Nuffnang

Pages - Menu

Monday, September 07, 2015

Over Write

May kinakarir akong project outside of work (plus work) kaya medyo lang pigang piga ang lola niyo. Hindi naman sa natutuyuan na ako ng isusulat. Ang dami kong ngang gusto isulat e, kaso walang oras. Kung meron lang extra na oras at hindi ko kailangang matulog, ito dapat ang mga posts ko:

1. Yung nangyaring nationwide tantrums ng Iglesya Ni Kristo na nagdulot ng perwisyo sa maraming tao. At saka kung bakit kapag aktibista ang nag-exercise ng right to peaceful assembly pero wala silang permit e winawater canon sila pero nung mga INC members ang nag-decide na kewl yung bumara sila sa Edsa e walang nangyaring pangtataboy mula sa local government units involved.
2. Yung #ALDUB phenomenon. I'm hooked pero hindi sa love story nila. Yung performance ng mga lola ang talagang inaabangan ko. Napakahusay nung tatlo. I want to watch them all day.
3. Duterte for president. Why and how it could work.
4. Mga bagong #1001NannyChallenges stories. May yaya na kami, dalawa. Yung isa, may kusa. May kusang magdecide na magpagupit ng buhok at mag-shopping ng beauty products niya on a weekday. Hindi niya day off ha. Naisip niya lang na puwede iyon. Yung isa naman, maagap. Wala pa ngang tatlong linggo sa amin ay maagap na sa pag-cash advance. Pero at least, may yaya pa kami (fingers crossed) kahit naga-away sila at dinadamay sa kanilang mga kabuwisitan sa buhay ang nanay at tatay ko.
5. Kung paanong nahahawa sa kuto. Nakakalipad ba sila?
6. Si Bossing at ang kanyang recent engagement kay Pauleen Luna.
7. Bakit parang napakahalay ng mga pumupunta sa blog ko ayon sa keyword referrals ng blog stats (ex. "susong bilog" just because may post ako about a big snail on the road akala yata may posts ako tungkol sa dede ng babae).
8. Tanggapin na natin ang --- etcetera kasi marami talaga

I feel so deprived na hindi ako makasulat sa blog ngayon. Pero hindi naman din ako choosy. At least may ginagawa. See you whenever. Sana soon!