho pero sa Facebook na nakatira. May panggastos sa internet, walang pambili ng pagkain.
  • Gusto kong "ilibing nga buhay ang mga pa-sosyal"
  • Gusto kong bulyawan ang mga pasimple (pero sa akin obvious) na kumakarir sa asawa ko
  • Natatakot ako sa mga picture ni Jesus na dapat ko raw i-share kung naniniwala ako sa kanya
  • Naniniwala ako sa kanya, pero gusto ko ring maging cool paminsan-minsan. Sana hindi ako pinupwersa mag-shout out ng bible verses. Mahal ko siya, pero akin na lang iyon.
  • Yes, I hate Timeline too.

Marami pa. At hindi ko kinukundena ang mga may tibay ng loob na sumabay sa agos ng Facebook. Sadyang hindi lang ito para sa akin.

My FB page... Paalam.