Nuffnang

Wednesday, August 12, 2015

Sausage Saves The Day

Dahil sa napakalakas na ulan kanina ay tinanghali --- mali, ginabi sabi nga ni IM ---  ako ng gising. Ito yung gising na hindi mo gusto. Tumatalon ang puso kasi late ka na tapos nagra-rally ang tiyan mo sa gutom. Wala akong mahigilap na pagkain sa KKB naming bahay - hindi ako nakakapagluto these past few weeks, "kanya kanyang baon" style na nga sa aming bahay sabi ni Sir_Ko (pangalanan na nga natin si Hubby). Buti na lang may sariwang karne mula sa lata. Makasalanan, maraming preservatives, mahaba, masarap.


No comments :

Post a Comment

Yum-ment!