Nuffnang

Pages - Menu

Friday, August 30, 2013

I have two dreams

This is for The Little One.


This one is for me.



And this one is for both wishes to come true.

coming soon...


Next post in 40 days! 
Please help me pray for these. Thank you.

Wednesday, August 28, 2013

Yoga in my mind

Ang dami-dami-dami-dami ng tao na nahuhumaling sa yoga. Nakakatuwa. Ang laking kaibahan nito sa taong 1997. First year college ako at nag-enroll sa yoga for P.E. Tinakas ko lang sa tatay ko kasi medyo naniniwala siya sa mga tsismis na ang yoga ay nakakapraning. Madalas, kung hindi man araw-araw, pinapabulaanan ito ng teacher namin. Hindi totoong nakakapraning mag-yoga, pero may danger nga raw. Ang metaphor na ginamit niya ay tubong kinakalawang at matagal na hindi dinaluyan ng tubig. Ganun daw ang estado ng mga daanan ng energy ng katawan ng mga taong walang galaw-galaw (utak at katawan). Through yoga, umaayos ang daloy ng tubig (energy). At dahil kalawangin ang tubo, para sa first timer, importante na may teacher na magta-trapik ng daloy ng tubig na may kalawang.

Image is from here




























Hindi nga lang ako natutuwa sa mga ilang taong nakatungtong lang ng mat ay inari na ang title na "sage." Grabe ang mga pangaral ha. Nasasakyan ko yung mga bale-balentong pics na nakaparada sa Facebook. Masaya naman talaga yun. Pero yung umaatikabong pangaral, medyo nakakaumay. Sabagay, kanya-kanyang trip lang yan. Huwag lang kalimutan ang paboritong aral ng kahit sinong yoga teacher. The discipline is designed to keep us grounded.

Image is from here
















Kasabay ng pagdami ng nagyo-yoga practice, dumarami na rin ang mga yoga teachers! Amazing! Sana, sana, sana, magdilang anghel ang law of supply and demand. Ganyang trending ang pagtaas ng supply ng yoga teachers, sana bumaba na ang presyo ng yoga classes. Sa ngayon, ang mga biik na gaya ko ay nakakatungtong lang ng studio pag may promo, o kaya yung paisa-isang buwan. Or sana, dumami pa ang lahi ni Teacher Nancy Siy na walang katulad ang dedikasyon sa pagdadala ng yoga sa lahat ng may gusto. May free class siya kada Linggo sa Legazpi Active Park.

Siya si Teacher Nancy.





























Nami-miss ko mag-yoga. Iyon. There's a fire in my bilbil-belly. Sana makabalik na ako. Ang gulo lang kasi ng buhay. Nawasak ang momentum ko. Sayang ang nasimulan.

Let's end this post with a beautiful mantra na peborit ni Noreen. Sabi niya, at totoo naman ito, ang sarap nito sa puso. Mahirap gawin lalo sa mga tumityanak sa buhay ko, pero I'm trying by best. Promise. At habang di pa ako nakakapag-practice, kahit sa isip lang muna, ayos na ito. For now.


"Lokah samasta sukhino bhavantu" - "May all beings everywhere be happy and free and may the thoughts, words and actions of my own life contribute in some way to that happiness and to that freedom for all." - Sanskrit Devotional Mantras 

Tuesday, August 27, 2013

Intramuscular-Intravenous Sedation

Her eyes, half-open, stopped blinking
Stopped dancing with the light.
Her body, barely moving.
Gasps of disbelief and questions
In monosyllabic strings.
She looked at me,
But she wasn't there.
Her gaze, white laser beams.
I forbid you from pulling a repeat performance
No one leaves.
Before I do.

Today I lived my biggest fear.

08.24.13 0830
Image is from here


Boss na boss

Isang bruskong puting mamahaling auto ang tumigil sa umpukan ng mga manong school bus driver kanina. Sinabayan ng pagbara sa kalye ng sasakyan ang malakas na pagbusina. Lapit ang isang kuya, bumukas ang bintana. Hindi ko masyadong narinig ang pinag-usapan. Nauulinigan ko lang ang mataray na boses babae at ang rosaryo ng "opo ma'am, sige po ma'am, opo, opo, opo." Maya-maya, lulugo-lugong bumalik ang kuya sa umpukan.

"Wala man lang condolence. Ang bungad pa sa akin, bakit daw ang tagal kong di pumasok."

Namatayan pala ng magulang si kuya. Sabay sa lamay ang hagupit ng bagyo at baha. Pinuproblema niya ngayon ang pampalibing. Narinig kong sinabi nung kuya na namatayan siya, anong klaseng tao ang hindi man lang makikiramay at didiretso sa sermon? Genetic disorder ba yun?

Image is from here

Friday, August 23, 2013

For the road!

Image Source: nitrocellulose.net





























Pitong araw na akong walang kape! Okay naman ako. Walang withdrawal to date. Inaabangan ko pa. Wala pa rin naman akong nabubulyawan (kasi nagyoyosi pa ako huhuhu).

Hindi ko gawaing makipaglaro sa Diyos. Pero kapag pala desperado ang tao, talagang nagkakaroon ng bonggang audience impact ang OPM (Oh Promise Me). Sakto sa marubdob na depresyon ang naging kwentuhan namin ni Hot Momma I. May nakapagsabi raw sa kanya na minsan, magandang subukan na mag-sakripisyo para makuha ang dinadasal. Umisip daw ng mga mahalagang bagay, bisyo, pagkain, tao, hayop, etc., sa buhay mo. Tapos ialay mo. Wala akong maiaalay na birhen, saka hindi na yata uso iyon. Kaya naisip ko na para makapagsalita na ang aming Little One, hindi na ako iinom ng kape.

E bakit kape? Bakit hindi yosi? Kasi yung yosi naman ay inalay ko para sa isa pang hiling. Saka ko na isusulat kung anong resulta. At saka lahat ng friendly taong pugon sa iyong neighborhood ay sasabihin ito ng may ngiti sa labing maitim - ang kape at yosi ay soulmates. Pag nagsanib yan, ibang level ang sarap. So kapag wala na si kape, mabilis na rin siguro (sana!) ang pagsunod ni yosi sa hukay.

Anyway, successful naman ako sa no coffee lifestyle. For the past seven days. Kaya naisip kong itodo na rin ito. Any colored and flavored drink na unhealthy ay hindi ko na gagalawin. Pero siyempre, matalino si God. Kaya dapat specific din ako sa mga exception.

~ Fresh Juice
~ Gatas (hindi kasama ang chocolate drink kasi masarap yun sa akin)
~ Yogurt Drinks

In summary, lahat ng masarap lang sa bunganga at sa kaluluwa pero salbahe sa katawan ay bawal na.

Ang huling intake ko ng makasalanang mga inumin ay nangyari na kagabi. Gulaman kasama ang mga ex-team mates-friends. At saka yung napakalapot na Hershey's Dark Choco Loco drink na nakakaloka (galing sa 7-11) with Hot Momma I... Bilang ilang taon kaming di nagkasama.

Sana ay mawagi ko ito. At sana, totoo nga na may himala.

Thursday, August 22, 2013

Hindi lang pag-abolish ng pork barrel, ito rin.

Ako ay sinuwerteng pinalaki ng mga leader na nagturo ng isang ginintuang aral: kung may reklamo ka, bago ka pa magreklamo dapat buo na sa isip at puso mo kung anong gusto mong mangyari. Sa corporate world, at least dun sa mga kumpanya na nagi-invest sa masinop na performance management process (and therefore effective coaches dapat ang mga bossing), sikat na sikat na feedback method ang STAR or STAR/AR.

STAR - Situation/Task, Action, Result
STAR-AR - Situation/Task, Action, Result, Recommended Alternative Action to achieve Alternative Results

So kung dadalhin natin yan sa isyu ni Napoles.

Situation Task - Required kaming mga empleyado na magbayad ng buwis. Lahat ng consumer may binabayarang kung anu-anong VAT sa bawat labas ng pera.
Action - Dinadala niyo sa kalokohan ang tax remittance
Result - Naghihirap ang Pilipinas (more recently, nadidisgrasya ang mga Pilipino pag may trahedya)
Alternative Action - i-abolish na ang kinginang pork barrel na yan
Alternative Result - wala na kayong nanakawin

Pero nakukulangan ako. Eto pa ang karagdagang Alternative Action na gusto ko, bilang taxpayer. Dalawa lang ito kasi yung mga iba, social overhaul ang prerequisites. Dalawa lang. Sabi nga ng kumakalat na social media shout out...

I am Yummyliciouslady. Pinoy Ako. 
I pay my taxes on time, and in full.
YOU, my government, owe me an explanation.
And these too!

Customer/Filipino-Centric Government Services

- kapag kailangan kong dumalaw sa government offices para sa kung anong requirement, kailangan kong magbuwis ng tulog o kaya-mag leave. Kasi ang tagallll ng mga proseso. O kaya naman, kasi gabi ang pasok ko at dapat ay tulog ako sa araw. Gusto kong lahat ng citizen-facing branches of government ay bukas 24/7. Ok, sige sabihin na nating masyadong mahirap yan, at least 9/7. Siyam na oras sa isang araw, araw-araw. Kasi po, yung mga may trabaho ay di makakilos ng Monday to Friday. So sa weekend kami kakarir ng kung anu-ano. Walang sinasabi sa labor code na dapat ay Monday to Friday lang ang pasok. Walang malalabag na batas basta 45 hrs per week pa rin ang ipinapasok sa trabaho ng government employees. Forecasting lang yan. Hindi Calculus.
- dagdag example lang ulit. Taas ang kamay ng nakagamit na ng Philhealth sickness benefit? Naka-confine ka na, iisipin mo pa kung paanong pupunta sa Philhealth para kumuha ng Member's Data Record. Ang proof of contribution, ibibigay ng employer pero ang katibayan na Philhealth member ka, ay kunin mo sa Philhealth. Deadma kung naka-wheelchair ka. Gawa ka ng authorization letter kung naigagalaw mo kamay mo at ipakisuyo sa kamag-anak o kaibigan.
- turuang maging makatao ang mga government employees. Kung makapagmando ang mga yan ng customer, kala mo pinsang buo ni Obama. Excuse me. Kami nagpapasuweldo sa inyo. Magsi-ayos kayo. Isama sa performance management process (na wala sila ngayon!) nila ang Customer Service delivery. Ay naku mga ma'am at sir. Katok lang kayo sa BPAP. Ang dami-daming training na pwedeng ibigay sa mga tao niyo.
- gawin nating paperless ang mga transaction na pwede namang gawin na online. Sa SSS pwede na ngayong mag-online loan application. Sa Census, pwede na mag-request ng mga dokumento na hindi kailangang mag-camping sa mga satellite offices. Kaya kung gusto. Again, kung gusto may paraan. Kung ayaw, may dahilan.
- Centralized Records Keeping and Management - alam niyo ba kung gaano katagal mag-ayos ng papeles pagkatapos ikasal, manganak o kahit mamatayan? Ako na ang magbabayad ako pa ang gagapang sa lusak para lang maging responsableng mamamayan.


Inhouse OFW Benefits

Ang daming benepisyo ng mga OFW. Kasi nga naman, dolyar o kung anong foreign currency ang pinapasok nila sa Pilipinas. Tapos ang layo nila sa pamilya. Ako naman nasa Pilipinas din. Pero ako, at karamihan sa amin sa BPO sector, dolyar ang pinapasok na pera sa bansa. Hindi kami miles away sa mga pamilya namin. Pero, pero, pero, gabi kami magtrabaho kasi ang mga sinusuportahan naming business ay miles away. Therefore, gising kami habang ang pamilya namin ay tulog. Ang mga call center agents, bayad man ng doble kapag holiday, malinaw pa rin na hindi nakaka-Philippine holiday. O e di para rin kaming OFW diba? So pahingi naman ng OFW benefits. Andito kami, inhouse OFWs!

Dapat Tularan (din si lola)

Hindi lang ang dalawang pulis ang dapat tularan sa larawang ito. Tingnan niyo si lola. Sa edad niyang iyon, at sa gitna ng kalamidad, hindi siya papayag na masilipan. Sa picture, kahit nakapalupot ang kaliwang braso sa parak para di siya mahulog, ang kanang kamay ni lola ay nakasapo sa kanyang puwitan. Ang kamay ay nakahawak sa bestida. Wala mang aamin na may mamboboso pa kay lola,  siniguro niyang walang magtatagumpay.

At yan ang dapat tularan ng kababaihan. Kahit anong sitwasyon, paka-ingatan ang dangal. Literally and figuratively.

From Facebook











Umaatikabong Beklog (Backlog!)

Sana ay ligtas at tuyo kayong lahat matapos ang ilang araw na hagupit ni Maring at ng habagat at ng kapabayaan ng mga dapat nangangalaga ng lahat ng butas ng Pilipinas.

Handami nang nangyari mula nung huli kong post. Flashback tayo, konti lang.

1) Nabidyo

Eto. Anong masasabi niyo sa Sex Scandal ni idol at ng kanyang binibini? Well, unang una, hindi ko alam na may bago na pala siyang jowa ah. Kala ko after K.A. ay nanahimik muna si lolo sa kawalan. Yun pala may N.N. na. Tama naman ang sinasabi ng lahat, ang dapat lang sisihin dito ay yung malisyosong nagkalat ng video. Consenting adults naman silang dalawa at walang bahid ng "napipilitan" lang sa kanilang mga actions. Napanood ko. Uhm, sana hindi. Ngayon tuloy, hindi pa akong handang marinig muli ang "Don't Touch My Birdy." Ayun pala ang nangyayari. Kyut nitong pekatyur o. Kaklase ko yan dati. Hindi yan si C. Ang galing lang ng pagkakagaya niya kaya kinuha ko sa Facebook.Hindi ako nagpaalam, wag niyo gamitin please.
























2) Nababoy

Eh ito naman? Ay naku naku naku... mahabang usapan yan. Sasama ka ba sa August 26? Ako hindi. Kasi risky. Pag nagkapukpukan, may anak at asawa akong maiiwan. Pagdadasal ko na lang na magtagumpay ang mga matagal nang tinotorotot na mga taxpayers. Pwede rin kayang mag-economic strangulation tayo against the government? Lahat ng registered businesses ay hindi magre-remit ng tax hangga't hindi natin nakukuha ang mga gusto nating mangyari? Handa ba tayo? Parang hindi. Pero parang sa ganitong laro lang mababaldado ang mga nanggigipit sa atin. Yun nga lang, dapat lahat, lahat, lahat! Kung may isang hindi sasali, eh wala na. Kay Vicky Morales lang tayo pwedeng humingi ng tulong. Hilingin natin at sabay-sabay tumunganga kung anong mangyayari.














3) Nabagyo

Ang Pilipinas, lagi na lang kawawa pag may kalamidad. Iba't ibang level nang pang-aapi nga lang. May mga nawalan ng bahay, ari-arian at buhay :(. May mga empleyadong tinuturing na sirena ng sistema. Wala nang pasok ang mga estudyante at government employees pero ang mga nasa private eh "business as usual." Buti na lang nasa kumpanya akong mabuti at makatao. Eh yung iba, parang mga gago. Hindi ko na expound. Baka bumaha ulit.

4) Namanata

Ako lang yan. May dalawang bagay akong kailangang kailangang makuha. Yosi at kape ang ginawa kong ransom. Sabi ko pag nakuha ko yung isa, hindi na ako magyoyosi ever. Yung isa naman, hindi na ako magkakape. Actually baligtad pala. Hindi na ako magyoyosi at magkakape para makuha yung dalawa. Semplang na ako ron sa isa. Yung sa kape, hindi pa. At mahaba pa ang mga araw, baka naman kaya ko pa pareho. Pakisama na lang sa inyong mga prayers.

Ayan. Updated na ako. Hanggang sa muli. Stay safe and dry guysh!

Thursday, August 15, 2013

[Buwan ng Wika Series] Dila mong dakila



















Kagabi, may magsing-irog na naglalambingan sa kanto ng Ayala. Nakasalubong ko sila kaya dinig na dinig ko nung sinabi ng babae sa lalake na: "I love your tongue." Nanlaki ang mata ni kuya saka napalunok. Nagkatinginan kami at gusto kong pasalubungan siya ng masigabong palakpakan para sa kung anumang talent portion ang nagagawa ng kanyang dila.

Dila ni kuya aside, alam nating lahat (I hope) ang kasabihang "ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda." Pano ba pinapakita yang pag-ibig na yan? Sa mundong ating ginagalawan, kahinaan at katatawanan kapag ang tao ay may "p and f" or "b and v" defect. Parang kinikiliti ng demonyo ang mga magagaling umingles kapag may nagkamali. O kaya naman, yung mga may angking kakayahang mag-tunog kano kahit di pa nakakatungtong ng US ay ginagawang panakot sa mga kawawang kahera at sa kung saan-saang tindahan ang kanilang flawless American twang daw. Pinakawild noong nasaksihan ko ito sa mga agent na bumibili ng squidball at kikiam. Meron ding nag-call center agent lang ng dalawang buwan, pag umattend ng kahit anong reunion, umeeksena na agad na hirap na mag-tehgelog.

May mga kontekstong binabagayan ang ingglisan. May mga trabaho at "mundo" na iyan ang puhunan. Yun, wala tayong magagawa ron. Pero kung nasa kanto ka lang ng baranggay niyo, nasa bus, nasa jeep, nasa kuwartong puno ng taong nakakaintindi naman ng Filipino, aba, subukan naman natin. Kung likas kang ingglesero, try pero di ka required (at saka most likely di mo naman binabasa ito o kaya binabasa mo pero di mo maintindihan). Kung di ka Manilenyo, kahit ano pa yang diyalekto, basta lahat ng kasama mo maiintindihan ka, go for gold!

Mahalin natin ang dila natin. Mother tongue. Inang dila. Diba ang sarap ng pakiramdam na masabihang --- I love your tongue?

Wednesday, August 14, 2013

[Buwan ng Wika Series] Diba?























Ano ang ibig sabihin ng salitang "diba?" At ano ang ibig sabihin nito kapag dinugtungan pa at ginawang "diba nga?" Nagamit na ba ito sa iyo? Nang paulit-ulit? Diba parang nakakapanliit? Diba?

Ang "diba" ay pinaiksing porma ng "hindi ba." Ginagamit ito sa simula, gitna o dulo ng sinserong tanong. Ang kaso, nagmamadali ang mundo. Lahat ng pwedeng laktawan, lalaktawan. "Diba nga ganito yon?" Parang laging may pupuntahan at hindi puwedeng maabala. Parang pagod na pagod na sa kausap. Kaya tuloy ang "hindi ba" ay nagiging "filler" na lang minsan. Parang eto --- gets mo?

Napapansin kong madalas kong nagagamit ang "diba nga" these days. Madalas, sa pinakamamahal ko pang mga tao. At hindi ako natutuwa. Ang hirap labanan. Pero hindi ko ito susukuan. Kaya kapag nahuli nating namumutawi sa bibig natin ang "diba nga" at hindi naman tayo nagtatanong, konting hinahon, konting kalma. Kahit usong uso ang Twitter, alalahaning ang wikang Filipino ay hindi likas na nagmamadali. Meron tayong mga tunog na maragsa, pero laging mahinahon ang daloy. Hayaan na natin ang newscasting voice ni Mike Enriquez. Kabuhayan niya yon.

* Image source is here. Enhancements are mine.

If I may be materialistic for a few minutes today...

Kailangan ko lang ma-share ang nag-uumapaw kong kaligayahan. Mapupunit na ang bibig ko sa kakangiti. Lalagpas na ako sa cup E sa nagsisikip kong dibdib. Gusto kong humiyaw! Gusto kong magsayaw sa Ayala! Magkakaron na ako ng sarili kong notebook! Ay mali, netbook! Yesssssss!!!

After hmmmm.... 8 years of waiting!

~ Makakapag-personalize na ko ng themes as often as I want. Mood ring? No thanks. Mood themes!
~ Makakapag-safekeeping na ako ng mga draft ng libro, kwento at tula na I'm sure eh never ko matatapos pero at least they're all in one place.
~ Magagawa ko na ang lahat ng digital arts and crafts projects na gusto ko. Kaya ba nito ang Photoshop? Sana...
~ Hindi na ako makukuba sa pagdadala ng mga laptop na pang grown ups. Eto sakto sa height at kamay ko!
~ Para na akong may sariling kuwarto!
~ Mag-aaral ako ng maraming apps! Mag-aaral ako!
~ Bibili ako ng purple na netbook sleeves. Saka purple na wireless mouse. Saka araw-araw ko siya lilinisin. Saka promise, di ko siya ifo-force shutdown. Saka icha-charge ko lang siya pag-drained na ang battery. Pramis yan Dadda!
~ Basta marami pa! Oh yes!!!!

Ay teka, good luck na naman sa social skills ko. Eh pero saka ko na yan poproblemahin.

Thank you sa sponsor ko na pogi! Thank you rin sa magbebenta ng affordable yet as good as new na unit!

Eto siya. Nakatatandang kapatid nga lang. But I have no complaints! Basta masya ako!





















Teka lang, maging makaluma muna tayo. Hindi ko pa hawak ito. Pwera usog! Sana matuloy na at sana walang aberya!

Tuesday, August 06, 2013

Mga iha, tandaan, may mga pangarap na may binabagayan


Ang mga nakakaiyak at nilalanggam na engagement moments (na most likely ay mauuwi sa nakakaiyak at nilalanggam na kasalan) ay may requirements. Ganda, BMI, waistline, height, religious background, family background, educational background, regional background, race, saka mga -ism's. Pwede ring ganda ng kalooban, kung optimistic kang tunay.

Para mas madaling maunawaan --- Parang death. Una-unahan lang. Pero huwag atat. Siya (bahala ka kung sino "siya" para sa iyo) lang ang may alam kung kailan. Pero paano kung hindi ka mamamatay? Eh, good luck na lang. Hold on to what's remaining of your precious egg-count and youth. Or i-euthanasia na yang relasyong yan, na wala namang pinupuntahan.




Images are from

Sunday, August 04, 2013

Anak, sorry sa Pilipinas ka pinanganak

Hindi attractive sa akin ang pangingibang bansa. Ayoko, basta ayoko. Kaya lang, may mga pangyayari na talaga namang nakakagalit, nakakainis at nakakapanlumo. Gusto mong mag-rebolusyon at magalsa-balutan. Eh kaso, ano namang magagawa mo?

Si TLO ay pinaganak na may cleft palate. Ang tawag sa atin, bingot. Pero yung kanya, hindi umabot sa labas ng bibig. Wala lang siyang ngala-ngala. Kapag ngumanga siya, kita agad ang butas ng ilong. Walang bubong, nakalimutang ilagay ng Diyos. Masyado yata kasing busy nung araw na iyon sa langit. O kaya, masyadong malikot si TLO. Hindi tuloy natapos.

Anyway, surgery daw ang solution. So sa edad na 9 months (dapat daw kasi masara ang butas bago siya mag-one year old), sabak si TLO sa operating table. Tapos, common daw na mapupunit ang tahi ng sastre (surgeon) kasi lumalaki ang bata. So sa edad na 14 months, opera ulit.

Habang nagkaka-edad si TLO, nanganganak ng mga problema itong dalawang operasyon na ito. Nakikipaghabulan kami sa mga solusyon.

1. Speech Delay
2. Squatter na mga ngipin. Tumutubo kung saan-saan.
3. Trauma sa kahit anong proseso na may kinalaman sa invasion ng bibig - therefore, ayaw ni TLO sa toothbrush.

Kung wala kami sa Pilipinas, hindi sana naging problema ang mga ito. Kasi, maraming standard na mga proseso na hindi pa uso rito sa atin. Kagaya ng:

1. Walang speech pathologist sa team of doctors na gumawa ng operation. May surgeon, anesthesiologist at pediatrician. Pero walang nakabantay sa magiging impact ng operation sa speech development.
2. Walang orthodontist at pedia dentist sa team. Tuloy, walang nakabantay sa magiging impact nung tahi nang tahi at gupit nang gupit na surgeon. Oo nga naman, gumupit ka ng bagang, ginamit mong pantapal sa butas. O, e di nalito ang mga ngipin.

Kuwento rin ng isang mahusay na speech therapist na matagal nag-practice sa Canada, doon daw, hindi inooperahan nang maaga ang mga batang may cleft. Ginagawan lang ng paraan na matakpan ang butas sa ngalangala para makakain at makainom ng maayos ang mga bata. Ang ginagamit ay plugs (minsan daw, tootsie roll). Ang operation ay ginagawa at the age of 7 or later in life pa - para walang epekto sa process of familiarization with the oral structures and sound production ng mga bagets. To top it all, reimbursable and/or subsidized ang lahat ng medical expenses ---- including speech therapy sessions!!!

Again, ano namang magagawa ng mga parents na nasa bansang gaya ng atin?

Tiis tiis, gasto gastos. Sa lahat ng frustration at financial tragedies, ang mas nakakadurog ng puso ay iyong pinagdadaanan ng bata.

Kaya anak, sorry sa Pilipinas ka pinanganak. Igagapang nating ayusin lahat ng kayang ayusin. Konting tiis pa.

Bye bye sippy cup (07-27-13)

Kahit pampatulog lang ito at twice a day lang ginagawa ni TLO, bawal na raw sabi ng kanyang dentist. Ang bilis bilis bilis naman ng panahon. :(


Si TLO ay may special needs mula pa noong pinanganak. Dahil sa cleft palate, hindi sa kanya uubra ang regular nipples and feeding bottles. Wala kasi siyang sucking powers before her surgery. Nasubukan namin lahat ng posibleng gamitin for feeding - extra soft nipples, syringe, ketchup dispenser (medyo matagal ding ito ang gamit namin), etc. She survived through the wonders of NUK specialty feeding bottles and, eventually, Farlin trainer cups. Thank you sa product developers.


 

Two more months, or so they say...

So many things to prepare, so little time.... but we don't need another delay.

October, October, October! Are we ready?!?

We need to:

1. See the unit to figure out which items we can sell (it's fully furnished, we can't have two of everything)
2. Figure out where we'll do the laundry. :(
3. Estimate updated monthly expenses for utilities
4. Feel if we are (indeed) ready for condo living.
5. More, more, more as we discover more, more, more...

Image is from www.skyscrapercity.com

Saturday, August 03, 2013

Found the courage. May wisdom and His approval be mine. Amen.


Monday, July 22, 2013

3D2N,QNSMK

Totoong nagiging mainitin nga ang ulo ko. At napapa-emo. Kaysa iraos ko ulit ito sa bisyo, iba-blog ko na lang. This is highly therapeutic for me, but can be stressful for you. So depende sa pinagdadaanan mo, please choose wisely kung alin ang babasahin at seseryosohin (huwag) mo rito.

#1. Ayoko na maging dukha
censored. unposted.

#2. Isang magandang babae, dating kasama sa trabaho, ang obviously ay nagpa-boob job. AS IN! Ang laki laki laki laki na ng boobs ni ate. Bilang nagmamalisyang stalker sa Facebook, kitang-kita sa mga pekatyurs na all in the name of love itech. At mukhang asshole si kuya. Kita sa hawak na proud siyang idisplay ang newly renovated landscape ng misis niya. At hanggang doon lang yon. Nakakalungkot lang na ang mga babae, gagawin lahat para mahalin sila nang tapat. Magpapapayat, magpapadagdag, magpapabawas, magpapaunat, magpapakulot. Lahat na. Pero yung mga binubulong ng puso nila, ni hindi marinig ng mga jowang gago. Tinanong na ito ng isang kaibigan noon pa, pero hanggang ngayon di pa rin namin sure ang sagot. Bakit laging babae ang first honor sa compromise? Bakit laging lalake ang nauunang maubusan ng lambing? Bakit bakit bakit!

#3. Ang lahat ng Samson ay may Delilah. Ilang kwento na yung ganun ah. Yung sobrang astig nung lalake - astig, galit sa drama, allergic sa cheesy - pero noong nakatagpo ng "The One" eh talagang nagbago. May isang classic Samson case na naman akong binutingting sa Facebook. Itong si lalake ay hardcore Atheist (niche niya yan), mahilig sa kahit anong dark and rock and roll-ish. Patalon-talon lang si kuya sa mga relasyon. Pasawsaw-sawsaw parang isaw. Aba ngayon, engaged. At namumutawi ang pag-ibig sa FB wall. Pati pictures nila nung kanyang natagpuang baby girl. Noong bata pa ako, hinahanap ko ang formula ng kung paano ba maging Delilah. Hanggang ngayon. Hanggang ngayon.

#4. Nakakaiyak ang pagka-karnal ng panaginip ko kaninang umaga. May isang lalake na nakatira sa gitna ng laot. Ang trabaho niya ay lumangoy papunta sa mata ng bagyo tapos lalangoy ulit siya sa pinakamalapit na weather bureau para magreport kung anong "signal" nung bagyo. Ganon lang ang silbi sa buhay ni kuya. Wala siyang konsepto ng pamilya. Halos hindi nga siya marunong magsalita. Bata pa lang siya, pinadaan na siya sa matinding training at sinanay na mag-isa. Base sa panaginip ko, marami silang ganun sa Pilipinas.
Tapos, sa isang di malinaw na dahilan, nagkakilala kami. Inuwi niya ako sa bahay niya. At ako ang kanyang mundo. At ako ang kanyang prinsesa. And we lived happily ever after. Naluluha pa rin ako habang isinusulat ko ito, kasi ang gentle gentle gentle ni kuya. Gentle beast. Iba kung yumakap at tumitig. Parang artistahin ako sa panaginip na 'to. In fairness.

#5. Eto, naiyak din ako rito sa FB post ni V. Sweet kasi.
"[07.21.2013 - Our First Unique SUNDATE Ever!] ___, asked me if we could just stay at home, spend the entire Sunday together, just us... "for a change" instead of the routinary, usual weekend dates to the mall(s) - dinner - watch film - coffeedate - every possible weekend - we do this! So I granted her request, first we visited the church - Mater Dolorosa Parish Church (sa 4 YRS & 4MONTHS namen ni ____, pangatlo/pangapat palang nmen tong dumalaw sa simbahan..but this is a good start right?) then we WALKED to the nearest supermarket and bought some snacks - para parang nasa Cine daw sbe ni ____, then we went to VideoCity, rented some DVDs then WALKED back to our crib (PAWIS ANG LOLA MO - Galit galit muna!! Pagod ako!) Then..we downloaded some films online, and yes, ___ was able to lure me to stay at home, quite impossible but yes! As a reward, she cooked Chicken Curry for lunch and my favorite Spicy Chix Adobo for dinner (pagkain talaga pangbribe) Judgement: Ang galing mang BOODLE-BOODLE ni ___! Hahahha! Seriously, visiting the church, walkaton, staying at home and doing dvd/movie marathon are not that bad afterall, we get to spend the "real quality time" together without spending that much... We need to save daw kc for our dream house, dream car and dream out-of-the-country tour... Pero ___, once a month lang natin toh gagawin ah? "OUTGOING PERSON" ako eh.. Bwhahaha!"


Sunday, July 07, 2013

Refresher Lessons: What we should have learned in Kindergarten

Habang nag-chichikahan kami nila KittenDreams, Gagamgirl at GangstaGrahoppa, isang bagets ang nagka-lightbulb moment. May gusto siyang itanong kay Mr. G. Hindi makakapaghintay ang tanong ng batang ito kaya agad niyang isiningit ang kanyang katawan sa gitna naming lahat --- pati sa gitna ng binubuo kong sentence. Kagila-gilalas. Sarap batukan.

Anyways, yaman din lang at medyo napapadalas ang usapan naming mga not-so-young sa kung paanong "iba na ang mga kabataan ngayon," dapat na itong isulat. For the first time, hihiling na rin ako na sana, this entry goes viral. Malaki ang pangangailangan ng mundo para sa refresher lessons on the things na dapat ay alam na natin noong mga bata na tayo. Depende sa iyong edad, ang tawag dito ay GMRC (Good Manners and Right Conduct) or Values Education lessons.

1. WAIT FOR YOUR TURN

Sa kwentuhan, sa pila, sa recitation sa klase, kahit saan. Mag-intay tayo guysh. Sa Facebook, Twitter at kung anu-ano pang social media na virtual tambayan ng karamihan these days, ang bawat user ay diyos. Siguro, dahil diyan, nadadala ng mga tao ang asal-kilobytes. Click-happy. Deadma yan kung nasa cyberworld. Pero sa totoong buhay, mag-intay naman plist. We understand. This is the "me-me-me!!!" generation. Pero habang we share the same soil and oxygen supply, wait for your turn. 

2. DIG YOUR EARS. LISTEN.

Sa ilang klase ng mga young adults na naturuan or napanood ko, usong uso ang mga di nakikinig. Tapos kapag biglang may kailangan na pala sila, guguluhin nila lahat para magtanong (and back to #1, kahit may iba pang nagtatanong eh isisingit ang sariling tanong). Walang tiyagang makinig ang mga tao ngayon. Nakakapagod.

3. DON'T FORGET TO SAY THANK YOU

Sa Facebook, nagla-like. Sa Twitter, nag-RT. Sa totoong buhay, kapag ginawan ng mabuti --- deadma.

4. DON'T FORGET TO SAY SORRY

Ang uso ngayon ay maghanap ng sisisihin. Tapos magmamatapang. Ganyang ganyang ganyan. Actually, kumplikado itong #4. Kasi, ang ibig sabihin ng "sorry" ay nakakabit sa konsepto ng accountability. Eh... parang laging out of stock yan these days. 

5. TANTRUMS = TODDLERS

Buzz word sa maraming circles ngayon ang tantrums. Yung pagsusumpong at pagsusuplada, kahit wala sa lugar. Ok lang yan. Kanya-kanyang trip yan. Pero ang tawaging "tantrums" ang mga ganitong episode ay nakakapagpabansot sa adult sense and sensibility. Ang batang nagta-tantrums, hindi puwedeng sisihin. Kasi bata eh, so medyo lang right niya yan. Ganun ba ang gustong ma-achieve ng mga matandang nagta-tantrums? Yung wala rin silang responsibilidad para sa inaasal nila? Tandaan. Ang tantrums ay pang-paslit. Ang adult na nagta-tantrums ay... ewan. Di ko talaga yan masakyan.

6. BULLYING IS NEVER A LAUGHING MATTER

Nagugulat ako na these days, may mga nag-aakalang magandang niche at source of pride ang maging bully. Minsan nga, institutionalized na pala ang maging bully. At may mga official list na rin ng mga taong paboritong i-bully. Humankind has always been associated with the insatiable need for supremacy. Big word. Supremacy. Hindi maging bully. I vow never to use the word. NEVER. And I am encouraging everyone to do the same. Maraming synonyms. Baka ang ibig sabihin eh masama ang ugali, mapanlamang, mayabang, makasarili. Then let's call them that. Tantanan na natin ang salitang bully kapag graduate na tayo ng Grade 2.

Ayan, medyo nakagaan na ng loob. May naiisip ka pa ba? Dagdag mo dali!

Monday, June 24, 2013

Sa Breakwater

Bago mag hapunan, napatambay sa breakwater. Ang taas taas naman nung tungtungan di ko abot. Nag-enjoy na lang ako ka kakakuha ng pekatyur. Maganda rin ang realization ni Sir. 13 years ago noong huli kaming tumambay sa breakwater. Galing kaming coverage ng Erap impeachment sa senate noon... naisip lang naming tumambay (proud to say, walang kahalayang tambay!). Simpler times, simpler lives. 

Tanong ni sir, "naisip mo bang babalik tayo 13 years later na may kasamang plus one?" 

Actually, hindi. Naiinis pa rin ako na hindi ko abot yung tungtungan. Chareng! Seryoso? Hindi talaga. Bata pa ko 'non eh. Pero kahit naisip ko siguro, hindi ko maiisip na ganito yun kaganda.








Tuesday, May 21, 2013

Hiwaga sa Balete Drive























Alam mo yung hindi ka naman writer pero kinakati kang sumulat ng kwento? Tapos pagdating sa page-3 ng double space, Arial 12, mong draft, bigla kang titigil kasi iisipin mo, sino namang babasa nito?

Alam mo yung di ka naman artista sa teatro pero kapag humarap ka sa salamin, di mo maiwasang saniban ng kung anu-anong character at bigla kang magro-roleplay?

Alam mo yung sa isip mo, may listahan ka ng set ng kanta na ie-emo mong iperform sakaling mapag-tripan ka isang araw ng mga kaibigang senglot?

Alam mo yung kapag may music na nasaling ang iyong mood for the day ay parang may sariling isip ang katawan mo at gusto mong mag-dance like no one's watching?

Ang white lady ng mga minasaker na pangarap ay hindi matatahimik hangga't di nasusumpungan ang katarungan.

Image is from this site

Monday, May 20, 2013

Balik Aklat Project #03: Buwan, buwan hulugan mo ako ng sundang

Dalawang Dekada ng Maiikling Kuwento ni Lualhati Bautista


Ready for October?


Violin Tower (pinakakaliwa), here we come? Ganito dapat itsura ha.





All images are from SkyscraperCity.Com

Ibagsak: Rehimen, Diktador, Pasista

OA ng pamagat! Hindi naman ito totoong pagrereklamo post. Ang tunay na reklamo, ayon sa disiplinang sinusundan ko, ay dapat may palaman na solusyon at resolusyon. Pero ito ay reklamong para lang sa ikaluluwang ng dibdib. Siguro, bago ako dumating sa last sentence, may darating na some form of powerful realization and resolve. Kung wala, ok lang din.

Konting history. Dati, kahit meron na kaming maliit na paslit, para lang kaming nagba-bahay-bahayan. Ang tagal naming nakahanap ng yaya kaya hanggang October 2011 ay dalawa lang kami ni sir sa bahay. Si Little One ay nasa bahay ng parents ko sa Quezon City (nasa Makati kami). Noong dumating si yaya, masaya. Kasi kasama na namin si Little One. Ang household count ay nagpalit from two to four. Nagbago rin ang mga requirements sa household management. Ito na ang bagong rehimen:

1. Kailangang gumawa ng weekly menu (na ico-convert sa isang palengke list) bago mag-Sabado ng umaga.
2. Kailangang mamalengke ng Sabado ng umaga.
3. Kailangang araw-araw akong magluluto.
4. Kailangang mag-grocery kada ikalawang linggo - ngayon ay nag-transition kami sa once a month
5. Kailangang laging may pang-meryenda stock sa kusina. Kasi, kung wala, paiinumin lang ni yaya sa Little One ng Chuckie. Meryenda na raw iyon.
6. Kailangang lahat ng lakad ay nakaplano. Dapat iconsider ang rest days ni yaya.
7. Hindi kasama dahil di ko naman nagagawa dahil sa work schedules: sana ay samahan si Little One at yaya sa kanyang speech/occupational therapy sessions, thrice a week. 

 Ang daming kailangang gawin na bumabangga sa marami pang bagay - gaya ng pagtulog. Graveyard shift ako by choice (kasi ayokong maiwang mag-isa si Little One kay yaya maghapon) and by circumstance. Ibig sabihin, ang tapos ng shift ko ng Friday ay Sabado ng umaga. Na ibig sabihin ay mula office, diretso na sa palengke para mamili ng pang-isang linggong ulam (kasama naman si sir). Ibig sabihin din, putol-putol ang tulog ko kapag weekdays dahil kailangang magluto araw-araw. Ibig ding sabihin, dahil zombie ako sa umaga, hirap akong makisabay sa normal na buhay ng mga tao sa bahay kapag Sabado at Linggo. Antok na antok ako maghapon. Kapag pumatol ako at natulog, kasabay naman nun ay guilt dahil di ako maka-quality time sa mag-ama. Or heatache kung mapagtampuhan dahil sa aking questionable presence.

Mahirap ding naaabala ang rehimen.

Takot akong tumodo ng yoga practice or exercise. Kapag kasi sinakitan ako ng katawan, or nabalian (huwag naman), hindi ako makakaluto. Last week, sumali kami sa firedrill. At dahil napakasakit ng hinayupak kong legs mula sa pagbaba ng hagdan (28/F to 3/F), hindi kami nakapamalengke noong weekend (nasa 5/F ang unit namin kaya iniluluha ko ang pagbaba/pag-akyat ng hagdan). Dahil sa firedril, de lata days kami buong linggo. Kay saklap.

Kapag mawawala sa bahay nang matagal (madalas naman ay work-related, gaya nung nag-US trip ako ng isang linggo or nag-HK trip si sir), kailangang ilikas si Little One at yaya sa bahay ng parents ko or gumawa ng isang linggong menu na painfully susundan ng kung sinong maiiwan.

Konti pa lang itong sample ng chain of events na nakasentro sa rehimen. Si sir, ay may sarili ring bitbit. Dahil day shift siya, kanya naman lahat ng pag-asikaso sa mga bills (bangko, kuryente, tubig, etc.) sa mga opisinang may tinatawag na official business hours.

Minsan, naiinggit ako sa mga pamilyang nakapisan sa bahay ng lolo at lola. Iba pa rin ang may karamay. Pero iba rin naman ang aming buhay. Di kami makasandal nang husto sa parehong partido. Minsan din, nainggit ako sa mga single-earning household. Willing naman ang isa sa amin na hindi magtrabaho para maka-focus sa bahay at kay Little One, kaso hindi kaya ng budget. Babayaran pa namin ito ng walong taon, at this year magsisimula na ring mag-aral si Little One (SPED, kaya susmaryosep, ang mahal!).

Ay buhay. Bakit kayhirap masumpungan ang simpleng buhay. Ang mga rehimen ang tamang daan papunta sa (inaakalang?) makabuluhang paghihikahos. Tapos buhol-buhol pa ang buhay sa buhay ng iba. Balang araw, marami pang daragdag na alalahanin. Anong meron sa iba na hindi ito naiisip? O dapat bang hindi iniisip at maghanda na lang ng maraming dasal para sa lahat ng surpresang darating? O dapat bang ipagdasal na umayos ang pulitika at administrasyon para maambunan ng konting ginhawa sa darating pang mga taon? Kailangan na ba talagang mangibang bansa para mas duly rewarded ang pagsusumikap? Ngi. Ayaw.

Lunes na naman. Kaya pa?

Monday, May 06, 2013

Start Ulit

If there's one thing that I love about life, it's the fact that you get zillions of chances in one lifetime. Walang game over hangga't buhay ka. So this week, these are my hopeful hopes:

1. Body - bye to yoga for now. I'm shifting to high impact cardio until I get over The Discouragement brought about by this discovery. Vaping. Vaping. Vaping.
2. Mind - bye to reading project for now. I need to concentrate on getting to know my new best friends - the tools we use at work.
3. Heart - need to draft a routine for my time with the Little One

Let's all be blessed with more fruitful "second" chances!

Saturday, May 04, 2013

Phase 2 is for keeps?!?

Hindi ko alam kung anong comprehension bug ang kumagat sa akin pero matindi ito. Excited na akong grumaduate sa Phase 2 ng South Beach Diet sa Monday. Buong akala ko, ang Phase 1 at Phase 2 ay tig-14 days lang. Yun pala, ang Phase 2 ay magtutuloy-tuloy hanggang hindi mo naabot ang iyong target timbang.

Pinanghinaan ako ng bilbil. Sa ilang subok na pumayat, parang ang trend eh hindi naman talaga ako pumapayat. Liliit ng kaunti, gagaan ang pakiramdam pero bilugan pa rin pagkatapos ng lahat. Hanggang ibaling ko na lang ang frustration sa pagkain.

Eh ganun eh.

Pero hindi naman maganda ang sumuko. Kaya sige, game. Fight kung fight. Sa totoo e wala naman akong pakiramdam na ako'y api (kahit maraming bawal). Ang matrabaho lang naman sa SBD ay ang pagpaplano ng pagkain at saka paghanap ng pagkain kapag hindi ka prepared at inatake ng gutom. Naiinip lang akong isipin kung gaano katagal ang matagal. At saka ang dream timbang ko ay 100 lbs. Eh ilang taon kaya yun? Sige na nga, dun na lang ako sa parang mas realistic na timbang. 125 lbs. Yan yata ang timbang ko sa unang pre-natal check-up noong 2008.

159 lbs today. Therefore, 34 lbs ang bubunuin.

Oink, oink, oink...

Friday, May 03, 2013

Precious Time

So there I was celebrating my 159-lb triumph... Yun pala, in July 2012, nasa 150 na ako eh. Pinabayaan ko lang. Ayan, ayan, ayan! Hay. Never again. Never, ever, again. Hindi ko na rin kakalimutan na may blog na pala ako para sa aking diet and exercise adventures.

Oh what a waist! Pun intended.

http://journeyto100pounds.blogspot.com/2012/07/thank-you-lord.html


Wednesday, May 01, 2013

My name is Obesa.

April Aspiration month closes with this... not bad for 15 days of effort. I never really weighed myself before I started all the interventions... I just know that last time I checked, I was almost at 165.





















My name is Obesa and May is all about endurance.



Thursday, April 25, 2013

(Part 2): Paano ko naintindihan ang number line

Ang "integers" ay isang pausong concept ng pagbibilang na sa imagination lang pwedeng makita o kaya sa drawing. Ang mga positive integers, sila yung totoo. Kung may P100 ka, hawak mo yun, positive. Ngayon pag wala kang pera at iniimagine mo lang na sana may P100 ka, negative yun. So kapag sinabing -100, hindi yun nahahawakan. Hindi pwedeng ibili ng pagkain.





















Therefore, yung ganitong drawing na tinatawag na number line, ganito natin siya tandaan.  Ang "zero" ay ang realidad. Pag nasa kanan ng realidad, totoo. Totoong number. Pag nasa kaliwa, imagination mo lang yan. Habang lumalayo ka nang lumalayo sa realidad (papuntang kaliwa), mas lumiliit ang halaga ng iyong mga paniniwala. So kunwari, feeling mo ang ganda mo. Yan ang point zero mo. Pag maraming nagsasabi sa iyo na maganda ka - kaibigan o hindi - totoo yan. Ngayon pag feeling mo ang ganda mo pero walang nagsasabi sa iyo, o kaya kabaligtaran ang sinasabi sa iyo, eh tamang hinala mo lang yon. Negative. Sa number line yang analysis na yan. Pero sa totoong buhay, ang point zero ay ikaw ang may hawak. Sana ay lagi mong ilagay yan sa totoong gitna. Kasi maraming naniniwala sa kanilang sariling version ng realidad. Nakakairita kang tao pag ganun (ok fine, siguro papasa ka na ring hopeful).

Apply natin para sure. Given the following statements nasa ibaba ang mga reakyson ng etchoserang frog:

0 = maganda ako 
5 = dami ng tao na nagsabing maganda ako
4 = dami ng tao na nagsabing maganda ako
-5 = dami ng tao na hindi nagsabing maganda ako
-4 = dami ng tao na hindi nagsabing maganda ako

Etchoserang frog says:

0 = ok, opinyon mo yan.
5 = aba oo nga maganda ka
4 = mas maganda pa rin kung 5 ang nagsabi (5 > 4)
-5 = chaka ka (-5 < 0)
-4 = mas maganda ka sa -5 pero chaka ka pa rin (kasi mas malapit ka sa 0, kaya [(-4) > (-5)]

Hiwaga ng negative integers. Ang (-100) ay laging less than (-50), kasi nga raw sabi ng mga nagpa-uso, pag mas malayo sa zero, mas maliit. Mas madailing isipin na kapag mas nega ang tao, mas mahirap pakisamahan (at mahalin). Puro reklamo, puro paawa, puro inggit, puro sila ang magaling --- papalayo nang papalayo sa realidad, sa totoo --- kung saan lahat naman tayo ay mga zero na nagpupursiging magkaroon ng halaga. Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay papunta sa kanan ng number line. Huwag nating ipilit na bumiyahe ng pakaliwa.

Image Source: http://iwl.einstruction.com/resources/screenshots/Adding%20and%20Subtracting%20Integers%20(UK).jpg

(Part 1) Sana ganito tinuro ang basic algebra sa akin

Laging pinapaalala ni Mrs. Ligliwa Caindec (+RIP), ang aming high school principal, na "you are scientians, you are extra ordinary ishtyudents!" Masarap marinig pero lagi akong napapaisip noon kung kasali ba ako. Hindi ko kasi hilig ang math at science. Ang inaabangan ko noong high school eh yung mga kwentong babasahin sa Filipino at English classes. Kasama rin ako sa mga sinabihan ni Mrs. T (hindi na lang natin papangalanan), noong panahong sumasagot na kami ng UPCAT form, na sinayang lang daw namin ang pera ng bayan dahil BA ang pinili namin at hindi BS. Naku Mrs. T, kung nakikita mo lang ang ITR form ko mula noong ako'y nagtrabaho, you will be so proud of me.

Nakagraduate ako ng science high school sa tulong ng astral projection. Isang malaking out of body experience ang makapasa sa advanced science and math subjects. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa kung paano yun nangyari. Ang mga special symbols ng Trigo, Calculus, Advanced Calculus, Physics, etc. ay nagsasayaw lang sa paningin ko. Gusto ko silang gawing design ng dingding at t-shirt. May mga pagkakataong sa mismong oras ng exam ko lang naiintindihan kung paanong gawin ang mga bagay-bagay. Balancing equation? Mas gusto kong pagtuunan ng pansin, sa pamamagitan ng walang hanggang pagtunganga, ang mga isyu ko sa buhay kapag inaatake ng hormonal imbalance.

Pero these past few days, natatakam akong aralin ang mga hindi ko pinagkaabalahan noong araw. Two nights ago, nagpapatulong ako sa Google para matutuhan ulit ang MDAS (Multiply, Divide, Add, Subtract - alam mo yan!) ng integers. And then I realized, sa tulong ng Multiple Intelligences Theory, kung bakit hindi ako nahumaling sa Algebra (yung iba eh saka ko na iisipin). Itinuturo kasi ang Algebra sa paraang swak na swak sa mga visual, logical and verbal learners. Lecture nang lecture ang sexy naming teacher na 22 lang yata ang baywang. Doon ako nakatingin. Iniisip ko kung anong parte ng digestive system ang wala sa kanya. Tapos sulat, sulat, sulat sa board. Pag nagbura, uubuhin. Lipad naman ang isip ko sa kaawa-awang lagay ng mga guro. Hindi ko alam kung sinasadya ba yun ng mga educators. Nag-aral naman sila ng adult learning concepts pero wagas ang loyalty sa tradisyunal styles. Yung kulang na lang may pulpito (well, may mesang sira-sira sa harap ng bawat classroom so parang ganun na rin). Sa tingin ko lang naman, ganito dapat tinuro sa akin (intrapersonal learner) ang MDAS for integers.

Kaya mo pa? Next post na. Ang haba na nito.

Saturday, April 20, 2013

Bagong uusisain: Blog ni AJ Perez

Nakita ko lang sa FB yung link papunta sa artik niya - sulat para sa ex ni Janine Tugonon. Nakakatuwa siyang basahin. Hindi mo siya titigilan. At sa post na ito, na-emo ako. Luha kung luha. Ang galing, pramis.

http://blog.ajperez.org/


Ang tawag daw ron ay salvation

"Maraming kumakalat na bali-balita, na ang kaligtasa'y madaling makuha."

Kahit noong bata pa ako, at kahit ngayon na bata pa rin naman, hindi ko naintindihan (ever!) ang obsesyon na "maligtas." Hindi ko masakyan yung takot na magkamali dito - ngayon - dahil ang kabayaran ay nasa kabilang buhay. Eh patay ka na, paano mo pang mararamdaman na mainit ang dagat-dagatang apoy?

Kanina, medyo na-gets ko yata ito finally. Binibisita ko ang aking mga halaman at napansing humahabol na naman sila sa paglago ng kilay ko. Lalo na iyung mga oregano. Gusto kong putulin ang mga sanga na lagpas na sa paso - para ilipat sa iba pang paso. Kaso, naisip ko, lilipat na kami ng bahay bago matapos ang taon. At sa bahay na iyon, wala pang kasiguraduhan kung may paglalagyan ng halaman. Dahil diyan, ipanagpasa-kung anupaman ko na lang ang kahihinatnan ng mga obese kong oregano. Noong isang araw naman, sininop ko ang mga burloloy ko sa katawan. Mga necklace, bracelet at hikaw. In preparation for the big move, nilagay ko na sila sa mga matibay na kahon.

Siguro, ganun ka-wild ang paniniwala ng mga utaw na nagdedeliryo sa kabanalan. Ayaw, takot, ingat sa paggalaw kasi may listahan na sila ng mga dahilan para ma-disqualify sila sa langit. Sigurado sila, gaya ng sigurado ako na lilipat na kami ng bahay. Eh pero pano sila sure? Kami may pinirmahang kontrata. Sila ba merong hawak na dokumento? Ang Salvation Suki Card ba nila ay may malinaw na terms and condition? Basta ang alam ko lang na meron sila ay tinatawag nilang faith. Iyun daw iyon.

Ay ewan. Ang punto lang naman ng post na ito ay maalala na finally ay naintindihan ko na ang obsesyon sa bukas na ni hindi mo alam kung nasaan. Habang sa pakiramdam ay naintindihan ko na, mas lalo ko pa ring   hindi naintindihan. Eto na kaya ang signs of wisdom? Charot!

Wednesday, April 17, 2013

Alin ka rito?

Click to view larger image













Sunday, April 14, 2013

Bakit ayoko na maging mataba

Alam kong maraming problema ang mundo pero ibalato na ito sa akin. Simula pa noong nalaman kong ang mga pantalon ko ay sa fat zones na lang pwedeng mabili, hindi na nawala ang obsesyon. Ayoko na. Ayoko na maging mataba.

Walang dapat sisihin kundi ako. Wala akong exercise, matakaw ako sa kanin. Ang almusal, meryenda, tanghalian, meryenda, hapunan at meryenda pa ulit ay laging kanin. Hindi ako nabubusog kapag hindi kasama sa menu ang extra rice.

Hindi pa abot ng kamalayan ko ang health risks ng pagtaba, pero alam kong pwedeng mangyari ang pagtaas ng presyon, heart attack at kung anu-ano pa. Kailangang aminin na ang obsesyon na ito, sa ngayon, ay mula sa purely cosmetic reasons.

Disclaimer: Kung mataba ka at hindi mo ito problema, I'm so happy for you. You, my adorable big woman idol, are free. Just don't judge. I may find your bliss somewhere, sometime...

Image Source: http://thecurvygirlsguidetostyle.tumblr.com
























1. Gastos sa damit

Kung bakit kasi ang presyo ng damit ay directly proportional sa dami ng tela na gagamitin para balutin ang mga bilbil at gumawa ng optical illusion na hugis tao ka pa rin kahit sa totoo ay isa kang naglalakad na higanteng bote ng mineral water.

Kung bakit din kasi, sa kagustuhan ng mga negosyante na alagaan ang mga matatabang market ay panay din naman ang taas ng presyo ng kanilang mga paninda. Hindi porke't mataba at maraming access sa pagkain ay marami ring pera.

























2. Mga damit na may binabagayan

Oo na, oo na. Kung tunay kang mulat na babae ay dapat alam mo na fat is beautiful. Pero aminin nating lahat na may mga yari ng damit na may binabagayan. Kapag naka-sleeveless, maaaring may mga tumawag ng pulis dahil parang may kaaway ang mga lawlaw na braso. Ang mga pantalon, kahit kasya na sana, ay nagmumura sa bandang puson. At natatakot kahit si Thor sa potential ng naglalakihang pata. Bakit kasi nalaos ang Rubenesque. Hay.

Image source is here



















3. Mga lalake

Or isang lalake. Na gusto mong angkinin. Iyong kahit may makitang sexy, ang sasabihin ay --- mas sexy jowa ko dyan! Kahit pinipilit niyang maging mabait at sinasabi niya araw araw na ikaw ang nag-iisang hot one sa kanyang universe, alam mo namang hindi ito supported by empirical data.


Image source is here

















4. Mga tao

Kahit mataba, namimintas ng kapwa mataba. O e ano ngayon? Masakit yon. Masakit. Kasi alam mong ikaw ang may gawa ng iyong timbang. Di tulad ng ibang disability na gawa ng Diyos, ang bilbil ay gawa ng tao. Kaya masakit.

Image source is here


















5. Mahirap kumilos

Aakyat ka lang ng mataas na hagdan, para kang sumusunod sa tawag ng kabilang buhay. Hindi ka pwedeng makipag-horseplay sa mga kaibigan kasi kakapusin ka ng hininga o kaya babaha ng sebo. Hindi ka rin pwedeng gumaya sa mga Koreanovela na bigla na lang pumapasan sa lalake ang mga babae kapag lasing or nalulungkot. Katapusan na ng lover boy mo kapag kinarir mong magpakarga.

At iyan, mga kaibigan, ang limang dahilan kung bakit ayoko na maging mataba. Please pray for me. Sa susunod na post ay akin namang pag-iinitan ang mga babaeng parang shredder kung lumamon pero hindi tumataba. Mga traydor.

Friday, April 12, 2013

Malinamnam

Noong nagsimula akong mangarap na makalipat sa bagong trabaho, inarbor ko ito sa bunso kong kapatid. Sabi ko may gusto akong puntahan at kailangan kong mag-aral para makapunta ron. Aba, nagdilang anghel. Nandito na ako. At kakaririn kong tapusin itong textbook, pati mga exercises.Ang sarap, sarap, sarap mag-aral.

Thursday, April 11, 2013

Ang Mga Turo Ni Mama at Papa

Inspired by my sister's FB post, this meme.
Warning: Possible offensive content

1. TRUST
Basta sinabi ko, yun na yun.

2. HUMILITY
Huwag kang mayabang. May mga bagay na hindi mo dapat sinasabi tungkol sa iyo. Antayin mong sila ang magsabi na matalino ka o magaling ka.
Commentary: Sana itinuro ito ng lahat ng magulang sa anak nila. Ang laki tuloy ng claims department sa mundo. Self-proclaimed writer, photographer, artist, etc. 

3. RELATIONSHIP
Kapag tinanong ka kung loyal ba sa iyo ang asawa mo, ang dapat na sagot ay "sa pagkakaalam ko, oo." Marami kang hindi alam.

4. HOW TO GET A GUY TO LIKE YOU
Anak, hindi ka maganda pero malakas ang charisma mo at maganda ang mata mo. Minsan, magpa-easy to get ka. Madali lang yun. Pag nagkasalubong na kayo ng tingin, huwag ka ng bibitaw ng titig. Ayus na yon. Tingnan mo yung mga kapitbahay nating teenager na kepapangit, ang daming lalake. Ang dudungis pa nun ah. Ikaw naman lagi kang naliligo.

5. NEVER ROMANTICIZE
Ako: Papa, kapag lagi kang inaayang kumain o magkape ng lalake, diba may gusto siya sa iyo?
Papa: Ay hindi ganun. Lagi lang yung gutom o kaya antukin.

6. MARRIAGE
Anong live in, live in? Gago ka ba? Ano ka, magpapalaway lang?

7. NO RULES AT WORDPLAY
~ Kawawa naman si Aling Something, sunod sunod ang trahedya nila. Yang pamilyang yan, kinantot ng malas ngayong taon.
~ Fetus ka pa lang, ang dami mo ng tanong.
~ (Nung malamang may ka-MU na ako) Bakit, nangangati ka na!?! Gusto mo ipatawag ko lahat ng lalake dito sa area natin at papilahin ko sayo para kamutin ka?!?

8. ESPIONAGE
~ Maingay ka raw sa klase kanina. Nababarkada ka na. May source ako, binibigyan ko lang ng meryenda para sabihin lahat ng ginagawa mo sa school.
~ (Hawak ang gutay gutay na scratch paper ko after ng quiz bee). Careless ka! Lumilipad na naman ang isip mo! Kala mo di ko malalaman at pinunit-punit mo pa ang scratch mo! Simpleng addition lang ang nagpatalo sa iyo!

8. REBELLION WITH A CAUSE (GREAT PREP FOR EMPLOYEES)
~ Hanggat dito ka nakatira at kami ang nagpapakain sa iyo, susunod ka sa mga patakaran dito. Kung kaya mo na sarili mo, o e di sumige ka. Hindi ka na namin pakikialaman.

9. HONESTY
~ Habang nakaluhod ako sa asin at humihingi ng sorry dahil itinapon ko ang abobong sitaw at nahuli ako --- Huwag ka sa akin mag-sorry. Ayan ang altar, diyan ka humingi ng tawad. Sinungaling! Sa Diyos ka nagkakasala pag nagsisinungaling ka!

10. WHINING (RESULTS ORIENTATION)
~ Bakit ka sumbong nang sumbong? Inaaway ka? Banatan mo! Bigyan mo ng isa. Kaysa ganyang dito ka nagmamaktol.

11. CELEBRATING DIVERSITY
~ Bobo ka ba? Sabihin mo lang kung bobo ka. Kasi kung bobo ka, hindi na kita papagalitan. Maiintindihan ko na bobo ka, kaya ka ganyan.
~ Retarded ka ba? Sabihin mo lang kung retarded ka. Kasi kung retarded ka, hindi na kita papagalitan. Maiintindihan ko na retarded ka, kaya ka ganyan.

12. RESPONSIBILITY
~ Kapag nakalimutan mo ulit itapon ang basura, pupunta ako sa eskwela niyo at iaabot ko ang basura sa iyo.
Kapag nakalimutan mo ulit itapon ang basura, ilalagay ko iyan sa loob ng bag mo.
~ Ayaw mong iligpit ang kalat mo? Itatapon ko na para wala ka nang ililigpit habambuhay [sabay liparan ang mga laruan palabas ng bahay].

13. BOOKS BEFORE ANYTHING (GREAT PREP FOR GY SHIFT)
~ 25 pages per night, per book, for all textbooks --- rule from Grades 1-6. May quiz pagkatapos.
Ako: Eh pano yun, nauuna na ako sa lesson? Mauubusan na ako ng babahasin bago pa mag-second grading?
Mama: Eh di maganda, alam na alam mo na bago niyo pa pag-aralan.

To be continued...