Nuffnang

Tuesday, July 19, 2016

Dirty Thoughts

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na tumawa nang malakas kapag may naduduwal sa banyo dahil sa bugso ng damdamin sa pagsesepilyo. Alam mong napasobra ang paglilinis ng dila at halos pati tonsils nakayod na kapag narinig mo ang "kharkkk" tapos uubo tapos halos maduwal tapos "kharrkkk" nang paulit-ulit. Alam ko masakit yun kasi lahat naman yata tayo naranasan na ang ganun pero kapag inuulit-ulit, gusto kong lapitan at sabihan ng "ayan sige pa, ulitin mo pa" tapos tatawa lang ako nang tatawa hanggang magsuka siya. Tapos sasabihin ko, "ano isa pa?" tapos ituturo ko siya at tatawa ulit ako nang tatawa.

Oo na, masama akong tao. Pero kasi tandaan natin na ang sabi ay brush your teeth three times a day. Teeth, people. Hindi tonsils.




1 comment :

  1. "Alam mong napasobra ang paglilinis ng dila at halos pati tonsils nakayod na kapag narinig mo ang "kharkkk" tapos uubo tapos halos maduwal tapos "kharrkkk" nang paulit-ulit."
    Ginagawa ko rin yan. Tapos matatawa ako sa sarili ko pag naluluha na pagkatapos ng sangkaterbang "kharkkk".

    ReplyDelete

Yum-ment!