Image is from here |
Hindi nga lang ako natutuwa sa mga ilang taong nakatungtong lang ng mat ay inari na ang title na "sage." Grabe ang mga pangaral ha. Nasasakyan ko yung mga bale-balentong pics na nakaparada sa Facebook. Masaya naman talaga yun. Pero yung umaatikabong pangaral, medyo nakakaumay. Sabagay, kanya-kanyang trip lang yan. Huwag lang kalimutan ang paboritong aral ng kahit sinong yoga teacher. The discipline is designed to keep us grounded.
Image is from here |
Kasabay ng pagdami ng nagyo-yoga practice, dumarami na rin ang mga yoga teachers! Amazing! Sana, sana, sana, magdilang anghel ang law of supply and demand. Ganyang trending ang pagtaas ng supply ng yoga teachers, sana bumaba na ang presyo ng yoga classes. Sa ngayon, ang mga biik na gaya ko ay nakakatungtong lang ng studio pag may promo, o kaya yung paisa-isang buwan. Or sana, dumami pa ang lahi ni Teacher Nancy Siy na walang katulad ang dedikasyon sa pagdadala ng yoga sa lahat ng may gusto. May free class siya kada Linggo sa Legazpi Active Park.
Siya si Teacher Nancy. |
Nami-miss ko mag-yoga. Iyon. There's a fire in my bilbil-belly. Sana makabalik na ako. Ang gulo lang kasi ng buhay. Nawasak ang momentum ko. Sayang ang nasimulan.
Let's end this post with a beautiful mantra na peborit ni Noreen. Sabi niya, at totoo naman ito, ang sarap nito sa puso. Mahirap gawin lalo sa mga tumityanak sa buhay ko, pero I'm trying by best. Promise. At habang di pa ako nakakapag-practice, kahit sa isip lang muna, ayos na ito. For now.
"Lokah samasta sukhino bhavantu" - "May all beings everywhere be happy and free and may the thoughts, words and actions of my own life contribute in some way to that happiness and to that freedom for all." - Sanskrit Devotional Mantras
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!