Nung una kong narinig yung "adult coloring book," ang akala ko lantaran na ang kahalayan sa Pilipinas. Pati mga nanay, tiyahin, lola, lahat gumagamit e. Pero hindi pala hentai yung tinutukoy. Pa-sweet lang na mga coloring book na sobrang sinsin at pino ng mga disensyo.
Gusto ko rin ng adult coloring book pero hindi ako nangangahas bumili kasi may problema ako sa pagme-maintain ng hobby. Sayang lang. Pero kung libre, aba e di masaya.
Nag-install ako ng "Color Therapy" app sa telepono ko at talaga namang naligayan. Ito ang mga nakulayan ko.
Kaso, pagkatapos nito, pinabibili na ako ng kung anu-ano. E di ayawan na. Dapat may batas na nagrerequire sa app developers na sabihin agad kung hanggang saan lang ang libre e. Sayang ang oras at pag-ibig ko. Sayang talaga. Akala ko tayo na forever.
Yun lang.