Nuffnang

Pages - Menu

Saturday, April 20, 2013

Ang tawag daw ron ay salvation

"Maraming kumakalat na bali-balita, na ang kaligtasa'y madaling makuha."

Kahit noong bata pa ako, at kahit ngayon na bata pa rin naman, hindi ko naintindihan (ever!) ang obsesyon na "maligtas." Hindi ko masakyan yung takot na magkamali dito - ngayon - dahil ang kabayaran ay nasa kabilang buhay. Eh patay ka na, paano mo pang mararamdaman na mainit ang dagat-dagatang apoy?

Kanina, medyo na-gets ko yata ito finally. Binibisita ko ang aking mga halaman at napansing humahabol na naman sila sa paglago ng kilay ko. Lalo na iyung mga oregano. Gusto kong putulin ang mga sanga na lagpas na sa paso - para ilipat sa iba pang paso. Kaso, naisip ko, lilipat na kami ng bahay bago matapos ang taon. At sa bahay na iyon, wala pang kasiguraduhan kung may paglalagyan ng halaman. Dahil diyan, ipanagpasa-kung anupaman ko na lang ang kahihinatnan ng mga obese kong oregano. Noong isang araw naman, sininop ko ang mga burloloy ko sa katawan. Mga necklace, bracelet at hikaw. In preparation for the big move, nilagay ko na sila sa mga matibay na kahon.

Siguro, ganun ka-wild ang paniniwala ng mga utaw na nagdedeliryo sa kabanalan. Ayaw, takot, ingat sa paggalaw kasi may listahan na sila ng mga dahilan para ma-disqualify sila sa langit. Sigurado sila, gaya ng sigurado ako na lilipat na kami ng bahay. Eh pero pano sila sure? Kami may pinirmahang kontrata. Sila ba merong hawak na dokumento? Ang Salvation Suki Card ba nila ay may malinaw na terms and condition? Basta ang alam ko lang na meron sila ay tinatawag nilang faith. Iyun daw iyon.

Ay ewan. Ang punto lang naman ng post na ito ay maalala na finally ay naintindihan ko na ang obsesyon sa bukas na ni hindi mo alam kung nasaan. Habang sa pakiramdam ay naintindihan ko na, mas lalo ko pa ring   hindi naintindihan. Eto na kaya ang signs of wisdom? Charot!

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!