Nuffnang

Pages - Menu

Monday, August 10, 2015

Glea The Yaya Hopper

Wednesday noong ihatid si Glea ng Asonics Employment Services sa amin. Ilang taon na kaming nakikipag-sapalaran sa mga agency hires kaya medyo gamay na namin kung ano ang mga dapat tanungin at mga dapat sabihin. Halimbawa, kailangang itanong kung ok lang ba sa kanila ang wala silang sariling kuwarto. Kasi may mga yaya na nagtrabaho na sa mga shoshyal na household, shoshyal na rin sila. Kailangan ding ikuwento ang profile ng mga batang aalagaan kasi may karapatan din silang maging choosy. Nasabi naman namin lahat kay Glea. Ayus lang daw sa lahat ng napag-usapan. Eh di good.

Meron din kaming yaya orientation. Mahirap umasa sa common sense. We cannot leave anything to chance kumbaga. Hindi namin inakala noon na maiisip ng isang yaya na ok lang na tumambay ng hanggang 3AM sa piling ng iba pang mga yaya sa labas ng bahay. O na dapat palitan ang baong tubig ng alaga niya sa school. O na dapat ay bumula ang sabon at shampoo para masabing nasabon niya ang bata. O na dapat parte ng paghuhugas ng puwet ng batang dumumi ang pagsasabon. Mga ganung shet.

Nagulat kami nang uminit ang ulo at nagiba ang mukha ni Glea pagdating sa rest day. Ang kadalasang day off ng yaya galing sa agency ay 12 hours every two weeks. Kami ang bigay namin ay 27 hours every two weeks. Aalis ng Sabado ng 9AM at uuwi ng Linggo ng 12PM. Ang gusto raw ni Glea ay Lunes ang kanyang day off kasi may fina-follow up siya. May inaasikaso raw kasi na kung anuman na hindi na namin pinakialaman.

Hindi sa amin puwede ang Monday na day off. Kasi, hello? Empleyado kami pareho. Office jobs. May pasok ng Lunes. Kaya ang sabi namin ay paano ba yan? Hindi raw talaga puwede. For replacement na lang daw siya. Ok lang naman sana. At least nalaman namin nang maaga. Pero mas maigi sana kung sa phone interview pa lang sinabi na niya diba? Ang tapang nga niyang nagtanong tungkol sa Kasambahay Law pero yung day off requirement niya, itinago.

Papalitan naman siya ng Asonics Employment Services. Within this week daw. Sa amin daw muna si Glea hanggang dumating ang replacement yaya. Lumabas ang katotohanan. Sabi kasi ni Glea, inaantay daw kasi siya ng dati niyang amo. "Mas kampante po kasi ako ron." Sana raw bago mag August 24 ay sana may kapalit na siya kasi kung lumagpas sa August 24, hindi na siya kukunin. Aba e ang galing din naman pala talaga nitong si ate. Ginawa kaming hobby, pampalipas oras habang naghihintay ng trabaho.

Hindi malinaw sa ganitong sitwasyon kung may alam ang agency sa secrets of yaya sisterhood. Kasi kahit may 6-month service contract, may bayad pa rin naman ang bawat replacement. So ang gandang kumikitang kabuhayan pa rin sa kanila. Benefit of the "daw." Paniwalaan na lang natin na hindi alam ng agency na walang forever sa yaya na dineploy nila.

Nakakaaliw at nakakabaliw ang mga trivia ni Glea sa dati niyang amo. Asawa raw ng adik na top honcho sa ABS CBN. Lagi raw sabog, minsan humaharap sa kanila na hubo't hubad. Gusto raw ng magdamag na kuwentuhan, parang si Kuya Germs. Walang tulugan. Ang sabi pa ni Glea, tinuturuan ng amo niyang babae ang mga anak nito na saktan silang mga yaya kasi walang penalty sa dati niyang agency kapag bata ang nanakit sa kasambahay. Dati nga raw, yung bata e nag-init ng kutsilyo sa apoy ng kandila at yung kutsilyo e idinikit sa braso ng kasama niyang yaya. Very good daw, sabi ng nanay. Ito ang babalikan niyang amo. Adik pero mayaman. May sarili raw silang kuwarto at iba ang pagkain nila sa pagkain ng mga amo.

Ang sabi ko kay Glea, sana sinabi niya agad ang mga plano niya sa buhay noong kausap pa lang namin siya. Lalo yung may iba naman pala siyang inaantay na employer. Napakalaking abala kasi ng ginawa niya. Ang sagot eh "eh wala na po tayong magagawa riyan, ang importante e iyong ngayon."

Sana ay ikaunlad ng buhay mo yang ganyang ugali mo, Glea. Para mas marami ka pang ibili ng astringent para sa nabubura mong mukha.

1 comment :

  1. I feel you po. Mga ganitong yaya, Kumag 101. Ang hirap humanap ng yaya lalo na kala mo amo kung maka-demand.

    ReplyDelete

Yum-ment!