Nuffnang

Pages - Menu

Thursday, August 22, 2013

Umaatikabong Beklog (Backlog!)

Sana ay ligtas at tuyo kayong lahat matapos ang ilang araw na hagupit ni Maring at ng habagat at ng kapabayaan ng mga dapat nangangalaga ng lahat ng butas ng Pilipinas.

Handami nang nangyari mula nung huli kong post. Flashback tayo, konti lang.

1) Nabidyo

Eto. Anong masasabi niyo sa Sex Scandal ni idol at ng kanyang binibini? Well, unang una, hindi ko alam na may bago na pala siyang jowa ah. Kala ko after K.A. ay nanahimik muna si lolo sa kawalan. Yun pala may N.N. na. Tama naman ang sinasabi ng lahat, ang dapat lang sisihin dito ay yung malisyosong nagkalat ng video. Consenting adults naman silang dalawa at walang bahid ng "napipilitan" lang sa kanilang mga actions. Napanood ko. Uhm, sana hindi. Ngayon tuloy, hindi pa akong handang marinig muli ang "Don't Touch My Birdy." Ayun pala ang nangyayari. Kyut nitong pekatyur o. Kaklase ko yan dati. Hindi yan si C. Ang galing lang ng pagkakagaya niya kaya kinuha ko sa Facebook.Hindi ako nagpaalam, wag niyo gamitin please.
























2) Nababoy

Eh ito naman? Ay naku naku naku... mahabang usapan yan. Sasama ka ba sa August 26? Ako hindi. Kasi risky. Pag nagkapukpukan, may anak at asawa akong maiiwan. Pagdadasal ko na lang na magtagumpay ang mga matagal nang tinotorotot na mga taxpayers. Pwede rin kayang mag-economic strangulation tayo against the government? Lahat ng registered businesses ay hindi magre-remit ng tax hangga't hindi natin nakukuha ang mga gusto nating mangyari? Handa ba tayo? Parang hindi. Pero parang sa ganitong laro lang mababaldado ang mga nanggigipit sa atin. Yun nga lang, dapat lahat, lahat, lahat! Kung may isang hindi sasali, eh wala na. Kay Vicky Morales lang tayo pwedeng humingi ng tulong. Hilingin natin at sabay-sabay tumunganga kung anong mangyayari.














3) Nabagyo

Ang Pilipinas, lagi na lang kawawa pag may kalamidad. Iba't ibang level nang pang-aapi nga lang. May mga nawalan ng bahay, ari-arian at buhay :(. May mga empleyadong tinuturing na sirena ng sistema. Wala nang pasok ang mga estudyante at government employees pero ang mga nasa private eh "business as usual." Buti na lang nasa kumpanya akong mabuti at makatao. Eh yung iba, parang mga gago. Hindi ko na expound. Baka bumaha ulit.

4) Namanata

Ako lang yan. May dalawang bagay akong kailangang kailangang makuha. Yosi at kape ang ginawa kong ransom. Sabi ko pag nakuha ko yung isa, hindi na ako magyoyosi ever. Yung isa naman, hindi na ako magkakape. Actually baligtad pala. Hindi na ako magyoyosi at magkakape para makuha yung dalawa. Semplang na ako ron sa isa. Yung sa kape, hindi pa. At mahaba pa ang mga araw, baka naman kaya ko pa pareho. Pakisama na lang sa inyong mga prayers.

Ayan. Updated na ako. Hanggang sa muli. Stay safe and dry guysh!

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!