Nung nakita ko itong restaurant na ito sa Cubao, nag-anxiety attack ako. Kung halimbawang gusto kong mag-ayang dito kumain tapos itetext ko o tatawagan ang inaaya ko, paano ko sasabihin kung saan? Kung naliligaw ako at dito sumilong, saan ako susunduin?
Kunsabagay, marami naman itong katabing tindahan. Mahahanap din naman ako sa ibang paraan. Siguro hindi lang kaya ng Filipino brain ko na makakita ng Japanese characters ng ganun-ganun lang. Nanahimik ako e.
Saturday, January 09, 2016
Friday, January 08, 2016
Rainforest ng Christmas Tree
Sayang talaga at walang pangalan ang tindahan na ito na nasa bituka ng Ali Mall sa Cubao. Baka akala niyo imagination ko lang. Pangako. Totoo ito kahit mukhang engkantasya. Ang saya diba?
Thursday, January 07, 2016
Naughty Santa
Wednesday, January 06, 2016
YLSNE: Bagong Kaalaman
Inamoy ko ang sapatos ng boss ko kanina.
Hindi pala magandang basahin ang sentence na iyon. Medyo nakakadiri na nakakatakot isipin kung paanong lumapit ang ilong ko sa sapatos ng iba. Pero pramis, may dunong ang karanasang ito.
Nalaman ko na may sapatos pala na scented. Amoy bubble gum o kaya yung mga pambura na hugis strawberry na nauso nung bata pa tayo. Manghang-mangha naman ako talaga. Melissa Shoes daw ang tawag dun. Mamahalin.

May isa pa akong natutunan today. Kilala niyo ba si Josefa Llanes Escoda? Ito siya.
Tuesday, January 05, 2016
My Gifts Are Late
Ito ang sumalubong sa akin sa trabaho matapos ang dalawang linggong bakasyon. Susmaryosep. Kailan ba ako makakapamili ng pangregalo? Hiyang hiya ang pagkatao ko.
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)