We met "Jong" 12 years ago. Ang tawag namin sa kanya ay Master Allan Dyowns. Master, kasi para sa amin, siya ang master of coolness. Naaalala ko pa, isang Friday presswork, inuwi namin sa Kule office ang "TO BATASAN" street sign na nadaanan namin somewhere along University Avenue. Siya ang may bitbit. Naalala ko rin na noong huling UP Fair namin (sa UP at sa Kule), nalasing si Master Allan. Pagulong gulong na siya sa fair grounds at nung nagsimula ang fireworks display, tinawag niya ako at sinabing --- bili mo ko nun! Sabay turo sa mga kuwitis.
Marami pang cool moments si Master Allan. Pero alam ko na, noon pa, na kahit cool, romantic siyang tao... at hindi ko na isusulat kung bakit. Haha! Anyways, sa 12 taon na kung sino-sino na ang kinasal, lagi naming naiisip si Master Allan. Kailan kaya siya ikakasal? Ikakasal kaya siya? Magiging rockstar ba siya? Kaya noong nabalitaan namin sa Facebook ang paparating niyang kasal, halos magtatalon kami sa tuwa. Oh yes! Ikakasal na si Master Allan! Kahit malayo, kahit saan, pupunta kami!
Siyempre pa, curious kami sa kung sinong magiging bride ni Master Allan. Ang alam lang namin, bilang delingkwente kami sa pag-attend sa mga Kule meet-ups (this year, magbabago na kami!), doktora raw si Jill. Mabait na pedia sa UDMC. Sana makachika pa namin siya balang araw.
Sigurado akong inlababo si Master Allan kay Jill. Hindi ako makapaniwalang si Master Allan ay nagpa-kumpil, nagpa-pre nup photo op, nagpakasal sa simbahan, etc., etc., etc., akalain niyo, nagsayaw pa sila sa reception! Pag-ibig! Yes!
All things bright and beautiful. Yan ang naiisip kong best summary ng wedding ni Master Allan and Mistress Jill.
Next stop, the best wedding invite I've ever seen!