Nuffnang

Pages - Menu

Sunday, July 07, 2013

Refresher Lessons: What we should have learned in Kindergarten

Habang nag-chichikahan kami nila KittenDreams, Gagamgirl at GangstaGrahoppa, isang bagets ang nagka-lightbulb moment. May gusto siyang itanong kay Mr. G. Hindi makakapaghintay ang tanong ng batang ito kaya agad niyang isiningit ang kanyang katawan sa gitna naming lahat --- pati sa gitna ng binubuo kong sentence. Kagila-gilalas. Sarap batukan.

Anyways, yaman din lang at medyo napapadalas ang usapan naming mga not-so-young sa kung paanong "iba na ang mga kabataan ngayon," dapat na itong isulat. For the first time, hihiling na rin ako na sana, this entry goes viral. Malaki ang pangangailangan ng mundo para sa refresher lessons on the things na dapat ay alam na natin noong mga bata na tayo. Depende sa iyong edad, ang tawag dito ay GMRC (Good Manners and Right Conduct) or Values Education lessons.

1. WAIT FOR YOUR TURN

Sa kwentuhan, sa pila, sa recitation sa klase, kahit saan. Mag-intay tayo guysh. Sa Facebook, Twitter at kung anu-ano pang social media na virtual tambayan ng karamihan these days, ang bawat user ay diyos. Siguro, dahil diyan, nadadala ng mga tao ang asal-kilobytes. Click-happy. Deadma yan kung nasa cyberworld. Pero sa totoong buhay, mag-intay naman plist. We understand. This is the "me-me-me!!!" generation. Pero habang we share the same soil and oxygen supply, wait for your turn. 

2. DIG YOUR EARS. LISTEN.

Sa ilang klase ng mga young adults na naturuan or napanood ko, usong uso ang mga di nakikinig. Tapos kapag biglang may kailangan na pala sila, guguluhin nila lahat para magtanong (and back to #1, kahit may iba pang nagtatanong eh isisingit ang sariling tanong). Walang tiyagang makinig ang mga tao ngayon. Nakakapagod.

3. DON'T FORGET TO SAY THANK YOU

Sa Facebook, nagla-like. Sa Twitter, nag-RT. Sa totoong buhay, kapag ginawan ng mabuti --- deadma.

4. DON'T FORGET TO SAY SORRY

Ang uso ngayon ay maghanap ng sisisihin. Tapos magmamatapang. Ganyang ganyang ganyan. Actually, kumplikado itong #4. Kasi, ang ibig sabihin ng "sorry" ay nakakabit sa konsepto ng accountability. Eh... parang laging out of stock yan these days. 

5. TANTRUMS = TODDLERS

Buzz word sa maraming circles ngayon ang tantrums. Yung pagsusumpong at pagsusuplada, kahit wala sa lugar. Ok lang yan. Kanya-kanyang trip yan. Pero ang tawaging "tantrums" ang mga ganitong episode ay nakakapagpabansot sa adult sense and sensibility. Ang batang nagta-tantrums, hindi puwedeng sisihin. Kasi bata eh, so medyo lang right niya yan. Ganun ba ang gustong ma-achieve ng mga matandang nagta-tantrums? Yung wala rin silang responsibilidad para sa inaasal nila? Tandaan. Ang tantrums ay pang-paslit. Ang adult na nagta-tantrums ay... ewan. Di ko talaga yan masakyan.

6. BULLYING IS NEVER A LAUGHING MATTER

Nagugulat ako na these days, may mga nag-aakalang magandang niche at source of pride ang maging bully. Minsan nga, institutionalized na pala ang maging bully. At may mga official list na rin ng mga taong paboritong i-bully. Humankind has always been associated with the insatiable need for supremacy. Big word. Supremacy. Hindi maging bully. I vow never to use the word. NEVER. And I am encouraging everyone to do the same. Maraming synonyms. Baka ang ibig sabihin eh masama ang ugali, mapanlamang, mayabang, makasarili. Then let's call them that. Tantanan na natin ang salitang bully kapag graduate na tayo ng Grade 2.

Ayan, medyo nakagaan na ng loob. May naiisip ka pa ba? Dagdag mo dali!

1 comment :

  1. Pakidagdag ang paggamit ng OC as if isa syang magandang bagay.

    ReplyDelete

Yum-ment!