Sa tuwing kukunan ako ng dugo, tumutugtog sa isip ko ang My Humps. Iba nga lang ang lyrics, My Blood. "Watcha gonna do with all that blood, all that blood inside your lab?" Bakit naman kasi ang dami daming dugo na kailangan para sa isang simpleng analysis. Diba parang asin lang yan dapat? Kahit gaano karami ang tikman mo - isang kurot o isang dakot - maalat! Sabagay, di naman ako dalubhasa. Napapansin ko lang naman kasi mula nung nagwarla ang thyroid ko, every two months ako sinisipsipan ng dugo.
Chinese ang doktora ko sa thyroid. Kaya siguro hindi siya kuntento sa lab results na hindi six decimal places ang isinuka ng laboratoryo. Sabi niya, "ano ang ibig sabihin ng less than 0.0005? dito mo sa Nuclear Medicine ng Makati Med ipagawa para mas sigurado tayo." Astig talaga si doktora. Maganda na, bespren na ng mga may thyroid problems at diabetics, best in Math pa. Mahal ko siya kaya lang talagang for our relationship to work, dapat sinasabuhay ko ang "love is patient and kind." Tatlo hanggang apat na oras lagi ang inaantay ko tuwing magpapatingin ako sa kanya.
Buti na lang, may HMO benefit kami sa work. Hindi ako ang nagbayad ng PHP 3,510.00! Hindi rin ako ang nagbabayad kay doktora. Huwag lang sana ako lumagpas sa quota this year and the years to come.
Thursday, November 12, 2015
Watcha gonna do with all that blood, all that blood inside your lab
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!