Nuffnang

Saturday, August 15, 2015

The Other Yaya Is Angry Too... Must be the baby's "CREV"

Kung naalala niyo pa, nagkaroon kami ng dalawang yaya last week. Si Yaya Grace, nakipagsabong sa akin noong Lunes. Noong Huwebes naman, nakagisingan ko ang angry texts ni Yaya Glea.

Kung wala kang oras magbasa ng links, si Glea yung yaya na nag-aburido dahil ang gusto niyang day off ay Lunes, hindi Sabado at Linggo. Nagsabi siya na hindi uubra sa kanya ang ganun kaya nagrequest sa agency na papalitan siya. Ang sabi ng agency, ok lang yun basta antayin niya ang kapalit niya. Ang sabi ni Glea, hurry up guysh kasi may trabaho na raw siyang naghihintay. Kinabukasan, nakipag Face To Face sa nanay ko si Glea at Grace. Nauwi sa nagsipag-resign sila hora mismo.

Dahil sa nangyari, nagdesisyon ang ASONICS Employment Services na i-blacklist si Glea. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sinasadya o hindi, ang nagrehistro sa isip ni Glea e kami raw ang nagpa-blacklist sa kanya. At yan ang kwento sa mga makulay na text messages na ito.

Ayaw ni Glea nung naganap na photo op bago siya umalis ng agency.


Pero hindi rin naman siya 100% worried na blacklisted siya sa ASONICS. Hello!?! Ang dami kayang agency sa universe. At saka pamangkin siya ng konsehal at pinsan ng teacher na asawa ng seaman. Importante iyon.


Marami siyang sinabi. Hindi niya ring nakalimutang laitin ang bahay namin. Nangati raw siya.


















Dahil bagong gising ako ay malumanay kong sinagot ang mga text ni Glea. Bukod pa sa medyo kailangan ko pa ng Google translate para sa mga text niya.




























Pero hindi ko napigilang pumatol sa CREV. Alam niyo ba yung CREV? Nagpuputok ang butsi ni Glea kasi sinabi raw na sira ang CREV pero hindi naman pala.

























Medyo kinabahan ako ng slight sa tono ng pagbabanta ng Glea. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin. There is always a first time talaga ano? At dapat yata bumili na kami ng bagong "crev" dahil mukhang importante yun sa yaya ng makabagong panahon.


1 comment :

  1. Umalis na ba ito ate sa inyo? Hehe, nakakainis sya na nakakatawa dahil sa "crev".

    ReplyDelete

Yum-ment!