Thursday, December 31, 2015
Saying goodbye to LingLing in 2016
Tuesday, December 29, 2015
Judging by the last working day in 2015
Monday, December 21, 2015
Mga Taksil - Huwag Tuluran
Lalake: Babe, sorry na. Sorry, nasa grocery ako binibili ko yung mga inutos mo. Sorry na. Punta na ako diyan. Babe, chill lang.
Hindi ko napaghandaan ang kasunod na eksena. Nanigas ang buong katawan ko, hindi ako agad nakakuha ng litrato. Naghalikan sila. Torrid. Matagal. Naririnig ko pa ang sshlrrrp mula sa kinalalagyan ko. Tapos sabi...
Lalake: Ang sarap ah. Sige alis na ako.
Isang halik pa ulit. Tapos balik ang halimaw sa telepono. Kausap ulit yung "babe" niya na naghihintay sa kung saan. Habang kausap ni lalake ang tunay niyang babe, nakatitig lang ang kalaguyo. Nangingiti, nagco-coach pa na "relax lang."
Tapos nagpasama na si lalake. Bibili sila sa grocery ng mga gamit para kay "babe."
Gusto kong mag-eskandalo. Gusto kong sabunutan yung long-legged at sexy na kalaguyo. Gusto kong batuhin ng mug ng kape yung tarantadong lalake. Sana mas mabilis ang reflex ko para mas malinaw ang litratong nakuha ko. Sana bionic ang paningin ko para nasulyapan ko ang number ni "babe" at naisumbong ko ang mga taksil na ito.
Sana magkaroon ng batas laban sa pangangaliwa kahit hindi sakop ng kasal. Pagnanakaw yan e. Mga gamit na ninakaw, robbery. Paano yung mahal mo na ninanakaw sa iyo?
Sunday, December 20, 2015
Friday, December 18, 2015
Ilocos Manang Joy Empanada
May iba't-ibang uri ng empanada silang tinitinda. Sinubukan ko yung simple lang kasi pritong empanada virgin ako. Ayoko muna ng kumplikado. Sa lahat ng pagpipilian, ang pinakamura ay yung tinatawag na "Special Empanada." Mura pero special. Parang ako lang iyon kaya siguro napabili ako.
Ito yun sa malapit. Malakas itong maka-broken heart. Natakot ako.
Wednesday, December 16, 2015
[mixedsocialmedia007] Ang mga hinahamon! Dumating na ang Christmas Baskets namin. Sana ang inyo rin. Mas gusto ko ang Christmas Basket kaysa Christmas Party. Dati nung parte ng trabaho ko ang maging punong abala sa company events, nagpa-survey kami. Tinanong namin kung ano ang gusto ng mga tao - party na bongga, kainan sa opisina o Christmas Basket? Nanalo ang Christmas Basket pero nanalo ang mga party people na decision makers sa huli kaya nauwi pa rin ang social research sa isang bonggang party. The people have spoken but who cares right? Imagine kung anong laman ng Christmas Basket kung yung perang nilagay sa party parteh e nilagay na lang dun. But then again may mga taong mamamatay sa lungkot pag walang party. Inuunawa ko na lang sila. Buti na lang sa trabaho ko ngayon, may party na, meron pang basket.
Kinausap ko si Mama Mary
Tuesday, December 15, 2015
[mixedsocialmedia005] Kailangang maibigay ko na ang regalong pamasko sa mga karamay ko sa trabaho. Anim sila. Ang ganda ng mga concept ko nung Enero, pero mananatiling concept na lang yan kasi crunch time na. Naisip ko na Purefoods Tender Juicy Hotdog ang iregalo sa kanila. Dahil walang may ayaw sa hotdog sa team namin. Pero sabi ng asawa ko, at naniniwala naman ako, medyo jologs. Sabi pa niya, hindi ikaw ang may-ari ng kumpanya para magregalo ng processed meats! Oo nga naman. Pang-Christmas Basket yun. Back to the drawing board.
[mixedsocialmedia004] Napansin niyo ba na lahat ng pinagagawa na hindihalata ay mahal? Gaya ng make up na kunwari parang walang make up.Lampas dalawang dekada na mula noong inayusan ako sa parlor. Nasalilang ako sa sagala. Nung Sabado, inayusan ako ni Orly. Mac productslahat ng gamit niya saka yung mga brush may 4K daw yung isa. Pero masnaniniwala ako na maganda ako rito dahil maganda talaga ako ever.Echoz. Choke only. Maganda ako rito kasi mahal niya ako. End of sharing.
[mixedsocialmedia003] May bago akong nilalaro. Tinotodo ko ang volume ng Out of My League (acoustic version, Stephen Speaks) habang naglalakad at naka-earphones. Nagkukunwari akong bridal march ko ang lakad mula kanto ng Ayala hanggang Reposo. Ngumingiti-ngiti ako sa paligid, kunwari nagsasabi ako sa mga kaibigan at mahal sa buhay na "thank you guysh, ito na iyon!" May moral lesson ang role playing sessions na ito. Hindi nadedehydrate ang tao sa pag-iyak. At saka kanina, dahil sumabay ang malakas na buhos ng ulan, nakaisip ako ng bagong wedding concept. Pasadya ng ulan for a more dramatic effect.
[mixedsocialmedia002] Naniniwala ako sa kasabihan na your circle of concern should fall within your circle of influence. Kung masyado kang concerned pero wala ka namang power, lakihan mo yung circle of influence mo. Google niyo na lang kung paano. Therefore, hindi dapat winiwish ng mga babae na ang partner nila ay kasing sweet ni Chito. Dapat maging kasing-perfect tayo ni Neri. Simulan natin sa dapat ganun kahaba ang legs natin at ganun tayo ka-flawless saka natin gayahin yung mabubuting katangian. Tingnan natin kung di tayo manahimik na lang.
Friday, December 11, 2015
Bakit Hindi Ko Sila Mapataba?
Kaya lang minsan, hindi ko rin mapigilang mapaisip kapag may kumukutya sa aking pagiging asawa. Bakit daw ba hindi ko mapataba si Sir_Ko (sama na riyan ang mga anak ko na mga tikling din gaya ng tatay).
Oh well. Kaya ko lang naman naisip ito e dahil dito. Sabi kasi, kaya raw mataba na si Chito eh dahil sa alagang Neri.
Tuesday, December 08, 2015
Saturday, November 28, 2015
A Second Chance – A Very Very Personal Reflection Essay
Friday, November 27, 2015
Saturday, November 21, 2015
Stormed
Katatapos lang din ng bulyawan at public humiliation session dito sa bahay. Ako raw ang may kasalanan kaya ako nagkakaganito kasi kung kelan dapat natutulog ang tao ay gising ako. Saka yung oras ng pahinga, ang inaatupag ko ay kape at yosi at tambay mag-isa. Problema raw akong nanay. At ayan, hindi makaluto ng pananghalian kasi puyat!
Minsan nakakapagod na ipaalala sa lahat na labinlimang taon na akong GY (graveyard schedule). Ang tulog ko ay kapag pasikat na ang araw. Noong medyo bata pa ako, kaya ko pa mag-hunyango ng body clock. Ibato ako sa umaga, ok, gabi ang tulog. Hindi ko na kaya iyan mula pa noong una akong nanganak pero sinusubukan. Tatlong araw na akong naghahanda/nagluluto ng almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Unang araw ko pa lang sumablay at mukhang hindi valid reason ang thyroid storm.
Minsan gusto ko rin itanong sa mga nagrereklamo kung kahit minsan sinamahan ba nila ako sa mga gabi o bukang liwayway buhay na buhay ako? Wala kasi akong maalala. Tulog sila kapag gising ako. Gising ako kapag tulog sila. Puwede bang iwan na lang sa ganyan at huwag na tayong maghanapan? Napapagod na ako magpaliwanag. Pagod na pagod na pagod na ako.
When will these storms ever end?
What APEC 2015 Meant To Me
Hanggang sa susunod na legal holidays na sana ay long weekend. Mabuhay!
Tuesday, November 17, 2015
Street Porn?
Monday, November 16, 2015
Saturday, November 14, 2015
Introverting :D
Nainlab ako sa image na makikita niyo ng tatlong beses sa ibaba. Ang simple pero ang powerful. Naisip kong gamitin para sa pakyut na artwork na alay ko sa isang kaibigan. Hindi kasi madali ang buhay namin. Kung pwede lang gamitin ito na parang bag-wa na magtataboy ng mga taong walang pahalaga sa aming pagkatao. Ok hanggang diyan na lang ang puwedeng sabihin.
Friday, November 13, 2015
Ganito ang lost and found ko
Ang boy ay hindi tunay na pangalan. Siya lang kasi ang nagiisang boy sa aming grupo.
===
Mga Kasama,
Nakaupo ako sa sahig kanina (huwag na itanong kung bakit) noong nakita ko ito. Kung sinuman ang umuwi na isa lang ang hikaw, nasa akin ito pero wala ang pakaw.
CC Boy?
Thursday, November 12, 2015
Watcha gonna do with all that blood, all that blood inside your lab
Chinese ang doktora ko sa thyroid. Kaya siguro hindi siya kuntento sa lab results na hindi six decimal places ang isinuka ng laboratoryo. Sabi niya, "ano ang ibig sabihin ng less than 0.0005? dito mo sa Nuclear Medicine ng Makati Med ipagawa para mas sigurado tayo." Astig talaga si doktora. Maganda na, bespren na ng mga may thyroid problems at diabetics, best in Math pa. Mahal ko siya kaya lang talagang for our relationship to work, dapat sinasabuhay ko ang "love is patient and kind." Tatlo hanggang apat na oras lagi ang inaantay ko tuwing magpapatingin ako sa kanya.
Buti na lang, may HMO benefit kami sa work. Hindi ako ang nagbayad ng PHP 3,510.00! Hindi rin ako ang nagbabayad kay doktora. Huwag lang sana ako lumagpas sa quota this year and the years to come.
Monday, November 09, 2015
Maulang Lunes
3. BECOME FLUENT IN THE LOVE LANGUAGE OF YOUR SPOUSE.
Your spouse has one particular “language” in which he or she best communicates love. The five languages are acts of service, words of affirmation, quality time, gifts, and physical touch.
If your husband’s language is acts of service, you can give him a hundred handwritten cards with profound declarations of love, but he will not feel loved until you help him in the yard or run an errand for him. If your wife’s language is quality time, you can wash her car and take out the trash every week, but she will not feel loved until you sit across from her, linger over a cup of coffee, and look into her eyes.
Chances are good that your spouse’s primary language is not your language. It is important not only to speak your spouse’s love language, but also to listen in that language. Translate for yourself so that you can receive your spouse’s expressions of love to you.
It takes just one of you becoming bilingual to communicate love effectively–but it does take one.
Gary Chapman’s book The 5 Love Languages is one of the most helpful books on marriage that you can read. If you aren’t familiar with the love languages, learning about them will benefit your marriage dramatically. (from here)
Wednesday, November 04, 2015
Misery Loves Geekery
Now. Can someone explain to me kung saan nakuha ng anak namin ang kanyang one and only favorite word na "KAKAK?" Wala naman kaming family member na gansa o itik na paos. Nag-Google ako, try lang. Medyo kinilabutan din ako sa findings. Nauso ang KAKAK ni Potling nung bago pa lang na pinapanganak si Sopling, ang kanyang baby brother - when she became a KAKAK (older sister). Could it be, that we are raising an Indonesian kid? O xenoglassy? Puwede ba yan iresearch ng MIT? Humor me?
http://www.wordsense.eu/kakak/ |
Tuesday, November 03, 2015
Popoy and Basya - A Case Study
Tayong Dalawa
Rey Valera
Kapwa lumuluha kapwa nasasaktan
Bakit tinitikis parin ang isat isa
Lagi na lamang bang ganito ang buhay natin
Di na matitiis paghihirap ng dibdib
Sanay nadarama mo rin ang paghihirap ko
At sanay pakinggan ang pakiusap ko sayo
Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo
Pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko
Maaari bang sanay patawarin mo ako
Pagkat tayong dalawa ay sa isat isa
Di na matitiis paghihirap ng dibdib
Sanay nadarama mo rin ang paghihirap ko
At sanay pakinggan ang pakiusap ko sayo
Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo
Pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko
Maaari bang sanay patawarin mo ako
Pagkat tayong dalawa ay sa isat isa
Hit It, Whitney!
I feel the need to run to someone. Hindi na healthy itong ilang buwan na akong tumatawid ako ng Reposo tapos gusto ko tumigil sa gitna para dun pumalahaw ng iyak. Marami naman sigurong gusto makinig, sigurado naman ako ron. Kaya lang mataas ang requirements ko sa paga-abutan ko ng puso ko. Dapat equipped with the skills below. Kasi kung kulang, eh wala tutungangaan ko lang yan o kaya mapapagod lang ako. Ayaw. And please don't tell me to pray, because I do. I really do. Kaya lang paminsan-minsan tao rin ang kailangan ko. Nahahawakan, naaamoy, nakikita. Ay wait, I'm blogging. Nagsusulat naman ako. Writing heals, mapapangiwi lang siguro ang makakabasa. Who needs people when you have words? Maybe you will if the people came with words that heal. Ayan nawala na ako sa requirements. Ito na.
- Active Listening (includes paraphrasing and checking for understanding) skills
- Demonstrate empathy and sincerity
- Facilitation Skills
- Un-Problem Solving and Decision Making - hindi ko yan kailangan these days
In Memoriam
Kung hindi man ako in sa pagco-costume at pamimigay ng candy kapag araw ng patay, bawing bawi naman ako sa tradisyon na pagsisindi ng kandila. Severe ang pagsunod ko sa tradisyon na ito. Seryoso. Kinakausap ko lahat ng namayapang kamag-anak at kaibigan bago magsindi ng kandila. Dati nagsisimula ako sa pag-aalay ng dasal para sa kapayapaan nila pero mula noong magkaroon ako ng asawa at mga anak, ang unang sinasabi ko agad sa kanila ay huwag muna akong sunduin. At huwag din yung mga mahal ko. Tapos saka ko na tinatanong ko kung kumusta sila. Siguro totoong nalalagay nga sila sa tahimik at payapa kasi kahit sinusubukan ko lang sila kontakin, napapayapa rin ang kalooban ko kahit may lungkot at pagka-miss (lalo na lately na mga kaedaran ko na ang nauuna). Special mention this year si Mama Cris. Paano darating na si Madonna next year, kinamatayan na niya ang paghihintay. Peace, Mama Cris!
Dahil wala kaming gate, garden o kahit anong espasyo sa labas ng pinto na puwedeng paglagyan ng kandila, kung saan-saan ko nilalagay ang aking pakulo. Nung matutulog na kami, sa lababo na lang para safe.
Nasaan ka man, kahit ano pa ang itsura mo nung weekend, sana hindi mo SILA nakalimutan kahit hindi nag-declare ng holiday ang gubyerno. Sabagay pang trick or treat din naman ang katatakutan na gastos nung summit nila. Lalo pa at alam mo na sa buwis mo yun kinuha.
Ay one more thing. Kapitbahay ng aming global village ang sementeryo. Ito ang view mula sa elevator lobby. Palubog pa lang ang araw nito kaya medyo maliwanag pa. Kasing liwanag ng benta ng mga pabrika ng kandila. Pasesnya na at medyo malabo.
Wednesday, October 14, 2015
Photo from our bedroom?
I think sa amin galing ang inspirasyon ng pekatyur na ito. Ang buhol buhol na mga kable ng kuryente sa isang sulok ng aming kuwarto na ngayon ay isang patuloy na lumalaking kumunoy ng alikabok, buhok, ipis at dinosaur kapag bumalik na sila sa earth.
Gusto ko sana ganito kasinop. Tingin ko aayos ang buhay ko kapag naayos na rin ang aming mga kable. Ngek.
Tuesday, October 13, 2015
Almost Done
Monday, October 12, 2015
Chito and Neri
Bisyo ang pagsilip sa Instagram accounts nila Chito at Neri. Bisyo kasi napakasarap gawin kahit masama para sa akin. Sabi ng isang kaibigan, nakakamatay ang inggit. Siguro kung mahina ang kapit ko sa tunay na buhay, matagal na akong natagpuang patay sa harap ng laptop. Last pages visited, The Mirandas. State of womanly affairs, PMS-ing. Ay naku, iba ang kulo ng utak kapag namamatayan ng itlog.
Don't get me wrong, wala naman kaming major-major marital problems ni Sir_Ko. Ako lang ang may problema with some very very very unrealistic expectations. Hindi pang-mundong ibabaw at lalong hindi pang-here and now. May kumag na nagtanong kay Chito. Ang sabi "Ng tatampuhan din po ba kayo? Abnormal din kasi ang sobrang sweet." Ang bagsik ng reply ni kuya.
"oo naman...pero inaayos namin sa mahinahon na paraan at hinding-hindi namin kilakalimutan na mahal namin ang isa't-isa. And no...hindi abnormal yun sa mundo namin yung sobrang sweet. Siguro sa mundo mo oo, pero sa mundo namin, hindi"
Ang taray diba? Meron silang sariling mundo. Ang problema sa akin, meron akong tinitirhan na tatlong mundo pagdating sa pag-ibig. Yung mundo niya, mundo namin, saka mundo ko. Bawat mundo, iba't iba ang kultura at saligang batas. Ang katawang pantao ko ay nasa mundo namin- yung mundo ng compromise, bills to pay, children, work at kung anu-ano pa. Ang sinisikap kong maging at siyang origin ng aking mga pananakot sa sarili ay galing sa mundo niya. Ito yung mundo na may view ng version ko na naniniwalang I truly deserve him. Yung puso ko, nandun sa mundo ko. Kasama ng mga unicorn.
I guess only time will tell kung healthy ba ang ganito. Kunsabagay, lampas isang dekada na kaming magkasama, parang ok naman. Nawawala lang naman ako katinuan kapag namamatayan ng itlog (PMS) at saka kapag may nakikita akong mga kababayan ko, mga anak ng Planet Romantiko. In the meantime, song and dance na lang muna tayo.
Sa iyong ngiti at kislap ng iyong mata
At kilos ng iyong labi ako'y nabighani
Bawat galaw at kilos nitong daigdig
Ako'y sirang romantiko sa ihip ng hangin
Sana naman madama mo na rin ang
Ang iyong damdamin wag ng pigilin
Kita mong minsan lang maglalambing
Hawakan mo ang aking kamay wag pigilan
Tayong dalawa ay tutuklas ng hiwaga
Magtiwala ka naisulat na ng tadhana
Lunes Na Naman
Image Source |
Kada Lunes ay mataas ang expectations ko sa sarili ko on three recurring themes. Hindi na ako magyoyosi. Hindi na ako kakain ng pang-tatlong tao per day. Uuwi ako ng Honda (honda dot, 9 hours only). Kadalasan, nagtatagumpay ako hanggang Miyerkules tapos kapag Huwebes na, iniisip ko na sa Monday na lang ulit.
Nakakasawa na ang maging talunan. Buti pa ang kilikili ko medyo nakaahon na sa kahirapan. Hindi na siya laging kumakanta ng take me out of the dark my Lord, I don't wanna be there. Hindi pa rin siya perfect pero at least hindi na siya burak (share ko ang magic products soon). Samantalang ako, lugmok pa rin.
I want to be better than my kilikili. Sana this is the day and the week to prevail.
Friday, October 09, 2015
Umasal ng naaayon sa lugar
Masama ang paninigarilyo. Walang duda. Pero kung ayaw po nating mausukan, huwag po tayong tumambay sa SMOKING area. At huwag na huwag nating titingnan nang masama at kukunutan ng noo ang mga nananahimik na nagsusunog ng baga dahil para naman sa kanila ang smoking area diba?
Tuesday, October 06, 2015
Email Me Maybe
Hindi ko alam kung bakit naimbento ang email. Aralin ko pag meron akong panahon. Pero sa trabaho, alam ko kung bakit may email. Kasi hindi tayo sindikato. Hindi rin tayo palengke. At lalong hindi lang tayo magkapitbahay.
Kailangang nasusulat ang lahat ng galaw at desisyon. Yung mga meeting at usapan sa personal o telepono, nilalagay din nga ang summary sa email para maging official ang mga bagay. Walang ganun sa sindikato para walang ebidensiya. Sa panahong wala pang email, I think nilalagay yun sa papel. At sa panahong wala pang papel, wala pang kumpanya. Ang smart ko lang, naisip ko pa yun.
Napakaraming tips at guidelines sa nararapat na paraan ng pakikitungo gamit ang email medium. Nakakatuwa at nakakatawa kapag may sumasablay. Nakakatakot kapag may nagwawala sa email. Parang nasisiraan ng bait at nakahanap ng bagong laruan ang mga ganyang tao. At nakakabuwisit most of the time.
Sa ilang taong pagtatrabaho at paggamit ng email, may tatlo akong pet peeve.
Una, siyempre yung magaspang ang laman at tono. In summary, tarantado. Yung mga Bullshit Artist sa corporate environment, ito ang nagpapasikat sa kanila. Lalo kung walang pumapatol. Ang variation nito yung mga taong ang husay sa email pero hindi naman nagtatrabaho sa totoong buhay - management by email ang tawag ko rito at may variation na rin ito na management by Facebook. Kay huhusay mag-post ng happy happy-joy-joy-I-love-my-job-and-my-employees pero nganga sa trabaho.
Pangalawa, yung hindi nagbabasa ng email tapos hindi makakasagot (at ikaw pa rin ang may kasalanan) o kaya uubusin ang oras mo kakapaliwanag at kakaisip ng maayos na paraan para sabihing, scroll down naman diyan. Yung una, uso yan sa mga matataas na tao. Kaya kailangan magpa-meeting lagi kasi hindi nagbabasa. May boss ako dati na lagi akong pinapaalalahanan na pagkasend ng email ay puntahan ko ang mga tao na kailangang sumagot kasi hindi sila nagbabasa ng email. Dahil gago rin ako at bata pa noon, binibiro ko siya lagi. Sabi ko, kung ganun pala baka dapat wala na lang silang email account. Sayang lang ang pera na ginagastos ng kumpanya sa maintenance at storage allocation ng mailbox nila.
Pangatlo, yung mga taong ayaw mag-email. Tinatrato ka na parang corrupt government employee, dadaanin sa under the table. Napansin ko na may mga ganitong tao rin dahil gusto nila bulyawan ka muna sa totoong buhay para walang ebidensya tapos kapag nag-orgasm na sila sa kanilang (evil) need to feel powerful ay saka ilalagay sa email ang gusto nilang mangyari. Hinahayaan lang mapagod ang ganitong mga tao, titigil din naman sila at mamamatay balang araw kaya hayaan na lang. Lahat tayo mamamatay balang araw kaya hayaan niyo lang din ako mag-post sa blog ko. At saka may mga ayaw din pala mag-email kasi lagi silang nagtatae. Dapat lahat now na, now na, now naaaa! Ayaw nila sa email queue ang request nila. Kung puwede lang kumandong sa iyo, kakandong talaga sila para unahin mo ang kailangan nila kasi sila ang mundo.
Sa tingin ko, hindi ko naman ito magiging mga pet peeve kung pinanganak ako at nagtrabaho na wala pang email. Nasanay lang talaga siguro ako. Pero salamat pa rin dahil nandito ako ngayon. Mababaliw siguro ako kapag lahat ng kailangang gawin e ilalapit sa iyo, live no satellite. Imagine, 1980s in Makati. Susmaryosep. Kaya siguro puwede pa magyosi noon sa mga opisina. Burat na burat lang ang mga tao sa walang humpay na chika.
Friday, September 25, 2015
Panata
Ganiyan ka-severe ang aking problema. Wala pa akong napagtagumpayan na paraan, maski isa. May iniiwasan akong gawin kasi mahirap saka sabi kung titigil ka sa adiksyon, dapat walang ibang dahilan kung hindi ikaw. Baka kapag inalay ko para sa panalangin e gumana.
Panata. Nung bata raw ako ay sobra akong sakitin. Hikaing payatot. Yan ako. Wala na ang signs niyan sa akin. Magaling mamanata ang mga magulang ko. Inalay daw nila ako sa Black Nazarene sa Quiapo. Isinisimba pa nila ako ron na naka-Nazareno costume. Wagi ako ron with my naturally African American curls. Hanggang ngayon pa nga para pa rin akong apo ni Bob Marley.
Kaya sige eto na. Susubukan ko talaga. Para sa mga dalangin ko para sa mga bata.