May manok na. Yey?
Throwback: Nung vegan pa sila.
(Recipe ito ng nanay ko, palakpakan naman diyan! Ito ay mainam sa mga nagaambisyong mag-diet, magpaka-healthy o sadyang ginagahol lang sa oras ng pagluluto.)
INGREDIENTS
Sayote (Google mo, may English yan!)
Chicken (skinless fillet kung nagbabantay ng BP)
Garlic and Onion
Salt and Pepper
Chicken Bouillon Cubes (optional)
INSTRUCTIONS
1. Maglagay ng swabeng dami ng tubig sa kaldero.
2. Ilagay ang sayote na hiniwa ayon sa binubulong ng iyong damdamin.
3. Matapos ang 15-20 minuto (o basta kapag mukhang hinog na sa kulo ang sayote, ilahok ang manok).
4. Antayin silang maluto. Kung wala ka ng ipin, mas matagal ang paghihintay para madgurog ang sayote (pero titigas ang manok so choose wisely).
5. Ilagay ang mga pampalasa. Chicken cubes ang madalas ilagay pero hindi na kami gumagamit nun, (isang taon na yata ang nakalipas). Asin/patis at paminta ang kakampi kung ayaw makaramdam ng awa sa sarili.
6. Tapos na. May gusto ka pa ilagay? Tapos na, ok? Tanggapin na natin.
Wednesday, July 08, 2015
Nilagang Sayo-Te Amo
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!