Nuffnang

Monday, October 12, 2015

Lunes Na Naman

Image Source

























Kada Lunes ay mataas ang expectations ko sa sarili ko on three recurring themes. Hindi na ako magyoyosi. Hindi na ako kakain ng pang-tatlong tao per day. Uuwi ako ng Honda (honda dot, 9 hours only). Kadalasan, nagtatagumpay ako hanggang Miyerkules tapos kapag Huwebes na, iniisip ko na sa Monday na lang ulit.

Nakakasawa na ang maging talunan. Buti pa ang kilikili ko medyo nakaahon na sa kahirapan. Hindi na siya laging kumakanta ng take me out of the dark my Lord, I don't wanna be there. Hindi pa rin siya perfect pero at least hindi na siya burak (share ko ang magic products soon). Samantalang ako, lugmok pa rin.

I want to be better than my kilikili. Sana this is the day and the week to prevail.

1 comment :

  1. I feel you ate.. Hahahaha. Minsan, hinihiling ko sana I have all the time and strength para mapagtagumpayan lahat ng nais ko bawat araw kasooo nauuwi ulit sa Monday na lang ulit. Hahaha.

    ReplyDelete

Yum-ment!