Nuffnang

Pages - Menu

Tuesday, November 03, 2015

In Memoriam

Hindi ko masyadong masakyan yung eksenang costumes kapag halloween. Aaminin ko na masaya yung may excuse para maglabas ng krungkrung, may mga gusto akong irampa na imahe kala niyo ba (ex. Jollibee, Sponge Bob, taong grasa, madre, gold fish, koi, fighting fish, Mulan, yung bida sa Brave, cheerleader, cellphone, laptop, cotton buds, stapler, lapis, kaldero, kawali, kaserola, takore, Ewoks, prinsesa, doktor, nurse, ipis, daga, jejemon, Sailor Moon, Pikachu and friends, Madonna from the 80s. Madonna from the 90s, Liz Lemon ng 30 Rock, etc.). Kaya lang may kurot sa puso yung nakikitang palayo tayo nang palayo sa kung ano tayo bilang isang nasyon. Hindi naman nagco-costume ang mga lola at lolo natin nung araw e. Anyways, wala namang magagawa. Let it go na lang. By the way, OA sa dami ng Elsa costumes na nagkalat sa mga mall at kahit saang lupalop ng Pilipinas for sure. Hindi ba nila alalm na mas madali at mas masayang gayahin yung Elsa ni Ate Guy sa Himala? Just saying.

Kung hindi man ako in sa pagco-costume at pamimigay ng candy kapag araw ng patay, bawing bawi naman ako sa tradisyon na pagsisindi ng kandila. Severe ang pagsunod ko sa tradisyon na ito. Seryoso. Kinakausap ko lahat ng namayapang kamag-anak at kaibigan bago magsindi ng kandila. Dati nagsisimula ako sa pag-aalay ng dasal para sa kapayapaan nila pero mula noong magkaroon ako ng asawa at mga anak, ang unang sinasabi ko agad sa kanila ay huwag muna akong sunduin. At huwag din yung mga mahal ko. Tapos saka ko na tinatanong ko kung kumusta sila. Siguro totoong nalalagay nga sila sa tahimik at payapa kasi kahit sinusubukan ko lang sila kontakin, napapayapa rin ang kalooban ko kahit may lungkot at pagka-miss (lalo na lately na mga kaedaran ko na ang nauuna). Special mention this year si Mama Cris. Paano darating na si Madonna next year, kinamatayan na niya ang paghihintay. Peace, Mama Cris!

Dahil wala kaming gate, garden o kahit anong espasyo sa labas ng pinto na puwedeng paglagyan ng kandila, kung saan-saan ko nilalagay ang aking pakulo. Nung matutulog na kami, sa lababo na lang para safe.

Nasaan ka man, kahit ano pa ang itsura mo nung weekend, sana hindi mo SILA nakalimutan kahit hindi nag-declare ng holiday ang gubyerno. Sabagay pang trick or treat din naman ang katatakutan na gastos nung summit nila. Lalo pa at alam mo na sa buwis mo yun kinuha.





























Ay one more thing. Kapitbahay ng aming global village ang sementeryo. Ito ang view mula sa elevator lobby. Palubog pa lang ang araw nito kaya medyo maliwanag pa. Kasing liwanag ng benta ng mga pabrika ng kandila. Pasesnya na at medyo malabo.



























No comments :

Post a Comment

Yum-ment!