Thursday, August 15, 2013
[Buwan ng Wika Series] Dila mong dakila
Kagabi, may magsing-irog na naglalambingan sa kanto ng Ayala. Nakasalubong ko sila kaya dinig na dinig ko nung sinabi ng babae sa lalake na: "I love your tongue." Nanlaki ang mata ni kuya saka napalunok. Nagkatinginan kami at gusto kong pasalubungan siya ng masigabong palakpakan para sa kung anumang talent portion ang nagagawa ng kanyang dila.
Dila ni kuya aside, alam nating lahat (I hope) ang kasabihang "ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda." Pano ba pinapakita yang pag-ibig na yan? Sa mundong ating ginagalawan, kahinaan at katatawanan kapag ang tao ay may "p and f" or "b and v" defect. Parang kinikiliti ng demonyo ang mga magagaling umingles kapag may nagkamali. O kaya naman, yung mga may angking kakayahang mag-tunog kano kahit di pa nakakatungtong ng US ay ginagawang panakot sa mga kawawang kahera at sa kung saan-saang tindahan ang kanilang flawless American twang daw. Pinakawild noong nasaksihan ko ito sa mga agent na bumibili ng squidball at kikiam. Meron ding nag-call center agent lang ng dalawang buwan, pag umattend ng kahit anong reunion, umeeksena na agad na hirap na mag-tehgelog.
May mga kontekstong binabagayan ang ingglisan. May mga trabaho at "mundo" na iyan ang puhunan. Yun, wala tayong magagawa ron. Pero kung nasa kanto ka lang ng baranggay niyo, nasa bus, nasa jeep, nasa kuwartong puno ng taong nakakaintindi naman ng Filipino, aba, subukan naman natin. Kung likas kang ingglesero, try pero di ka required (at saka most likely di mo naman binabasa ito o kaya binabasa mo pero di mo maintindihan). Kung di ka Manilenyo, kahit ano pa yang diyalekto, basta lahat ng kasama mo maiintindihan ka, go for gold!
Mahalin natin ang dila natin. Mother tongue. Inang dila. Diba ang sarap ng pakiramdam na masabihang --- I love your tongue?
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!