Dalawa na raw ang Firefly watching sites sa Puerto Princesa. Isa sa Iwahig (mas maganda pa sabi ng marami) at isa sa magrove swamp. For PhP 1,100 per head, sulit na sulit ang tanawing hindi mo na makikita pa forever sa Maynila. Ang mga alitaptap daw kasi ay umiilaw lang na parang nasa COD (so old!) kapag malinis ang hangin. May magic tricks din ang tour guide. Synchronized blinking ang nagiging favorite sports ng mga alitaptap kapag sinisinagan sila ng pulang ilaw. Akala raw nila may kaaway kaya sinusubukan nilang magmukhang malaki sa pamamagitan ng pagkutitap on the count of... wait meron kayang cheerleader firefly na nagbibilang?
Baywalk view from the ocean |
Mula sa baywalk, ang mga turista ay sasakay ng motor boat for 20 mins hanggang makarating sa malapit sa bukana ng mangrove (bakawan sa Filipino) swamp. Pagkatapos ng motor boat ride, sasakay naman ng mas maliit pang motor boat (max. 12 people kasama bangkero at tour guide) para pumasok sa Firefly community.
Magical. Yun lang ang pwedeng sabihin. Sa ilalim ng full moon at mala-Christmas trees na mangrove dahil sa libo-libong alitaptap, at sa simoy ng manamis-namis at malamig na hangin, ayaw mo ng umuwi. Ayaw mo ng makipag-away. Gusto mong bumait.
Pagkatapos ng 45-minute tour, balik sa motor boat for free dinner. Nakaparada ang bangka sa dagat, dim lights. Eto ang lafang sa mga malilit na mesang sine-set up sa katig ng bangka.
Firefly Watching
01/17/2013 7:30PM
Puerto Princesa, Palawan
|
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!