Step 1: Mula sa town proper, bumiyahe ng dalawang oras papunta sa port area. Iabot na sa tour guide ang ID. Bawal ang kolorum na tao sa isang heritage site.
Step 2: Wait for your turn. Aasikasuhin ng tour guide ang mga papeles at ihahanap kayo ng bangka. Tumambay muna sa port area. Tumungaga, mamili ng mga bracelet, at kung anu-anong beach items. Maraming matabang aso. Masarap silang kalaro. Hindi rin bawal magpa-sweet.
Step 3: Sasakay na ng maliit na bangka papunta sa isla kung saan nandun ang tinatawag (haba nito) na Puerto Princesa Subterranean River National Park. 15-20 minutes ang byahe, depende sa lakas ng alon. Haha!
Step 4: Magpasalamat sa lahat ng pinagdasalan mong entities dahil nakarating ka na! Eto ang eksena.
Step 5: Makihalubilo sa mga residente ng isla. Huwag mo silang pakialaman. Tandaan, wild pa rin sila kahit tinubuan na ng konting social skills.
Step 6: Tingnan, ang laki ng aking balakang. Chos! Mula sa registration area, may maiksing lakad papunta sa main event!
Step 6: Tingnan, ang laki ng aking balakang. Chos! Mula sa registration area, may maiksing lakad papunta sa main event!
Step 7:Thiziziiit!!! Ang pinakahihintay na parte ng biyahe!
Bawal maligo rito. Kapag ready na ang safety gear, sakay na ng bangka! |
Step 8: Ang nangyayari sa tour ay makikita rito....
Step 9: Access very old memory images. Una nating nakita ang ganitong eksena noong tayo ay pinanganak - normal or CS delivery pa man yan. Metaphorical rebirth. Ang sarap.
Step 10: Alalahanin lahat ng nakita, naamoy at naramdaman. Igawa ng altar sa iyong church of happier places and times inside your head --- para maiwasang mambulyaw, manapak, manipa at magwala kapag sinusubok ng lungsod ang iyong kabutihan.
~ Puerto Princesa Subterranean River National Park Tour, January 18, 2013
Puerto Princesa Subterranean River National Park Tour includes all transportation requirements, entrance fees and lunch. Thanks to Ysabelle Mansion for offering package rates!
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!