Nuffnang

Pages - Menu

Wednesday, July 01, 2015

Breaking Up With FB

Mahirap pala talaga 'yang pakikipag-break na yan kapag ang dahilan ay falling out. Unang-una, pasakalye ka muna. Ito ang akin.

Effective Wednesday, 01-July-2015, 12AM MNL Time. Same goes for my inactive Instagram and Twitter accounts.
Bravely posting my contact details so we can keep in touch. If you'd like to PM yours, that's super fine.
Please don't text/message/call to sell: Weight loss products, Miracle drugs or whatevers, personal loan offers, whitening products (hate!), anything that will make me buy... but HEIGHT/Leg-length enhancers, lemme see. LEMME SEE!

I love cheesiness and corniness. Nursing a broken heart? Wondering if you'd rather exist without elbows vs without knees? Tired of people? Tired of being tired of people? Need someone to trash talk you for inspiration? I'm here. I'm interested.
Write me a letter. Send some poetry my way. Colors and sketches and photos and food and sights and anything that makes your heart flutter, has a room in mine. Oh, and free ebooks and online courses are much welcome too.

Mobile/Viber/Skype/Google Hangout: <leave a comment if you want it>
Email Address: <leave a comment if you want it>
Work: <leave a comment if you want it>


Tapos, hahanapin mo pa ang tamang pagkakataon at lugar. 12AM, July 1. Andun sa malinggit na "Security Settings" options. Halos ayaw magpakita sa iyo. Ang isa pang kakatuwa, wala silang isyu na mag-install ka sa cellphone mo pero kapag ayaw mo na, dapat sa web version ka (gaya rin ng Twitter at Instagram).














































Hindi pa yan diyan matatapos. May pangba-blackmail na magaganap. Hindi mo ba mami-miss ang ___. In this case, ibabalandra sa iyo mga profile ng kaibigan mo. Tapos may pagmamakaawang pagtatanong, bakit? Bakit ayaw mo na? Swak na swak lang talaga sa ganitong pagkakataon ang - "it's not you, it's me." Dahil iyon naman ang totoo.



Tapos, akala mo tapos na. Hindi pa. Sisinupin mo pa ang lahat ng alaala. Ilalagay sa isang kahon ang lahat ng abubot at depende sa kung gaano mo trip ang mag-drama, susunugin mo pa ang lahat ng gamit na natira. Buti na lang, apps lang sa telepono ang aasikasuhin ko.

Hindi na tayo pareho ng pananaw sa mundo, Facebook. Hahanapin ko pa ang aking sarili. At aalamin kong mabuti kung sa mahahanap kong mga bagong depinisyon ay may puwang pa para sa iyo. Kasi sa totoo lang, parang wala na. Wala na talaga.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!