Pagdating sa isla, maraming mga cottage na nakalinya sa shoreline. Walang resort, hotel o kahit anong pwedeng tirhan ng mga namamasyal. Sana hindi umabot sa ganun, para di naman malosyang gaya ng White Beach, Puerto Galera.
May libreng tanghalian na ang mga Honday Bay Tour package (sample food porn here). Pero marami pa ring nagkalat na nagtitinda ng mga lamang dagat, kasama ang sea urchin!
Sea Urchin, 3 for P50 or P20 each |
Kinailangan kong tanungin kung aling parte ang pwedeng kainin. |
Mga dilaw na bahagi lang daw ang pwedeng kainin. Lasang aligi ng alimasag. |
Sa Pandan Island, snorkeling at fish feeding ang kadalasang ginagawa ng mga utaw. Kung kagaya namin kayo na hindi very good sa swimming, hindi advisable ang magtampisaw na parang first time lang nakalublob sa dagat. Mabilis lumalim ang tubig... tipong hanggang baywang pero pag lumakad ka pa ng mga limang hakbang, lubog ka na (pwedeng ako lang ito dahil pandak ako).
Wala kaming nakitang kakaiba sa snorkeling kundi isang malaking baul. Hindi naman namin nakunan ng litrato dahil wala kaming underwater camera at wala namang kasyang waterproof case para kay Gyper.
May markers kung hanggang saan lang pwedeng maglangoy. |
We therefore conclude na ang Pandan Island ay para lang talaga sa tambay at sunbathing. Gusto naming subukan ang kayaking pero malakas ang alon, suspended ang pag-arkila ng mga kayaking boats (P100 per hour).