Nuffnang

Pages - Menu

Thursday, July 21, 2016

Amenimo Makezu (Unbeaten by Rain)

Heard this from a poetry reading session at work, earlier this year. A colleague, a Japanese national, read this to us in her native tongue and provided printed copies of the English translation. I kept the handout in my in-out tray. Every once in a while, on challenging days, I would read the poem and find comfort and inspiration. I am starting to pack my stuff to move to a new home at work. I am not bringing the sheet of paper with me. Because, "Such a person I want to be." Light, uncluttered, open and true. On my desk and on everything else.

Amenimo Makezu (Unbeaten by Rain)
by Kenji Miyazawa

Unbeaten by rain
Unbeaten by wind
Unbowed by the snow and the summer heat
Strong in body

Free from greed
Without any anger
Always serene 

With a handful of brown rice a day
Miso and a small amount of vegetables suffice

Whatever happens 
Consider yourself last, always put others first
Understand from your observation and experience
Never lose sight of these things

In the shadows of the pine groves in the fields
Live modestly under a thatched roof

In the East, if there is a sick child
Go there and take care of him
In the West, if there is an exhausted mother
Go there and relieve her of her burden
In the South, if there is a man near death
Go there and comfort him, tell him “Don’t be afraid”
In the North, if there is an argument and a legal dispute
Go there and persuade them it’s not worth it

In a drought, shed tears 
In a cold summer, carry on 
Even with a sense of loss

Being called a fool 
Being neither praised nor a burden

Such a person I want to be

Wednesday, July 20, 2016

Surprise Me Much?


Hindi naman sa feelingera ako pero malakas ang hinala ko na may hinahandang surpresa para sa akin ang mga team mate prendships ko. Parang naulinigan ko, may videoke raw saka spa activities. Hindi pala nila alam na ayokong minamasahe ako ng ibang tao. Kasi, sabi nga ng isang mamahaling commercial para sa mamahaling retoke services, "Only Sir_Ko touches my skin, who touches yours?"

Walang nagbabasa ng blog ko pero gusto ko silang tulungan. Kung gusto akong i-quicky surprise (hindi overnight), ito ang mga ganap na ikatutuwa ko nang bonggang bongga.

- Tambay sa Conspiracy Bar, lalo pa kung sakto na may poetry reading at ang tema ay ang paborito kong topic: pag-ibig na wagas at hindi kumukupas.
- Isang masaganang kainan sa Dampa kung saan lahat ay kakain ng maraming kanin.
- Tambay sa coffee shop pero walang masyadong human interaction. May laptop ang lahat, solid ang internet connection, tapos magbo-blog ako hanggang hingalin sa tuwa.
- Manood ng play. Dapat sa PETA o kaya sa CCP at dapat din ay hindi english.
- Umattend ng yoga class. 2 hours please. Huwag Bikram, mamamatay ako.
- Magpa-tarot reading.
- I-sponsor kami ni Sir_Ko ng romantic date. 
At higit sa lahat...
- Maupo lang kahit saan. Mag-kuwentuhan. Magkakilala ulit. Para may baunin akong payapa at masayang alaala sa napipinto naming paghihiwalay. Halos tatlong taon ko rin silang kasama ng 12-14 hours a day, 5 days a week. Kahit paano, mangungulila din ako.

Tuesday, July 19, 2016

Vilatra Engkanakepuh - Part 1

Ang Vilatra Engkanakepuh ay isang nobela/dula/komiks na bunga ng intellectual orgy naming magkakaibigan noong 2008. Hindi namin sinubukang isulat siya kasi natatakot kami na magwarla ang mga komunidad na magagalit kung hindi sila marunong mag-have fun sa mga konseptong hindi normal na pinag-uusapan. Kaya lang, lagi niya akong dinadalaw. Ayaw niya akong patahimikin kaya sige, susubukan ko na rin. Siguro rin, sadyang namimiss ko lang nang husto ang mga kaibigan ko kaya ganun. Hindi ako mangangakong may mga kasunod pa ito. Abangan na lang.

Si Vilatra ay ang makabagong superhero ng mga malabong pangangailangan. Si Dindin siya sa tunay na buhay, ulila sa ina, at kaisa-isang anak ni Mang Dondon, kilalang sugarol sa Baranggay Tulyahan. Pinagsikapang palakihin ni Mang Dondon si Dindin sa sipag at tiyaga. Dugo at pawis ang puhunan niya sa tong-its para may maipakain sa anak. Kapag holiday sa sugalan, suma-sideline si Mang Dondon sa tahungan kaya kinalakihan na ni Vilatra ang hapag kainan na mas masagana pa ang tahong kaysa sa kanin. Paborito niya talaga ang tahong. May sabaw o wala, gustong gusto niya itong kainin.

Noong minsang papauwi si Dindin galing sa pag-aani ng tahong, nadaanan niya ang isang matandang babae na tinatapat ang tumbong sa mga nakaparadang bus. Kakaiba man ang trip ng matanda, wala ng nag-abalang sawayin siya kasi nandun ang Bayan ni Juan sa bus terminal nung mga oras na iyon. Mahaba na ang pila para sa "bring me game." Ang pinabibitbit nung araw na iyon ay stool sample sa garapon. Dapat daw maligamgam kasi kung hindi, disqualified ka. Buti naman may disiplina ang lahat. Natakot si Dindin na kung magkagulo ay maghahalo ang balat sa nataehan.

Nilapitan ni Dindin ang matanda at tinanong. "Anong ginagawa mo nay?" Simple ang nakuha niyang sagot. "Eh di nagte-twerk." Napakunot ang noo ni Dindin. Kinalkula niyang mabuti yung mga nakikita niya sa TV kumpara sa ginagawa nung lola. "May problema ba iha?"

"E nay, nakatuwad ka lang nang slight. Nakatapat lang ang puwet mo sa tambutso. Asan ang twerking diyan?"

"It's all in the mind. Pawis na pawis na nga ako sa isip ko o."

Bigla na lang nahimatay ang matanda. Natakot si Dindin. Para kasing tinatakasan na ng buhay ang matanda. Niyugyog niya nang niyugyog ang lola. "Nay! Nay! Nay!!!". Ginalugad ni Dindin ang dala niyang plastic bag. Hindi niya alam kung anong hinahanap niya pero parang may ideya siya na dapat painumin ng tubig ang nahihimatay. Sumabog ang laman ng plastic bag sa lupa. Puro tahong. Binilisan ni Dindin ang pagiisip ng solusyon. Pumitas siya ng isang tahong, dinai-daiti ang daliri dun sa kuntil sa gitna. Ayun, patak ng tubig! Tinapat niya ang tahong sa bibig ng wala pa ring malay na matanda. Mga naka-sampung dinaliring tahong bago nahimasmasan ang matanda.

"Shit. Dapat talaga nag-zumba na lang ako, hindi pa malakas ang core ko para sa twerking."

"Ayos ka na ba nay? Grabe naman ang pag-twerk mo sa isip mo. Nahimatay ka tuloy."

Dumukot ang matanda ng isang malaking talong mula sa kanyang bra. "Dindin, napakubuti ng iyong kalooban. Ikaw ang karapat dapat na magmay-ari nito."

"Nay, tahong po ang paborito ko hindi talong. Aanhin ko po yan?"

"Isusubo mo ito. Kapag sumayad ang talong sa iyong lalamunan, mapapasaiyo ang kapangyarihan ng lahat ng kababaihan sa buong universe."

"Magiging Ms. Universe ako?"

"Huwag kang masyadong ano. May height requirement yun. Kabisaduhin mo itong dalawang salitang ito. Isigaw mo bago mo isubo ang talong."

Inabot ng matanda ang palara galing sa isang lumang kaha ng yosi kay Dindin. May nakasulat nga na parang lettering sa lumang bote ng San Miguel Beer.































"Nay, kapampangan ka pala. Anong ibig sabihin ng ENGKANAKEPUH?"

Nagulat si Dindin dahil wala na ang kausap niya.

Itutuloy pag may time...

*Nandito ang Part 2

Dirty Thoughts

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na tumawa nang malakas kapag may naduduwal sa banyo dahil sa bugso ng damdamin sa pagsesepilyo. Alam mong napasobra ang paglilinis ng dila at halos pati tonsils nakayod na kapag narinig mo ang "kharkkk" tapos uubo tapos halos maduwal tapos "kharrkkk" nang paulit-ulit. Alam ko masakit yun kasi lahat naman yata tayo naranasan na ang ganun pero kapag inuulit-ulit, gusto kong lapitan at sabihan ng "ayan sige pa, ulitin mo pa" tapos tatawa lang ako nang tatawa hanggang magsuka siya. Tapos sasabihin ko, "ano isa pa?" tapos ituturo ko siya at tatawa ulit ako nang tatawa.

Oo na, masama akong tao. Pero kasi tandaan natin na ang sabi ay brush your teeth three times a day. Teeth, people. Hindi tonsils.




Monday, July 18, 2016

Basa Na Naman Ako

Grabe ang patak ng ulan nung nakaraang Huwebes. Parang dura ng kapreng may ubo. Dahil naglalakad lang ako papasok sa trabaho, basang basa ako sa ulan. Walang masisilungan. Walang makakapitan. SInubukan kong sumilong sa mga nadaanang building kaso hindi ba ako mapakali na nakatayo lang at naghihintay sa wala. Ayun, sumige ako nang lakad.






































Kahit hindi ako takot mabasa, ang bag ko pala ay tinatablan din. Patapos na ang araw ko sa opisina nung napansin kong basa lahat ng gamit ko. Sinasalansan ko silang lahat sa may lamesa malapit sa upuan ko. At dahil alam kong aabutin pa ng kinabukasan bago matuyo ang mga kawawang papel at tela, nag-iwan na lang ako ng sulat para sa mga masigasig naming ate at kuya.

Nalungkot lang ako kasi di naman sila sumagot. Bakit ba kapag sumusulat ako sa mga tao walang sumasagot? #hugot

Sunday, July 17, 2016

#mychangeiscoming


No haze
No regrets
No Facebook
No dehydration
No sleep deprivation
No senseless comparisons
No intellectual and social constipation