Nuffnang

Pages - Menu

Monday, June 20, 2016

36 Things You Probably Didn't Know About Sherwin (Part 2)

My husband is a very private person. He has uncompromising standards when it comes to the details of his life that he is willing to share. He maintains a VIP security access list for all his stories. Because it is his birthday, I want to make him feel uncomfortable in the same way that surprise birthday cakes and blowing candles in public make both of us squirm in places where the extroverts' sun don't shine. Of course, this is only second to the fact that I think he is the most exquisite human being alive, he should be featured in Reddit's AMA. I sure do hope that Reddit reference prevents him from disowning me tomorrow.

Disclaimers: this is a mix of funny, yucky and cheesy trivia. He may or may not disagree with everything in the list. Also, I have given birth twice (CS Delivery) so where my memory fails me, feel free to register your disdain. Most important of all - if you are also a private person who feels that this is an inappropriate birthday gift, or if you are someone who makes remarks like "cheesy-ness overload" then stop reading and move on with your life.


36 Things You Probably Didn't Know About Sherwin (Part 2)
Part 1 is here

#16. Ang paborito niyang Pokemon ay si Pikachu. Naiyak nung namatay si Pikachu sa isang Pokemon battle (buti nabuhay ulit).

#17. Ang mga interests ni Sherwin: time travel, developments sa science and technology, world news, politics, economics, stocks, financial management, and recently, yung Sapakan Sa Ace Hardware.

#18. Mega crushes: Natalie Portman, Scarlett Johansonn, Miranda Kerr, Angelina Jolie. Ang ganda ko lang na napasama ako diyan sa listahan na yan.

#19. I really think na crush niya rin si Baron Geisler.

#20. Bago pa kami grumadweyt nung college marami na siyang article na na-publish sa Philippine Collegian (official student publication ng UP Diliman) at sa Today (police beat).

#21. Very willing tumulong si Sherwin sa pagluluto pero medyo nape-pressure akong maging scientific ang approach pag siya ang nakaharap sa kusina. Handa ka ng bawang. Ilang piraso? Mga kalahating ulo. Anong hiwa? Minced, thinly sliced? Ang sibuyas paano hihiwain? Yung kamatis? Cubes? Strips? Gaano karaming asin at paminta ang ilalagay? Ilang tablespoon ng toyo at suka? Ganyang level. Minsang nasa US ako, tumawag siya talaga para lang tanungin kung paano mag-tortang giniling.

#22. Gusto niya mag-travel. Sabi niya, kung hindi raw kami nagkatuluyan at wala siyang asawa, yun ang aatupagin niya sa buhay. Paborito niya ang “Lonely Planet” kasi nakakasilip siya sa mundo ng mga biyahe nang biyahe. So much, na ang second name na binigay niya kay Potling ay “Ianna,” after Ian Wright na host nung show.

#23. Meron kaming one international or two domestic trips per year na goal. Nakapag- Baguio, Boracay, Puerto Princesa na kami noon pero on hold muna ito habang maliit pa si Sopling at wala pa kaming perang pambiyahe.

#24. Biking ang gustong sport ni Sherwin. Nung binata pa siya, karay-karay siya ng tito niya sa pagba-bike sa Antipolo. Gusto niyang bumalik sa pagbibisekleta, bumili ng folding bike (nilibre na rin ako ng little red bike). Ang dream niya ay mag-bike papasok sa trabaho. Ginawa niya once, e walang kondisyon man lang, ayun nanginig ang tuhod for two days. Bwahaha!

#25. Hindi siya napapagod na kumustahin mga twice or four times a year kung peminista na ba ako ulit. Go figure.

#26. Hemingway ang istilo ni Sherwin sa pagkukuwento. Kumpleto ang detalye, kasama ang background ng mga characters, ingay, amoy, kulay ng paligid. Nagiging challenge ito para sa kanya at sa mga nakikinig lalo kapag sinusubukan niyang mag-joke. Una, natatawa siya agad sa sarili niyang kalokohan, halos kapusin sa hininga sa kakatawa. Pangalawa, ang haba ng pasakalye. Nung minsan, may Erap joke siya habang naghihiwa ng sibuyas si Mother Domeng. Tumigil si Mother sa ginagawa. Sa sobrang tagal ng build up, napahirit na ng “May itatagal pa ba ito?”

#27. He is the most supportive husband in the universe. Mapamaliit o higanteng desisyon, sakay na sakay niya. Gusto ko mag-digital design, binili ako ng tablet na pang-drawing. Nag-install ng Adobe Suite sa laptop sa bahay. Binili ako ng Speedo Goggles at swimming cap nung nire-revive ko ang swimming routine ko. Binili ako ng ticket para sa concert ni Madonna. Birthday niya pero nalito ako nung Sabado kung ako ba ang may birthday. Dinala ako sa Rak of Aegis. Siya rin ang unang nakakarinig at sumusuporta sa aking mga career decisions.

#28. He is my mother’s equal pagdating sa sarcastic and witty ways para pagalitan ako. Ayaw niya akong katabi pag amoy yosi ako. Sabi ko, naligo naman ako at nag-toothbbrush a. “Bakit natu-toothbrush mo ba ang baga mo?!?”

#29. Dati nagco-commute siya mula Caloocan hanggang Makati. Ang hinihiyaw daw ng isip niya sa gulo at dami ng tao ay: sana mag-civil war na!!!

#30. Masugid siyang contributor/editor sa Wikipedia. At paborito niyang tambayan ang Reddit.

#31. He is my personal editor and proofreader. Bilang hindi na ako talagang nagsusulat, nakakalimutan ko na ang mga batas diyan. Kaya kapag hindi ako sigurado sa tunog ng isang sentence, lagi kong ginagamit ang aking editorial lifeline – siya.

#32. Ay, magaling siyang tumakbo. Hindi hinihingal, chicken na chicken sa kanya. Hindi nga lang kami puwedeng mag-sabay. Sa haba ng legs niya, mga 3 steps ko, isang step niya lang yun.

#33. Speaking of takbo, our first near death experience together e nung may adik na humabol sa amin after our coverage ng libing ni Ka Popoy Lagman. Pinaulanan kami ng bato ng adik na yun at nung di makuntento, talagang nagkaroon ng chase scene.

#34. And our second near death experience ay sa isang bangka mula sa White Beach papuntang Batangas pier. Higante ang mga alon, akala talaga namin tataob kami. Sa isang private beach na lang kami binaba at nag-commute pa para makapunta sa sakayan ng bus.

#35. May utang pa ako sa kanyang Toblerone, all flavors, from year 2000. Naglalaro kami ng “pendong, kotseng kuba” at lagi siyang panalo. Wala akong balak bayaran yan.


#36. Nawawala yan sa katinuan kapag may nakitang ipis. Tama ang nanay niya, parang baka kung umatungal.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!