Kahit sumuko ang ulap,
At maglaho ang langit
Basta nandiyan ka,
Dadaloy ako sa iyong walang pag-aalala.
Kahit saglit lang
Kahit sa isang kisap lang ng mata
Kahit walang pangakong makikita ka
Araw araw kitang tatagpuin
Para mapaso ako.
At maglaho para maging ulap,
para maging ulan,
para bumalik sa buhangin,
Mahawakan ka lang.
Madampian ka lang.
Makilala ka lang.
Makita ka lang.
Marinig ka lang.
Nauubos akong dumadami.
Thursday, December 15, 2016
Poetry brought to you by global warming
Labels:
Dating Him
,
Feeling Photographer
,
Feeling Putograpo
,
Love Bug
,
Marriage
,
Poetry
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!